Nagising ako sa isang puting silid na wari ko'y nasa ospital ako. Wala akong maalala kung bakit nandito ako. Napukaw agad ng atensyon ko ang isang natutulog na matandang babae, halata sa mukha nya ang pagod at puyat. Akma ko na sana itong gigisingin nang biglang bumukas ang pinto.
"Gising ka na pala..," Nakangiting sabi ng doktor. Napatingin ako ulit sa matandang babae at gising na rin ito. Maluha-luha akong niyakap ng matandang babae.
"Anak ko... Sa wakas nagising ka na rin!" Naluluha nang sabi nito.
Napakunot bigla ang aking noo. Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap nya sa akin. "Sino po kayo? At bakit po ako nandito?":Taka kong tanong na ikinagulat nito. "K-Kreyd... A-Anak.. A-Ako ito.. Si N-Nanay Lourdes mo.." Nanginginig nitong sabi at napatingin sya bigla sa doktor.
"Doktor, Ano po ang nangyari sa kanya ? Bakit hindi nya ako kilala?" Tanong agad nitong tanong.Matapos akong maobserbahan at matanong ng doktor ay pinapasok na ng doktor ang matandang babae. "Dok, ano po ? Bakit di po nya ako makilala?" Nag-aalalang tanong nito.
"He had an amnesia, pero huwag po kayong mag-alala, babalik rin ang kanyang mga ala-ala ngunit di po natin matitiyak kung kailan" mahinahong sabi ng doktor.
NAKALABAS na ako ng ospital. "Anak, bukas ka na ulit papasok.." sabi ni nanay. "Maganda po yun para makahabol po ako" nakangiti kong sabi. Habang naglalakad ako sa pasilyo ng school ay may isang lalaking umakbay sakin.
"Long time no see Bro!" sabi nito at halos mabali naman ang leeg ko sa higpit ng pagkakakapit ng mga kamay nito. "S-Sino ka ba? B-bitawan mo.. A-Ako.." kahit kinakapos na ako paghinga ay pinilit ko pa ring magsalita. Agad naman nitong tinanggal ang pagkakapit ng mga kamay nya habang habol ko naman ang aking hininga.
"Sorry Bro, namiss ko kasi ang bestfriend ko eh" Kamot-ulo nitong sabi. "So kailangan pag namiss, iipitin ang leeg? Iba ka rin eh no? Pero teka? Sino ka nga ba ?"'sunud-sunod kong mga tanong. "Aiisshh!! Oo nga pala may amnesia ka nga pala! By the way I'm Jayson you're gwapong best friend" Sabi nito sabay kindat pa. "Sorry Bro, sobrang miss talaga kita!" Ilalagay sana nya ulit ang kamay nya sa leeg ko mabuti nalang ay nagawa ko itong mapigilan. "Oo na nga sabi..." yamot kong sabi.
Breaktime namin ngayon at nandito ako ngayon sa ikalawang palapag nitong lumang school building dito rin sa loob ng school na pinapasukan ko. Nakakapag-takang dito ako dinala ng mga paa ko imbis na sa canteen, pero ang maganda dito ay napakatahimik at magandang lugar para umidlip. Habang nililibot ng aking paningin ang bawat sulok ng lumang gusaling ito ay nakapukaw ng atensyon ko ang isang lumang bookshelf na puno ng mga makakapal na libro. Agad ko itong tinungo, pinagmasdan ko ang bawat pamagat ng mga aklat at nakapukaw sa akin ng atensyon ay iyong naiiba sa kanila. Hindi ito isang aklat, kundi isa itong lumang diary na may susian at mukhang nakakandado ito. Pilit ko mang binubuksan ito ngunit hindi talaga kaya, kaya naisipan ko nalang na dalhin nalang ito sa bahay at doon nalang buksan. Bababa na sana ako ng may biglang lumagabog sa ikatatlong palapag nitong lumang gusali at sa puntong iyon ay parang dindalaw narin ako ng takot. Nang papaakyat na ako sa hagdan ay napababa at napatago ako sa isang kwarto dahil mukhang may bababa.
"Pare, nakita mo ba iyong mga tarantadong iyon? Magbabayad talaga sila sakin!" Galit na sabi nito.
Nang makaalis na sila ay agad akong umakyat ng hagdan at pagkarating ko sa ikatlong palapag ay may narinig akong ingay na nagmumula sa dulong kwarto. Pagkabukas ko nito ay agad na bumungad sa akin ang dalawang estudyanteng lalaki.
"MULTOOOO!" Tili nung isa.
"Hoy, tumigil ka nga dyan, di yan multo!" inis na sabi naman nung isa.
"Kalalaking tao takot sa multo!bakla! Hahahaha!", Dagdag pa nito.
"Mas mukha ka ngang bakla kaysa sa akin, tignan mo yang kuko mo.. mukhang kakatapos lang magpamanicure.. Hahaha.." Ganti naman nung tumili."Wag na nga kayong magbangayan dyan at lumabas na kayo dito baka may klase pa kayo" Awat ko sa kanila.
"Ay, Oo nga pala late na tayo sa TLE, Sige po kuya mauna na kami nitong baklang ito."Salamat" Sabi nito at umalis na silang dalawa.
Papalabas na rin sana ako ng kwarto nang mapansin ko ang blackboard na alam ko'y kaninang walang nakasulat dito pero ngayo'y meron na. 'Alam mo may Love Chemistry sila...' Ganyan ang nakasulat. Napapiksi ako at agad kong nilisan ang lumang gusali. Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa sa nakita ko.
YOU ARE READING
Teresa
Horror"Ipikit ang iyong mata at takpan ang iyong bibig" This story is a work of a wide imagination of author. Any names, places, businesses, and events are fully products of Authors imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual...