Tres

8 0 1
                                    

Nakapanlulumo ang nangyari kay Michelle. Parang kahapon lang ay nakita ko iyong umiiyak. "Sayang ang buhay niya, Sino kaya ang taong gagawa ng ganoong kabrutal na pagpatay?" Mga katagang tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Naglalakad ako sa pasilyo ng school namin nang makita ko ang dating kasintahan ni Michelle. Si Erick. Balisa itong naglalakad papunta sa diteksyon na dinadaanan ko. Nang malagpasan na niya ako ay agad ko hinawakan ang braso nito upang iharap sya sa akin.

"Kasalanan mo kung bakit namatay si Michelle..." mahinahon kong sabi.

Hindi ito tumugon. Tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa braso nya at saka naglakad ulit ng parang walang nangyari. Pagkatapos non ay naglakad na rin ulit ako papuntang room na papasukan ko.

Pagkapasok ko ng classroom ay nakakapagtakang napakatahimik nila, marahil ay nakikiluksa din sila sa pagkamatay ni Michelle.

"Bestfriend! Nandyan ka na pala!" Bati sa akin ni Jayson.

Napaka-hyper talaga nito kahit kailan....

"Bestfriend nakita mo ba si Erick?" Tanong ni Jayson at tango lamang ang isinagot ko. Dumating na ang adviser namin at nagsimula na sa kanyang lectures. Natapos ang klase at napagkasunduan naming magkakaklase na dalawin ang burol ni Michelle.

Nandito ako ngayon sa harap ng kabaong ni Michelle. Hindi pinayagan ng mga magulang ni Michelle ang loob ng kabaong dahil sa brutal na pagpatay dito at hanggang ngayon ay hindi pa nila nahahanap kung sino ang salarin. Napagpasyahan nalang namin ng mga kaklase ko na umupo na. Habang nagkukwentuhan kami ni Jayson napukaw ng atensyon ko ang lalaking mag-isang nakatayo sa harap ng kabaong ni Michelle. Napagtanto kong si Erick pala ito. Nakasuot ito ng isang kulay pula na t-shirt na sa tingin ko'y isang couple shirt dahil sa nakalagay na 'I love my Michelle' na mensahe sa ibabang bahagi nito. Maya-maya pa'y yumuyugyog na ang balikat nito hanggang sa ito ay tuluyan ng humagulhol.

"Kasalanan ko'to! Kasalanan ko'to! Kung hindi sana kita niloko ay hindi sana hahantong sa ganito!"

"Kreyd! Anak! Gising na! Nakahanda na ang almusal!" Sigaw ni nanay na dahilan ng pagkahulog ko sa kama. Dalawang ligo na rin pala ang nakakalipas ng ilibing ang mga labi ni Michelle. Sa pagbangon ko ay parang kagagaling ko lang sa paglalaba ng ga-bundok na labahan dahil sa sobrang bigat ng pakiramdan ko.

Pagkatapos ko maligo at magbihis ay agad na akong bumaba. "Good Morning Nay!" Nakangiti kong bati sa kanya. Sinamahan ko nang kumain si nanay at sya naman ay binuksan ang TV. 'Matapos ang dalawang linggo simula ng nailibing ang babaeng brutal na pinatay na si Michelle Tacorda, ay isa na namang kaparehong insidente ng pagpatay ang naganap dito sa isang iskinita at ang biktima ay kinilalang Erick Flores na dating kasintahan ni Michelle Tacorda.." sa pangalawang pagkakataon ay nanlaki ang mga mata ko at gulat sa nangyayari. 'Noon si Michelle... at ngayon si Erick!"

#HeliosStories

TeresaWhere stories live. Discover now