Habang naghahalungkat ako dito sa kwarto ng mga gamit na pwedeng makatulong sa akin para makaalala ako ay parang may nasipa akong bagay sa ilalim ng kama. Agad akong sumilip sa ilalim ng kama para makita kung ano ang nandito. Madilim ang ilalim ng kama pero may naaaninag akong bagay na kumikislap. Dahan-dahan ko itong kinuha. Isa pala itong kwintas na may pendant na letter T.
"Kreyd, kakain na tayo ng hapunan!" tawag sa akin ni nanay.
Inilagay ko sa bulsa yung kwintas at agad nang lumabas ng kwarto. Habang kumakain ako ay napapansin ko ang pagnakaw-tingin sakin ni nanay.
"May problema ba nay?" Tanong ko dito.
"Wala naman, Anak.. May naaalala ka na ba?" Tanong sakin ni nanay.
"Wala parin po nay..", Tugon ko.
"Pero... Kanino po itong kwintas? Nakita ko po kasi yan sa ilalim ng kama ko." Habol ko pang tanong sabay pakita ng kwintas.
"Hindi ko rin alam, baka sayo talaga yan anak.." walang ideya nyang sagot. Pagkatapos ko kumain ay agad na akong pumunta sa kwarto para matulog.KINABUKASAN, breaktime ko ngayon kaya napagpasyahan kong tumambay ulit sa lumang building. Gustong-gusto ko talaga ang tahimik na lugar gaya nito. Naalala ko yung nangyari noong isang araw, aaminin ko nakakatakot iyon pero binalewala ko nalang.
Nandito ako ngayon sa second floor ng lumang building. Payapa akong umidlip nang makarinig ako ng isang bulong ngunit hindi ko mawari kung ano iyon. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon kung saan na ma bumulong sakin. Napaatras ako dahil isang babaeng duguan ang nakita ko.
"Huwag kang matakot sa akin.. Kreyd.." sabi nung babae.
"S-Sino ka? A-At bakit ganyan ang itsura mo? A-At bakit kilala mo ako?!" Uutal-utal kong sabi.
"Malalaman mo rin..." Pagkasabi nya nun ay bigla syang naglaho.Ilang minuto rin ang nakalipas bago ako nahimasmasan. Habang pababa ako ay nakarinig ako ng babaeng umiiyak, base na rin sa boses nito. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog na iyon, sumilip ako sa likod nitong lumang building at nakita ko ang kaklase kong si Michelle na umiiyak. Agad ko syang nilapitan at tinanung ngunit hindi ito sumagot at patuloy pa din sa pag-iyak. Hindi ko alam pero ang tangi kong ginawa ay ang yakapin sya. Maganda rin naman si Michelle at hindi rin malabong magustuhan ko sya. "Salamat.." Humihikbi nitong sabi. "Bakit ka ba kasi umiiyak at bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya. "Niloko kasi ako ng bf ko, nakita ng mismong mata ko kung paano sya nakipaghalikan sa higad na Scarlet na iyon.." sagot naman nito na mahahalata mo ang pait at hinanakit sa kanyang sinasabi. "Tahan na.. Huwag ka ng umiyak, siguro hindi lang talaga kayo sa isat isa..." Pagpapakalma ko dito. "Salamat Kreyd..." Nakangiti nitong sabi. "Maganda ka naman pala pag nakangiti eh, kaya wag ka ng malungkot" Pang-aalo ko pa dito. Napagpasyahan na naming bumalik sa classroom pero bago kami lumabas ng lumang building ay parang may mga nanlilisik na mga mata na nakatingin sakin.
NAGISING ako sa alarm ng aking orasan. Wala ngayong pasok dahil sabado kaya balak kong mamasyal sa mall. Paglabas ko ng aking silid ay nagtungo na ako sa kusina para mag-almusal. "Good Morning Anak!" Masiglang bati sakin ni nanay Lourdes. Totoo ngang nanay ko sya dahil nararamdaman ko iyon at medyo may pagkakahawig kami, tulad ng mga mapipilantik na mata at matangos na Ilong. Kahit medyo may katandaan na sya ay maganda pa rin ito. Pagkatapos kong mag-almusal ay nagtungo muna ako sa sala upang manood muna ng TV. "Isang babaeng estudyante na nagngangalang Michelle Tacorda ang natagpuang wala ng buhay at nakakapagtatakang nawawala ang mga mata, ngipin at kuko nito at iniwang wala nang saplot sa isang parke malapit sa kanyang eskuwelahan na kanyang pinapasukan, hindi maipaliwanag ng SOCO ang dahilan ng brutal na pagpatay dito.." Nanlaki ang aking mga mata nang ito agad ang bumungad sa akin. 'Sino kaya ang gagawa ng ganoong ka-brutal na pagpatay?' tanong ngayon na gumugulo ngayon sa aking isipan.
A/n: Read, Vote, & Share :)
#HeliosStories
YOU ARE READING
Teresa
Horror"Ipikit ang iyong mata at takpan ang iyong bibig" This story is a work of a wide imagination of author. Any names, places, businesses, and events are fully products of Authors imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual...