Broken Vow

39 1 0
                                    

Limang taon.

Limang taon naging tayo.

Limang taon na ang lagi mong sinasambit ay IKAW LANG AT AKO.

Hindi ko lubos maisip kung paano mo ‘to nagawa sakin.

Anong kasalanan ko sayo para parusahan mo ako ng ganito?

Akala ko ikaw na.

Akala ko tayo na habambuhay.

Pero hindi pala.

Kasi hindi na ako ang kasama sa “tayo” mo.

Hindi na ako ang habambuhay mo.

Ang sakit… sobra. Kung alam mo lang.

Nandito ako ngayon sa ilalim ng puno natin. Oo. Natin.

Sa atin ‘to, kasi lagi tayong umuupo dito. Sabay nating pinanonood noon ang mga dumaraan. Sabay nating tinitingnan ang mga bituin sa langit.

Pero ngayon, iba na. 

Naiiba ang araw ngayon.

Dahil ako na lang ang narito. Ako na lang. 

Hinihintay nga kita eh.

Pero alam ko sa sarili kong hindi ka na darating. Kailanman. Hindi na. hindi na .

Kasi sa oras na ‘to, iba na ang katabi mo. 

Iba na ang kasabay mong manood ng mga dumaraan. 

Iba na ang punong inuupuan mo.

Kitang-kita ko kayo mula rito.

Hindi ko akalaing aabot tayo sa ganto.

Hindi ko inakalang hindi ako ang nasa tabi mo. 

Ang sakit. Sobrang sakit.

Pero kahit durugin na ako ng sakit na nadarama ko ngayon, hindi ko nararamdaman ang galit.

Bakit nga ba? 

Bakit hindi ko makuhang magalit sayo mahal ko?

Oo nga naman.

Kasi nga MAHAL KITA. SOBRA. 

Na kahit masakit, mas pinili kong hayaan ka kung san ka sasaya.

Naalala ko ang araw na yon. Ang pinakamasakit na araw sa buhay ko.

Ang araw na dahilan ng kung ano tayo ngayon.

“Babe!”

“Uy kaw pala babe!”

“tara na! pasok na tayo. Inaantay ka na nila mama eh.”

Birthday ngayon ni Jared. Kaya nandito ako sa bahay nila. 

“Happy birthday babe!” hinalikan ko naman sya sa pisngi. 

“Thanks babe”

“uy Gail andito ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay. Hala, simulan na natin ang party at nandito na ang aking soon-to-be daughter-in-law” nakangiting sabi ni Tita Claribel.

“Naku, eh hindi pa nga man lang po nagpopropose itong si Jared eh.” Biro ko naman.

“Hay naku! Lahat ng bagay may right time. Ako na naman ang napagtripan nyong pagtsismisan noh? Tsk. Hindi ko nga pala birthday ngayon.” Sarcastic na sabi ni Jared. Nakakatuwa sya mukhang bata kung mapikon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon