Chapter 3

1 0 0
                                    

  *Sa Court*

RENZ's POV:

1 week na ang nakakalipas mula nung mangyari ang insedenteng yun sa canteen. Pinag usapan talaga yun pero di rin nagtagal. Andito kami ngayon sa Court. Foundation Day kasi. Maraming Booth ang nakakalat ngaun xD pero ang pinakamasaya ang 'WALANG KLASE' AHAHA .. ou nerd ako.. Mahilig magbasa pero katulad din ako nang iba. Gusto ko rin magkaroon ako nang pahinga.  


Lakad lakad mode muna.. Tingin tingin sa paligid.   

  "Aray" sabi ko, nagkakahabulan na kasi sila. Di ko alam kung bakit --__--

"Sorry po" sabi nung nakabangga sakin.
Tinanguan ko na lang..

..hmm.. Pinagpatuloy ko lang paglalakad ko. Nang maisip ko kung saan na ba yung isa na yun? Hehe si Ace po yun tinutukoy ko --__-- baka isipin nyo si..
.
.
.
Ano yun? Si Linda ba yun? Isa siya sa tumatakbo. Papunta siyang garden. Ano kaya gagawin niya doon? May hawak pa siyang isang bulaklak at papel. Masundan nga..

"Ace.." Sabi ni linda

Hmm? Si ace? Ano ginagawa niya dito? Bakit magkausap sila? Kailan pa sila naging close ? Walang nabanggit sakin si ace ah..

LINDA's POV:

Andito ako sa garden ngayon. Narinig ko kasi kanina na nandito si ace. Bumili ako nang bulaklak at gumawa ng letter para sa kanya. Alam ko Babae ako pero .. Crush ko talaga siya eh.   


Hehe.. Eto na, nakita ko na siya. Nakatalikod siya mukung may kausap siya sa phone. Hinintay ko sandali at natapos din siya.

"Ace" sabi ko. Lumingon siya. Yes ^__^

"Linda? Anong ginagawa mo dito at bakit may dala kang flower at papel? - gulat na sabi ni ace.
Kinakabahan ako! 


"Ahm ace kasi.. Hmm.." Nag bablush na ako , inangat ko at inabot ko sa kanya yung flower at ung sulat . hm nasa sulat lahat nakasulat yung lahat nang nararamdaman ko para sa kanya. Kinuha naman niya ang mga iyon. Pero nagtataka parin si ace. Di ba niya gets?


"Ahm linda para saan ito? Bakit binigyan mo ako nang ganto?"

"Ka-kasi a-ahm gu-gusto ki-kita" nahihiyang sabi ko.

"Ahahaha di nga? Palabiro ka pala linda ^__^ " siya

"Ah?"

"Alam mo kung para kay renz to. Wag ka mag alala mabait naman yun. Di mo naman kailangang idaan pa sakin ito. Pwede mo naman iabot sa kanya personal ^__^ "

Ano? O.O ? Yung boy salamin na iyon? Hindi ah! >__<!

"TSK! HINDI AH! DI MO BA GETS AH? ACE IKAW ANG GUSTO KO NOON PA! AT HINDI ANG RENZ NA IYON. KAYA KITA BINIGYAN NANG GANYAN KASI GUSTO KO MALAMAN MO NA GUSTO KITA ! *sob* " T.T Pasigaw pero naiiyak ko nang sabi sa kanya.

Na kita kong nagulat talaga siya nang husto pero naging seryoso din siya. Inabot niya sakin ang bulaklak at sulat na ginawa ko para sa kanya. Huhu T.T

"Ba-bakit ? " sabi ko. Habang nakatingin sa kanya.

"Sorry linda kasi may girlfriend na ako at mahal ko gf ko. Nagulat ako sa sinabi mo. Hindi ko akalain na may pagtingin sakin. Hindi ako ang para sayo." Sabi ni ace.

Ah? May gf na siya.. Huhuhuhu.. Ang lupet naman

"Sino? Sino ang para sakin? Ikaw ang gusto ko?" di ko alam kung bakit ko nasabi yun. 

Basta ko na lang nasabi yun.. Nag umpisa na siyang maglakad. Aalis na ba siya? Sinundan ko siya ng tingin.

"Sorry talaga. May mas nakalaan pa sayo. At hindi ako yun. Sorry" at umalis na siya

Iyak lang ako ng iyak at napaupo ako sa damuhan. Pero di na rin ako makapag pigil --__-- magsalita.

Kanina pa niya ako tinitingnan.

" PWEDE BA LUMABAS KA NA DIYAN. FOREVER KA NA BA MAGTATAGO DIYAN?" Pasigaw Kong sabi. Naiinis na ako eh.

Lumabas na siya at lumapit sakin. Wala na akong pakialam kahit na makita niya akong umiyak. Inabutan niya ako nang panyo. Tiningnan ko siya tapos kinuha ko. Wala akong chioce eh. Wala yung bag ko. Nakalimutan ko yung panyo ko kaya kinuha ko na. Pinunas ko sa mga luha at naamoy ko. Ang bango ng panyo niya  tsk! Kainis.. Hehe ngayon lang may nagbigay ng panyo sakin sa tuwing iiyak ako wala . as in ngayon lang talga at siya pa. Tumabi na siya sakin.

"Paano mo nalamang nandun ako?"

"Nakita kita eh. Nung paalis na si ace. Napansin ko na may nakamasid samin."

"Bakit di mo ko tinawag nung nandito pa siya?"

Kinuha ni renz ung bulaklak at inamoy iyon "ang bango naman ng bulaklak na ito. Sayang naman" Sabah Tingin sakin. Nakangisi pa.

Nang aasar ba ito?  


"Tsk! Eh sa ayaw ko eh bakit ba?" Sabay kuha ng flower sa kanya.

"Masakit ba?"

Nakakaasar na mga salitain nito ah?

"Nananadya ka ba? Kita mong umiyak ako di ba? Malamang masakit. Ikaw ba naman ireject nang taong gusto mo di ba?" Inis kong sabi.

"HAHAHAHAHA !" -renz

"Pwede ba wag ka tumawa! Di ako natutuwa --__-- "

"Ano nagustuhan mo sa kanya? Maliban sa sadyang gwapo ng kaibigan ko?"

"Grave? Ah? Close ba tayo para itanung mo sakin yan at sagutin yang tanung mo?"  sabi ko sa kanya.

Nakita ko tinanggal niya yun salamin niya at binalik din niya agad. May itsura din ito pero kay ace ako.

" Di ko ka pa kasi naranasan ang magtapat at ang mabigo." Seryosong sabi ni boy salamin.

"Hahahaha hindi nga boy salamin?" Infairness ah.. napatawa ako dun.


"Bakit ka natawa? At tsaka bakit boy salamin?"

"Wala lang.. Natawa lang ako bigla sa sinabi mo. Ahaha di ko alam wala ka pang nagugustuhan. Sigurado pag naramdaman mo na yun. Masakit talga lalo na kapag yung gusto mo hindi ka gusto" grave nasabi ko yun sa kanya  pero naka naks ah. Ang gaan niyang kausap   

  "Ah ok" sabi ni boy salamin

"At tsaka yung boy salamin eh wala lang. Una ko kasing napansin sa iyo yung salamin mong suot"

"Ah? Bakit panget ba?"

"Hindi naman. Pero nasa modern na tayo. Hindi ka ba nag ko contact lense ? " sabi ko,

"ah hindi eh. Hindi ko pa na try yun at ayaw ko i try yun. " sabi nito

 "Ok naman yun eh. Sa tingin ko mas gagwapo ka dun" sabi ko, tsk! Bakit ko ba nasabi yun? sabagay gwapo naman tlga siya lalo na siguro pa walang salamin. Hehe.. Pero para sakin Ace parin ako.


"Hahaha ganun? Ayoko pa rin "  


"Bakit?"

"Gusto ko kasi kapag nagustuhan ako nang gugustuhin ko eh. Yung sino ako at kung ano itsura ko talaga."

"Pero ayaw mo nun? Malay mo baka mas may magkagusto pa sayo na marami" sabi ko.

"Ayoko parin . hindi ko kailangan nun. Ahm sige una na ako" sabay tayo.

Aalis na siya? Hm..

"Ah?" Sabi ko.

"Sana wag mo na lang dibdibin masyado yung nangyari kanina sa inyo."

"Naiintindihan ko" naalala ko na naman T.T.

Hayst.. Wait ung panyo niya.. Pagtingin ko nakaalis na siya..

------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I lOVE BEING WITH YOUWhere stories live. Discover now