Walang pasok ngayon, may seminar daw ang mga teachers. Natext ko na din si Carlo na wag ng dumaan dito sa bahay.
Nagfefacebook lang ako, uy? Online si mommy.
Makavideo call nga.
*Video call*
Ako: Hello mom! Good morning here! Good evening there!
Mommy: Good morning there and good evening here darling. Kamusta na?
Ako: I'm okay, si Carlo hatid sundo ko na naman hahaha parang noong bata kami?
Mommy: Yes, uhm. Sakanya ka din magpasama kung aalis ka mag-isa.I can see that mom is really has trust to Carlo. Kase parang kuya ko siya napoprotekta sa akin, laging nandyan. That's so fine for me.
Ako: okay mom.
Mom: Remember Yaya Brenda?
Ako: YesI know, she is my yaya when I was kid pa lang. Oh diba? May yaya ako noon hahaha Mga five years older than mama?
Mom: Well, pupunta siya dyan sa bahay dahil simula ngayon kasama niyo na siya ni Cali sa bahay.
What? Yey! Makikita ko na si Yaya brenda sa wakas!
Ako:Okay mom, where's daddy?
Mom: at his work.
Ako:Oh okay. Tell him that I miss him so much.Biglang sumulpot naman si Cali.
"Hey, labas tayo mamaya?"-Cali
Uhmmm. Wala naman akong gagawin masyado ngayon.
"Okay!"-Ako
Mom: Ingat kayo ha? Bye na. I need to do something
Ako:Bye mom. I love you.
Mom:I love you too.
-end of video call.Excited na akong dumating si Yaya brenda!
"Miks? May gagawin pala ako. Di tayo matutuloy"-Cali
Ay wow ganern? Katapos magyaya, ilang minuto lang wala na. Ganito na ba talaga ngayon sa mundong ito? Parang love, katapos kang sabihan ng ILOVEYOU ilang araw lang wala na.
"Bye"-Cali
Umalis na siya paniguradong naghahanda sa play yun. Yes, may theater play sa school sa october. Si Cali kasi technical directress siya kaya kailangan siya dun for sure.
*ding dong*
"Mikky?"
Familiar.
Agad agad kong binuksan ang pinto.
"Yaya brenda!"- ako
Wow, parang gumaganda siya kagaya ni mommy! Hahaha
"Oh kamusta na?"-Yaya
"Naku, ayos lang po ako. Nasabi na po ni mommy na sasamahan niyo daw po kami dito sa bahay?"-Ako
"Ah oo"-YayaNagkwentuhan kami ni Yaya Brenda. At pagkatapos nun ay inayos niya na ang mga gamit niya. Salamat at may kasama na din kami sa bahay!
"Yaya brenda?"-ako
Balak kong magpaalam kay Yaya Brenda, aalis ako sosorpresahin ko lang si Carlo sa bahay nila tsaka kakamustahin ko na din si Tita Aymi
"Oh bakit?"
"Pupunta lang ako kina Carlo"
"Oh sige. Pakisabi sakanila na nangangamusta ako"
Nginitian ako ni Yaya brenda.
Naglakad na ako...
Sumakay ng jeep...
Haaaayyyy ang ganda ng panahon ngayon ha? Nakaka good vibes.
30 mins passed...
Sa wakas nandito na ako sa bahay nina Carlo.
*tok tok*
Binuksan ang pinto at sinalubong ako ni tita Aymi.
Bumili pala ako ng favorite cupcake nila.
"Hello tita! Si Carlo po?"
"Oh mikky? (smiling) nandoon sa kwarto niya"
"Eto po para sa inyo" iniabot ko ang cupcake kay tita Aymi"Punta ka na lang sa kwarto niya"
Ooops? Baka may mag isip ng kakaiba dyan hahaha
Pumunta na ako sa kwarto ni Carlo, at.
Tulog siya.
Umupo ako sa tabi niya at tumatawa ng patahimik hahaha imagine it lol
Tatayo na ako para umalis pero may humila sa akin
"Oy!"-Carlo
Nagtutulug tulugan lang pala siya.
"Waaaaa!"
"Gulat ka no! Hahaha bakit pumunta ka dito?"
"Syempre para bisitahin kayo nina tita"
"Ahh"
"Ehh?", ako hahaha
"Nanonood ako actually, yung mga videos natin noon? Tignan mo"At nakita ko sa laptop niya yung mga video namin. Si tita Aymi ang nagvideo, at buti naka save pa din ha?
Nanood lang kami ng mga video namin. Hanggang sa mga 5 'oclock pm na.
"Uuwi na ko Carlo"
"Oh okay. Hatid kita?"
"No kaya ko na"
Wala namang pasok ngayon eh kaya no to hatid sundo muna
"Bahala ka"
Lumabas na ako sa kwarto niya.
"Tita Aymi? Uuwi na po ako"
"Ingat hija"
Naglakad na ko palabas ng kanto nila at sumakay ng jeep.
Badtrip. Puno pa yung jeep, buti nalang at nagkasya ako. Yung katabi ko pa natutulog. Naka-uniform, nakaFKS.
At... si Anghel ba to?!
It's him again! Aba? Bakit di pa siya nakauwi? Kanina pa ang uwian nila ah? Nakuuuu, anghel ka lang yata sa mukha eh.Pero ang cute niyang natutulog, mukha talaga siyang anghel. Nakakainlove siya.
Habang natutulog siya, pinagmamasdan ko lang ang mga mata niyang nakapikit.
At hanggang sa kanto namin hahaha
"Para po"- ako,
Ang lakas ng preno!
Bumaba na ako sa jeep at sumulyap ulit sa huling pagkakataon. Nakatingin si anghel sa akin?! Owmygash. Teka? Ang natatandaan ko hindi doon papunta ang bahay nila. Siguro na sa tita niya lang siya nun no? Maybe.
Haaay. Nakakainlove talaga siya.
"I'm.back!"
"Oh, magpahinga kana. Si Cali natutulog. Pagod daw siya practice."- yaya
Oh? Busy na naman si Cali. Kailan kaya kami lalabas ng kami lang dalawa?

YOU ARE READING
Ways of Love (onhold)
Fiksi RemajaAng dami ng ginawang paraan ng tadhana para sa akin at hindi ko man lang ito pinapansin dahil abala ako sa kakahanap ng magmamahal sa akin.