Nagmamadali na ako dahil malalate na ako sa trabaho ng mahagip ng paningin ko si ate sa kwarto nya habang naglalagay ng damit sa maleta.
Pumasok ako sa loob ng kwarto nya at umupo sa kama nya.Tiningnan ko sya,nang mapansin nya ako ay agad naman nyang ibinaling ang tingin sakin.
Bumuntong hininga sya."bukas na ang flight ko yessi,sasama na ako kay kurt".tiningnan ko sya ng masama
"So ganon na lang ate,iiwan mo na lang si shawn at sasama sa ka lalaking yun".huminga ako ng malalim."alam mo ba labis syang nasasaktan ngayon".dagdag ko ulit.
"I 'll just text him".cold ng pagkakasabi nya.
"Alam mo ate hindi ka marunong magpahalaga"tumayo ako at tiningnan ko sya ng masama ,tumayo din sya at tumingin sakin.
"Nasasaktan din naman ako".sabi nya
At mas nasasaktan ako ate
"Hindi mo alam kung pano masaktan dahil hindi ka pa naiinlove yessi".dagdag nya
Matagal na akong inlove ate ,hindi mo kasi alam
Kung alam mo lang kung anong rason kung bakit ako nasasaktan ngayon
Ikaw yon,ikaw ang mahal nya
Hindi mo man lang iyon pinahalagahan.
Naiinis ako sayo.
Umiwas ako ng tingin at naglakad palabas ng kwarto nya.Narinig ko naman syang nagsabing sorry pero hindi ko na sya pinansin pa.
lumabas na ako ng bahay at sumakay ng taxi papuntang school kung saan ako nagtratrabaho.
~~°°~~
Nasa faculty ako ngayon at tapos na rin ang klase ko.Inaayos ko pa ang mga lesson plan ko ng bigla kong mapansin ang pagupo sa tabi ko ng co-teacher kong si lilia.
"Ikaw ha marunong ka na magdate".pang-aasar nito.
"Alam mo kung anu-ano ang sinasabi mo ,hindi tuloy kita maintindihan".sabi ko sabay ayos ng mga gamit ko sa mesa.
"Aba aba nakalimutan agad,alam mo kung ganon kagwapo ang kasama mong lalaki ay hindi dapat kinakalimutan".pang-aasar nya ulit
Wala naman talaga akong maalala na nakipag date ako.
"Alam mo namumukhaan ko yung lalaking kasama mo ah teka ano ah yun naalala ko na nakita ko na sya sa hospital sya yung doctor ng pamangkin ko, Oo si doc pascual".bigla akong napatingin sa kanya
"N-nakita mo?".tumango naman sya at ngumiti ng mapang-asar.
"Buti na lang at naalala mo na".tapos tumawa ulit sya.Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit ko.
Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko
"Boyfriend mo ba yun?".tanong nya
"H-hindi ah".malamang namumula na ako dito.
Kahit gustuhin ko man hindi pwede dahil hindi nya ako mahal
Nang matapos na akong magligpit ay nagpaalam na ako kay lilia at naglakad na ako palabas ng eskwelahan.Habang naglalakad sa daan ay napatigil ako dahil napansin ko ang sasakyan nya at bigla na lang syang lumabas sa kotse nya at naglakad palapit sakin.
"Halika ka na kain ulit tayo ng isaw".sabi nya sabay ngiti.
"Ah o-oo".naglakad na kaming dalawa papunta sa kotse nya,pinagbuksan nya naman ako ng pinto ng kotse,pinagmamasdan ko lang sya hanggang makapasok sya sa loob ng kotse nya.