2nd Chapter

1 0 0
                                    

2:30pm na ng lumabas ako ng kwarto ko,pagkalabas ko ng kwarto agad naman bumungad ang kapatid ko sakin.Lumapit sya sakin.

"Yessi pag dumating sya paki-sabi wala ako ha,please".tumango naman ako

So pupuntahan sya ni shawn,buti ka pa ate ang daming effort sayo ni shawn mga effort na sana sakin na lang nya ginagawa.

Nakaramdam nanaman ako ng inggit
,inggit na sana ako na lang ang minahal nya.

Naglakad ako papunta sa kusina dahil nagugutom na rin ako,nakita ko namang sinundan nya ako.Kumuha ako ng makakain sa ref. at nilapag ito sa mesa naghugas naman ako ng kamay tsaka kumuha ng kutsara't tinidor agad akong umupo at sumubo ng pagkain,nakita ko namang kumuha sya ng tubig sa ref,isinara nya ang pinto ng ref at sumandal dito.

"Yessi bumalik sya,binalikan nya ako".sabi nya habang nakatingin sa basong hawak nya.Tiningnan ko sya ng may pagtataka sa mukha ko.

"Sino?".tapos subo ulit ng pagkain.Nakita ko naman syang bumuntong hininga.

"Si  k-kurt".agad kong naibuga ang kinakain ko ng marinig ko ang pangalan ng gagong yun.Tiningnan ko sya ng masama

"Kaya pala iniiwasan mo si shawn?".Ibinaling nya ang tingin sakin at naglakad papunta sa lamesa at umupo. Inilapag din nya ang baso sa mesa,ngayon ay magkaharap na kaming nakaupo.

"Hindi ko alam yessi nalilito ako sa nararamdaman ko".huminga sya ng malalim."alam mo ng makita ko si kurt iba yung feeling ko yessi nawala lahat ng galit ko sa kanya na matagal ko ng kinimkim.Alam ko na nakapag move on na ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko?nalilito ako".bahagya syang yumuko"sabi ni kurt gusto nyang makipagbalikan sakin".Dagdag nya at tiningnan ko sya ng masama.

"Pano si shawn ,iiwan mo lang sya?".sinubsob nya ang mukha nya sa mesa.
"Hindi ko alam yessi,nasasaktan din ako sa ginagawa ko kay shawn ,alam ko sa sarili ko na minahal ko rin sya,nalilito lang talaga ako ngayon yessi".Napaiwas ako ng tingin.

Kung ako lang sana ang nasa posisyon mo,hinding hindi ko sasaktan ang damdamin ni shawn.

ding dong ding dong...

Narinig naming  pareho ang pag doorbell  kaya agad kaming napatayo.Lumabas kaming pareho sa kusina nakita ko naman syang dali daling pumasok sa kwarto,bago nya isinara ang pinto ay tiningnan nya ako.

"Yessi please,wag mo sabihing nandito ako".tumango lang ako nakita ko ang pagsara ng pinto ng kwarto nya.Naglakad
naman ako papunta sa pinto at pinagbuksan ito ,bumungad sa akin ang lalaking mahal ko na hindi pwedeng maging akin.

"S-shawn, pasok ka".sabi ko ng hindi makatingin ng diretso sa mga mata nya.

hanggang ngayon hindi ko magawang makipag eye to eye dahil baka any moment ay hihimatayin ako.

"Wag na,itatanong ko lang sana kung nandito si ales".bumuntong hininga ako

Si ate nanaman,buti pa sya.
Ako na lang kasi shawn.

"W-wala dito si ate".

Bakas sa mukha nya ang sobrang pag-aalala at hinahaluan pa ito ng lungkot.

"G-ganon ba".bahagya syang yumuko."ah sige pakisabi napadaan ako,sige cortez alis na ako".tiningnan ko sya ng masama,pero hindi naman ako galit.

"Grabe ka naman shawn doctor ka na at teacher na rin ako pero yung tawag mo sakin ay parang nung highschool lang".

Nakita ko syang ngumiti kaya lumabas ang dalawang dimples nya sa magkabilang pisngi.

isa yan sa nagustuhan ko sa kanya

At alam ko ngayon na mas minahal ko pa sya.

"Ang tagal ko ng tawag sayo yan,ngayon ka pa nagreklamo".ngumiti sya pero bakas parin ang kalungkutan sa mukha nya,isang pilit na ngiti.

Dahil sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon