1st Chapter

2 0 0
                                    

~ALES POV~

Shawn  Calling........

"Ate kanina pa yang tawag ha,bakit hindi
mo Sinasagot?sino ba yung tumawag?".kinuha nya yung phone na hawak ko at tiningnan ang screen ng phone ko."oh si shawn pala yung tumatawag,bakit hindi mo man lang sinagot?".Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa kama ko and she answered the call.

"H-hello shawn?".sagot nito sa kabilang linya.Agad naman akong napatayo at Inagaw ko ang phone ko sa kanya at agad itong in-off.Humarap muli ako sa kapatid kong pakialamera.

"yessi bakit mo naman sinagot?".sabi ko sa kanya .

"Kawawa naman kasi kanina ka pa tinatawagan".narinig kong sabi nya.
Muli akong umupo sa kama ko at bumuntong hininga,umupo din sya sa tabi ko at tumingin sakin.

"Bakit hindi mo kasi sinasagot ang tawag nya,kawawa naman si shawn naka 50  missed call na sayo".sabi nya habang nakatingin sakin lumapit naman sya sakin at niyakap nya ako.

"Wag mo naman sana saktan yung tao".narinig kong sinabi nya.

Nalilito ako ngayon sa nararamdaman ko ,natatakot ako na baka mali ang maging desisyon na gagawin ko.

Humiwalay naman sya pagkakayakap sakin at muli akong tiningnan

"Alam mo ate wag kang gagawa ng desisyon na maaaring pagsisihan mo rin sa huli".malungkot ang ekspresyon ng mukha nya,kaya napaiwas ako ng tingin narinig ko na lang ang pagsara ng pinto ng  kwarto ko.

~YESSI POV~

Pagkasara ko ng pinto ng kwarto nya.Hindi ko maiwasan ang maging malungkot.Agad akong naglakad papunta sa kwarto ko,nang makarating ako sa kwarto,isinara ko ang pinto at humiga ako sa kama ko.

Malungkot ako dahil...
Alam ko kung gaano sya kamahal ni shawn ,alam ko lahat gagawin ni shawn para sa kapatid ko at alam ko ngayon nakakaramdam ako ng labis na inggit at selos.

Matagal kong tinagong mahal kita shawn
Simula pa ng Second year highschool pa tayo at si ate ales naman ay third year highschool noon.Magkaklase tayo noon at alam mo ba ginawa ko na lahat para sayo,buong puso ko ikaw ang nilalaman nito
Pero hindi mo parin ako napansin at mas lubha pa akong nasaktan ng malaman ko  na may lihim kang pagtingin sa kapatid ko,Isang taon lang ang agwat namin ng ate ko.

Dumating ang panahon na pare-parehong tayong naging college student sa Isang school.Medicine ang kursong kinuha ng ate ko at naalala ko noon sabi mo pagkatapos nating grumaduate ng highschool."yes makikita ko na ulit si ales,kukuha din ako ng kursong kinuha nya para lagi ko na syang
makita".Katulad ng sinabi mo  medisina nga ang kinuha mong kurso,sumama ka din sa mga org. Kung saan kasama din si ate.Nag take ako ng exam para makakuha ng kursong katulad ng sa inyo ni ate pero hindi ako pumasa kaya nag take na lang ko ng education.

Napaisip tuloy ako noon,bakit kaya hindi pwedeng magcross ang landas namin ni shawn?

Sa tuwing nakikita ko silang magkasama  ni ate,nasasaktan ako ,naiinggit ako kahit alam kong ng panahon na iyon ay may boyfriend ang ate ko at iyon ay si kurt almost 5 years narin silang mag-on.Akala ko noon na hanggang friends lang ang magiging status nyo ni ate pero mali ako dahil nalaman ko na lang na break na sila.Natatakot ako sa panahong yon dahil baka yun na yung araw na hihihintay mo at araw na ipinagdasal ko na sana hindi na lang dumating.

Dumating ang araw na ipinakilala ka ni ate bilang boyfriend nya samin.Alam mo ang  sakit sakit kasi Umasa ako pero wala eh naging kayo parin ano pa nga ba ang magagawa ko,tanggapin na lang kahit masakit.

Siguro nga ang tanga tanga ko dahil alam  ko na hanggang ngayon hindi mawawala ang pagmamahal ko para sayo shawn.

Sana  kapag mahal mo ang isang tao ,
Automatic din na mamahalin ka nya.

Pero sa sitwasyon ko hindi yun mangyayari.

Dahil sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon