"Oli.. " Malumanay na tawag ko sa kapatid na himbing na himbing sa pagtulog habang hawak ang maliit at maputla nyang kamay..
Tanging tunog ng aparato lamang ang maririnig sa kwartong kinalalagyan nya. Naawa ako sa tuwing nakikita ko ang bawat tubong nakakabit sa ibat't ibang parte ng katawan nya.
I breathe hard to control the emotions I am feeling right now..
"You have to fight, Oli. Kaunting panahon nalang at gagaling kana. " Bulong ko. "Ate's doing anything just.. just to save you, Oli." Hindi ko na napigilan ang pagbasag ng aking boses sa huling sinabi at tuluyan nang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
I bit my lip just to stop myself from sobbing. Huminga muna ako ng malalim..
"Kapag gumaling kana, pupunta tayo sa mga lugar na gusto mong pasyalan.." Saad ko habang sinuklay ko ang maikli nitong buhok gamit ang malaya kong kamay.
Napangiti ako ng malungkot habang tinititigan ang maamo nitong mukha.
Who would have thought that this eight year old boy is now suffering from a complex Congenital Heart Disease?.. It was his second attack and the worst one.. Hindi na kinaya ng puso nya ang atake dahil na rin sa edad nya and he ended up being confined in ICU the first day of Oli's attack.
Kaya kailangan nyang maoperahan at mapalitan ng bagong puso sa lalong madaling panahon. Sa loob ng dalawang buwang pananatili namin dito sa ospital, bihira lamang syang magigising, kaya laking pasalamat ko ilang araw pagkatapos ng atake nya ay nagising sya, sabi ng doktor nya ay isang malaking milagro raw na nagising pa sya dahil usually inaabot ng ilang buwan o linggo pa magigising ang pasyente kapag ganitong atake na.
Hindi ako tumitigil sa paghahanap ng donor na magmamatch sa kapatid ko katulong ang aking kaibigan at si Dominic.
He knows the condition of my brother. Sa halos isang taon namin bilang magkasintahan ay lubos na napalapit ang kapatid ko kay Dominic. He even sponsored the bill of my brother pero mahigpit ko itong tinanggihan..
Ayokong isipin ng iba na pera lang ang habol ko sa pakikipagrelasyon ko kay Dominic. I have my money dahil bago pa man mamatay ang mga magulang ko mula sa isang aksidente ay nag iwan sila ng malaking halaga para sa amin ng kapatid ko, lalo na sa kondisyon ni Oli. Pero sasapat na lamang iyon para sa nalalapit nyang operasyon..
Hindi ko ito pinaalam kahit kanino. I even sell the other properties of my parents dahil kakapusin na kami sa panggastos namin sa ospital..
"Babe." Napalingon ako sa may pinto ng kwarto ng marinig ko ang pagtawag.
Ngumiti ako at sinalubong sya ng yakap. "What are you doing here? I thought you have a meeting? " Nagtataka kong tanong.
He smiled and kissed my forehead. "I just missed you. " Sagot nya na hindi naman tumugma sa tanong ko.
Sumimangot ako sa sinabi nya. Pinagtaasan ko sya ng kilay. "Dominic Sean." Tawag ko sa buong pangalan nya na may himig pagbabanta.
Natawa sya bago umiling.. "How can I resist you, Babe? " Malambing nyang saad. Kinurot ko sya sa tagiliran na nagpadaing sa kanya. "Aww, maagang natapos ang meeting ko kaya dumiretso nko dito. " Mabilis nyang sagot.
Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at nilapitan ang natutulog kong kapatid. Umupo sya sa upuang katabi ng kama ni Oli.
"Hey, Dude! What's up? You're still sleeping peacefully until now, Oli. " Malumanay na Aniya nang makalapit sa kama ng kapatid ko. Sumunod naman ako at umupo sa gilid ng kama. "How is he? " Tanong nya at bumaling sakin sakin sandali bago tinitigan muli ang aking kapatid.
BINABASA MO ANG
I'm The Boss Ex..
General FictionLahat gagawin mo kapalit ang buhay ng isang taong malapit sa buhay mo.. Love over Family.. Money over Love.. Happiness over Money.. Forgiveness over Hate.. Who and What will you choose?