One..

12 0 0
                                    

5 years later..


"Thank you, Ms. Trinidad. We'll just call you after a few days. " The HR Manager said as she finished the interview with me.



I nodded politely and smile at her.. "Thank you, Ma'am. "



Matapos ang pakikipag usap ko sa HR Manager ng kumpanyang pinag apply-an ko bilang isang Executive Secretary, ay nagpaalam na ako upang lumabas.


Habang naglalakad sa lobby ng kumpanya ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko, kaagad ko itong kinuha sa aking bag at tiningnan ang tumatawag. Napangiti ako ng mapagsino at kaagad na sinagot.



"Ate. " Bungad ng kabilang linya. "Bilhan mo naman ako ng ice cream pag uwi mo. " Malambing na aniya.



Natawa ako dahil sa dahilan ng pagtawag nya. "Naku, Oli. Tigilan moko! Ilang araw ng puro sweets ang kinakain mo." Pangaral ko sa kanya na pinipigilang mangiti.




"Haist, Ate naman.. Paminsan nga lang ako magrerequest ng pasalubong eh. " Nagtatampo nitong sagot. "Sige na, Ate. Bilihan mo na ako.. Please? " Panglalambing nito. I bet, if He's in front of me right now, he's doing the puppy eyes and paawa effect.


Hindi ko na mapigilan ang pagkawala ng aking tawa, may ibang employee ng company na nakakasabay ko sa paglalakad ang sumusulyap sakin dahil sa biglang pagtawa ko.. Gosh, Oli's using his paawa effect.. Nako ito talagang batang 'to.



"Fine! As if I would resist you.. " Naiiling ko na sagot habang nakangiti.


"Yehey! Thank you, Ate!" Magiliw na aniya.. "I Love you! " Pahabol pa nito.


Napangiti ako ng malapad, he's sweet as ever. May mga bagay na nagbago sa kanya makalipas ang ilang taon pero ang pagiging malambing sa akin ay hinding hindi nagbago.


"Love you too. " Sagot ko bago tinapos ang tawag.


Pagkalabas ko sa company ay dumiretso ako sa isang maliit na convenience store na hindi kalayuan sa building at doon naisipang bumili ng ice cream na gusto ng kapatid ko.


"What do you want, darling?" Rinig kong sabi ng isang babae gamit ang malambing na boses, hindi kalayuan sa kinalalagyan ko.


I shrug, it was just only a couple, I thought. Pinagpatuloy ko ang paghahanap sa flavor ng ice cream at napangiti ako ng makita ko ito. I opened the freezer at akmang aabutin na ito.


"Let's go, I'm hungry. " My hand froze mid-air when I heard the voice coming from behind.


"Wait for a minute, darling. I'll get some ingredients para sa dessert lang for later." Sagot nung babaeng malambing na boses kanina.


Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa biglang pag bilis ng tibok ng puso ko.. This can't be.. I said to myself..


"Ok, I'm going to wait you outside." Paalam nito bago lumayo sa kasama nyang babae.


Saka ko palang pinakawalan ang hiningang knina ko pa pinipigilan. I closed my eyes tightly trying to calm my heart for beating so fast.


"Miss? Are you okay? " I heard the girl ask me. I composed myself and face her.


Tipid akong ngumiti at tumango. "Ayos lang ako, Miss."

Nang makumbinsi sya sa aking isinagot ay umalis na rin ito. I sighed heavily at napailing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm The Boss Ex..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon