Dead leaves

25 2 4
                                    

Pag uwi ko ay sumalubong sa akin si mommy.

"Anak, go to you dad's office" she said. And drink her cup of tea.

"yes po"

*knock knock*

"Paki ayos na ang mga papeles ng anak ko para sa pagdating nya dyan" naririnig kong boses ni daddy sa kausap nya sa phone.

Pumasok na ko at umupo sa harap ni Daddy.

"Sige I'll call you later para sa mga infos" dagdag pa nya.

"Nak, your flight will be on Wednesday. Mag iistay ka sa condo malapit sa company. Okay na lahat ng papers mo." sabi ni daddy.

"Yes dad" sagot ko. Wala naman akong ibang pwedeng isagot. Kahit ayoko, pipilitin ko ang sarili ko para lang maging proud sila sa akin.

"Sige magpahinga ka na" dagdag pa nya.

Lumabas na ako sa office nya. Bago ako pumasok sa kwarto, dumaan muna ako sa kwarto ni ate.

Pumasok ako sa loob.

Nung mga bata pa kami, super close namin dahil kami lang ang magkapatid. Pero ngayon, hindi na gaano dahil nasa ibang bansa na sya at nagtatrabaho para sa company. Ipinanganak na ata kami para sa kompanya. Nakakatuwang isipin dahil yung lahat ng gusto ko makukuha ko, pero pinaghihirapan ko din yon. Kaya itong malaking project na ibinigay sakin, ito lang ang pag asa ko para naman maipag malaki na ko ng parents ko.

Pagkatapos kong magdrama, pumunta na ko sa kwarto ko at nag impake na.

Sa ginta ng aking pag iimpake, may narinig akong katok sa pinto.

*Knock *Knock

"Come in" sigaw ko.

Pag lingon ko ay nakita ko ang pinaka panget na nilalang na ginawa ng Diyos.

"Bat ka nandito? Bukas pa usapan diba?"
sabi ko sa kanya.

"Excited ako eh" kinikilig nya pang sagot.

Si athena, habang hila hila ang dalawang maleta nya.

"Gusto mo sa hotel na lang tayo matulog ngayon para mas malapit na tayo sa NAIA" suggest ng bruha.

"Sige mukhang magandang suggestion yan" sagot ko naman

"Saan nga pala?" tanong nya.

"Tawagan mo si Cindy baka nasa hotel yun, lam mo naman diba" sagot ko.

Mahilig sa hotel yung babaeng yon, lalakero kasi eh.

"Got it" sagot naman ng maarteng nilalang na sya.

____

Nasa Diamond hotel na kami ngayon dito sa Pasay.

Kasama ko si Athena. Sinalubong kami ni Cindy.

"Asan na si Billie?" Tanong ko habang nasa elevator kaming tatlo.

"Susunod na daw" Sagot ni Cindy.

"It's gonna be a good night with the bad girls" sabi ni Athena.

"Bad girls ka dyan, Good ako no" pag singit ko sa ka echosan ng babaing chaka.

"Just shut up" sabay irap. Bastos tong babaeng to ah.

"Remember the Gucci, dear?" sarcastic kong tanong sa kanya.

" Joke lang, eto naman di mabiro" naka ngiting sagot nya sa aken.

Tumunog na ang elevator at lumabas na kami.

"Isang kwarto lang ba kukunin natin?" Tanong ni Cindy.

"Yeah, enjoy the night with you guys before we leave this country" sabi ko.

____

"YEAH!!" Sigaw ni Athena habang sumasayaw. Lasing na to.

"You're drunk Athena" Pagpigil sa kanya ni Billie.

"No, I'm not. Look I can dan- " ayon. Nasukahan si Billie.

"I HATE YOU ATHENA" sigaw ni Billie.

Ako naman nandito lang sa balcony. Habang nasisilayan ang laki ng Mall of Asia.

At ang mabahong simoy ng Manila bay.

____

Kinaumagahan.

Ang sakit ng ulo ko. Ang sikat ng araw ang gumising sa magandang ako.

Nasa kama ako katabi si Billie. Si Cindy naman nasa couch.

Where's Athena?

Lumabas ako ng kwarto at hinanap sya. Myghad asan na ba yun?

May bumukas na isang kwarto at napalingon ako.

Si Athena, baliw talaga to.

nakahawak sya sa ulo nya. Lumapit ako sa kanya at inalalayan sya.

"Anong ginagawa mo dun?" tanong ko sa kanya.

" Huh? Ewan ko nga eh. Kaninong kwarto ba yon?" tabong nya pabalik sa akin.

Baliw na nga.

___

Pagkatapos naming mag breakfast, nagpaalam na sina Billie at Cindy. May lakad pa daw sila.

"Tayong dalawa na lang dito, anong balak?" Tanong ni Athena sa akin.

"Swimming tayo?" Tanong ko.

" Ayoko, malamig kaya" sagot naman nya.

"Edi dito na lang muna tayo. Bukas na flight wag ka ng magpagod marami tayong gagawin sa Korea kaya magpahinga ka muna"sabi ko sa kanya.

"Fine" sagot naman nya.

"Teka, san ka nga ba galing kagabe?" tanong ko sa kanya.

"Sa kabilang room, di ko nga alam kung pano ako napunta don eh" sagot nya.

"Baliw ka kase"

_____

Wednesday, 3:13 AM

Naka impake na ang lahat. Paalis na kami ni Athena sa hotel. Papunta na kami sa NAIA. 4:30 ang lipad ng eroplano.

Habang nag aantay kami, nagbabasa muna ako ng ilang words na korean para magamit ko sa pagpunta namin doon.

Si Athena naman ay nag tu-twitter.

Nakasakay na kami ng eroplano.


Halos 4 hours ang byahe namin. Nasa Airport na kami ng Korea ngayon. Mga tauhan ni Daddy ang susundo samin papuntang condo.

Malamig ang klima sa Korea. Ang lameg besh. Yung mga dala kong damit, pang summer. Keme.

"Ang ganda naman dito" manghang manghang sabi ni Athena.

Korea... Maganda nga...

A Peculiar LoveWhere stories live. Discover now