Specially dedicated to my first voter, ellaxxjane. Thank you very mwahch~
NIEL'S P.O.V.
Ngayon na. Ngayon na nga! Magkikita na ulit kami! Who? My ex. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkita. Bago ako nag-audition sa Pinoy Boyband Superstar, nakipag-break ako sa kanya. Ewan ko't napaka-immature ko nun. Nakipag-break ako sa kanya para iwas distractions. Pero parang gusto niya naman. Hindi na kami nag-kita pa ulit. But now, after almost 4 years. Nagka-komunikasyon uli kami. Sa online show ng Boyband PH kami nag-kita ulit. Okay, inaamin ko. Mahal ko pa siya. Mahal na mahal. Ni' katiting hindi yun nakunan.
Araw-araw umaasa akong makikita ko ulit siya. Araw-araw pinagsi-sihan kong pinakawalan ko siya. Araw-araw tinanong ko kung may iba na ba siyang mahal. Pero ngayon babalik na siya. Hindi ako mapa-kali. Paikot-ikot lang ako nang mag-ring yung cellphone ko. Siya yung tumawag. Dali-dali kong kinuha yung cellphone ko at dahil sa pagmamadali ko, na-end ko yung call. Urgh! Sa tinagal-tagal nang nabuhay ng cellphone ko, bakit ngayon pa? Dali-dali kong dinial yung number niya.
"H-hello?"
['Bat na end yun?]
"Eh kasi nagmamadali ako kaya napindot ko"
[Andito na ako, Niel]
"T-teka. Susunduin kita diyan"
[Sige, sige. Kitakits!]
Pagkatapos nun in-end na niya at dali-dali naman akong tumakbo palabas. Nakita ko siya sa labas ng gate, nagpapabalik-balik ng lakad. Namiss ko siya.
"Yvonne?" pagta-tawag ko sa kanya kaya lumingon naman siya. Napa-laki ang mata niya. Nakaka-tuwa.
"Niel!" sigaw niya sabay yakap sa'kin. Hindi ko maiwasang yakapin din siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ayaw ko nang bumitaw. Kung pwede ganito lang lagi. Gusto ko siyang yakapin na aabot ng 4 years. Para maka-bawi ako sa mga oras, araw, at buwan na wala ako sa tabi niya.
"Niel?"
"Na-miss kita" napa-ngiti ako nang sabay naming masabi yun. Cheesy man pero, kinikilig ako. Una siyang bumitaw pero parang naka-dikit na yung mga braso't kamay ko sa kanya. Maya-maya'y bumitaw na ako. Naalala ko,
Hindi na pala kami.
"Pasok na tayo?" pagya-yaya ko sa kanya. Tumango naman siya at nagsimula na kaming maglakad.
**
"Single ka parin ba?" napa-tigil ako sa tanong niya. Hindi ako napa-sagot at natahimik lang.
"Okay lang kung hindi mo sagutin, hindi rin nama--" pinutol ko agad yung sasabihin niya.
"Oo"
Natahimik lang kaming dalawa. Ewan ko kung sasagot ba siya o dudugtungan ko yung sinabi ko.
"U-uhm.." napalingon siya sa akin na nagtataka
"Yvonne, ano kasi eh. Pasensya ka na ha?"
"Niel, you don't---"
"Shush. Pasensya na't iniwan kita. Pasensya na't inuna ko yung para sakin. Na inuna ko yung sarili ko. Pasensya na't ginulo kita sa mga araw na nanliligaw pa ako. Pasensya na kung nanligaw pa ako. Pasensya na't sinaktan kita. Hindi na sana ako pumasok sa relasyon natin kung alam ko lang na sasaktan kita. Ang immature ko pa kasi nun. Ang selfish ko pa. Gusto ko lang malaman mo na, pinagsi-sisihan ko ang lahat-lahat" pinahid ko yung mga luhang nasa gilid ng mga mata niya
"Gusto ko lang malaman mo na sa halos apat na taon tayong hindi nagkita. Mahal parin kita. At araw-araw kong pinagsi-sisihan at pinag-hinayangan ang lahat. Yvonne.." sabi ko sabay hawak ng kamay niya.
"Andito ko parin" tugon ko sabay turo ng puso ko. "Kahit dito din" dagdag ko sabay turo sa ulo ko. "Binuo mo ako dati, Yvonne. At hindi ka nabigong buohin ako ulit ngayon"
"S-sorry" tanging nasabi ni Yvonne na naikunot ng noo ko. Yinakap niya ako.
"Sorry, sorry, sorry talaga Niel"
"Shh. Wala kang kasalanan. Ako, ako dapat ang nagsa-sabi niyan. Sorry talaga. Sorry kasi bumitaw ako para sa pansarili kong kapakanan. I love you, Yvonne" sabi ko habang tinitignan siya sa mata. Nagulat ako nang iniwas niya ang tingin sa akin.
"M-mahal pa din kita, N-Niel." napa-ngiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan ang mayakap siya. Hindi ako makapaniwala. Sa lahat ng sakit na dinala ko sa kanya, MAHAL NIYA PA DIN AKO!
"Ah, Niel. Congratulations pala ah?" sabi niya sakin at ngumiti. I missed that.
"Salamat. Teka, kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya
"Aah, hindi pa eh" sagot niya.
"Kumain ka na dito!" Pagya-yaya ko sa kanya
"No, wag na! Aalis nalang din ako" pag-tanggi niya.
"Hindi. Lika na"
"Pasaway ka parin Niel, noh?"
"Sayang naman yung niluto ko"
"Sige na nga! Wala talagang makaka-tanggi sa charm mo" Naks! Bumanat pa!
Kumain kami ng sabay. Kagaya ng dati, nagku-kwentuhan kami, nagta-tawanan. Nakaka-miss, sobra. We used to be like this. Madalas kasi kaming nagbi-bisitahan ng bahay kapag miss namin yung isa't isa. Wala sana kaming problema eh. Gusto ako ng pamilya niya ganon din yung pamilya ko sa kanya. Masaya, na kahit hindi na kami, ganito pa din. Na bumalik na siya. Na mahal niya padin ako. Kapag masaya ka talaga, bumibilis yung oras. Paalis na si Yvonne.
"Hi, ako si Niel Murillo" sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya.
"Huh?"
"Let's start over again" sabi ko at tumango naman siya.
"Hello, ako si Yvonne Marquez"
"Nice to meet you"
"Nice to meet you din!"
"Pwede hingin ang number mo?"
"Oh, sure!"
YOU ARE READING
Living with the Boyband
FanficPaano kung ang taong pinaka-ayaw mo ang magdadala sayo sa limang lalake na magmamahal sayo? Syempre bilang kapatid. Pero paano kung yung isa sa limang lalake ay hindi mo inaasahang mamahalin mo? Yung lalaking ayaw mo pero gusto mo. Yung lalaking gus...