"Ikakasal ka na Bret, can't you see di na tayo pwede. Hinding hindi tayong magiging pwede. So just please, tigilan mo na ako. Di ka ba naaawa sa sarili mo, sa pamilya mo at sa magiging asawa mo? Ginagawa mo silang tanga Bret. Alam mo kung bakit? Huh, DAHIL. SAKEN."
Mahirap iwasan at iwanan ang minamahal mo sa iba. Yung naging pag-aari mo na magiging pag-aari na niya. Kung pwede lang sanang ibalik ang "KAMI", pero kasi ikakasal na siya eh. Ayaw ko ng ipaglaban siya, nakakapagod na. Maaaring ito na talaga ang katapusan ng "KAMI" pero sana di mawala sa isip niya na may segundo, minuto, oras, araw o buwan na masasabi niyang naging kami din. Pero ang mundo kasi ay gumagalaw, di natin mapigilan ang oras...Kaya minsan may hahantong talaga sa dulo na di na kayo, wala ng kayo kasi di na talaga.
"Di ko na itu-tu-loy Abe. It-iti-gil ko A-be, A-abe...Wag ga-nit-o ohhh" halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, sakit kasi masakit na talaga siya...saya kasi ang lalaking mahal ko nasa harap ko, nakaluhod at nagmamakaawang wag ko daw siyang iwan. Sinong di sasaya sa ganun, pero naisip ko ang sitwasyon niya...Ipit na ipit na siya at nakakadagdag na ako ng problema niya.
"Isipin mong mabuti Bret.... Di naman kita iiwan eh, nandito lang ako pero sa ngayon ay magpapakalayo muna. Ituloy mo ang kasal mo, wag mo na akong isipin at yang nararamdaman mo sa akin kasi mawawala din yan. Mahalin mo lang ng buo si Eva, huwag mong sasaktan ang bestfriend ko Bret. Magkikita parin naman tayong muli, na nagngingitian na hindi na naiisip ang nakaraan, Kaya tumayo ka na diyan at puntahan mo na ang Bride mo. Pakisabi nalang sa kanya na di ako makakadalo kasi emergency. Haha, paalam na Bret"
Sa pagtalikod ko sa kanya ay siyang pagbagsak ng luha ko sa aking mga mata. Masakit, Oo, kasi yung mahal na mahal ko...ay iiwanan ko kasi di ko na siya kayang ipaglaban, at mahina na ako. Ang hirap kasi kung linalaban pa namin ang aming relasyon pero madaming gustong kumalas sa pinanghahawakan namin. Ganun talaga marami ang di magtatagal sa mundong ito, kasali na dun ang relasyon.
"A-be, A-BBBEEE, WAG GANITO ABE"
sabihin mo lang na kailangan mo ako, sabihin mo lang na mahal mo ako Bret. Di ko na iisipin ang hadlang sa atin. Di na kita iiwan.Hagulhol lang ang nasukli ko kasi di ko narinig ang gustong gusto kong marinig galing sa kanya. Ang hirap hirap na.
Naglakad na lang ako ng tuluyan ng di siya linilingon. Sa ngayon, tigil na muna ako kasi, may tamang panahon siguro upang balikan ko siya.
"Antayin mo lang ako Bret" Sana nga Bret.
BRET's POV
"Mahal na mahal kita" iyak lang ako ng iyak dito sa daan kung saan niya ako iniwan. Gusto ko ng maglaho sa mundong ito. Abe, bakit mo ginawa saken to?
YOU ARE READING
Darkest Light
RomanceNot dark nor darker but darkest. This is the time when people manipulated and used me. This is the time when I don't even see any shines any shimmers. What surrounds me is how darkest light is when I am all alone fighting for love. No one dares to a...