Part1

0 0 0
                                    


       After 3 years buti naisipan ko pang bumalik. Paano kaya ang naging buhay niya nung mawala ako? Aissshhhh,bakit ko pa ba yun iniisip. I'm sure nakalimutan na ako nun. May anak na siguro sila ngayon ni Eva, kumusta na kaya siya no? Gusto ko na siyang makita. Wala na nga akong nasasagap na balita tungkol sa kaniya eh.  Basta ang alam ko lang ay umalis din sila ng asawa niya pagkatapos ng kasal nila, yun lang. Di ko naman siguro siya makikita dito sa pilipinas depende nalang kung bumalik siya.

As of now, lalanding palang ang eroplanong sinasakyan ko .

"Close your window and fasten your seatbelts, we have 10minutes before we enter Mactan International Airport, we hope that you have a great ride. Thank you"

malapit na pala kami, sino kaya susundo sakin? Si Maddison lang kasi ang sinabihan ko na uuwi ako, e susurprise ko kasi sina Mama at Papa.

Pag labas ko ng eroplano ay nalanghap ko na agad ang polusyon ng hangin. Galing kasi akong Bataan, doon ako tumira sa loob ng tatlong taon nang iniwan ko si kilala-niyo-na.
Madami nga akong nakilala dun,sina Maomi, Kraisha, at si Brick na bestfriend ko. Ewan ko ba kung bakit naging bestfriend ko yun, Basta ang alam ko nalang isang araw na "Bestfriend" niya na daw ako. May saltik ata sa utak yun eh.

Ayaw pa nga sana nila akong pauwiin eh, kaso namimiss ko narin sina mama at papa eh. Sabi nga din nila na bibisitahin nalang daw nila ako.

" ABEGAILLLLLL, yohhooooo" malayo palang ako ay dinig ko na si Maddison na humihiyaw kasama sina Fred, Anna, at Brandy. Di ko alam na susunduin pala nila ako.

"Long time no see, kamusta kayo?"  

"Well, naging mas maganda pa kami ni Anna pero sina Brandy at Fred  ganun parin. Pangit" 
Pagkatapos ng sinabi ni Maddison ay umangal agad sina Brandy at Fred habang si Anna naman ay natatawa nalang sa mga sinasabi ng tatlo.

"Let's go, wala pa kasi akong tulog simula pa kagabi kakaimpake. Kaya eye bags all over yung mata ko.Hmmm, Fred...patulong naman sa bagahe ko ohh"

"Opss, here"  pagkuha ni Fred sa mga bagahe ko ay may pumaradang malaking Van sa harap. Kanila Brandy siguro to, kilala ko kasi driver nila eh.

"Anna, wait niyo muna ako dito sandali ah, C.R lang ako, madali lang to" sabi ko ng naramdaman kong puno na ang pantog ko,HAHAHA.
"Sige, dalian mo lang ah."  pagkatapos ng sagot niya ay tumalikod na ako at naghanap ng C.R sa loob ng airport.

Asan na C.R dito, nawiwiwi na ako ohh. Ayaw kong magwater falls sa harap ng madaming tao.

Ayun,ayun...

Dahil sa wiwing wiwi na talaga ako ay pinasukan ko na ang unang pinto. Di ko alam kung FEMALE ba tong napasukan ko. Basta, wala akong pakealam.

Wishhwishhhwishhh

Success, Tapos na.

Pag labas ko.

Oh my!
Pasok ulit sa loob, nagkamali ba sila ng pasok o ako ang nagkamali?
Kasi naman ehhhh, may mga lalaki kasi eh. Madami sila, jusko. Ano na ba tong kahihiyang napasok ko, lamunin mo na po ako  bowl . Ifuflush ko nalang kaya tong sarili ko dito? Di naman ako kasya eh.

Hoohhhh, malamig naman pero bakit pinagpapawisan ako?

"Miss, di ka pa ba lalabas? baka nilalamok ka na jan. Haha"
Myghed. Bakit kasi nakita nila ako eh.

"He-he, a-nno ka-si eh, na-po-po ka-si a-ko eh-hehe, oo-yun nga."
Naku talaga! Lagot ako nito kila Maddison ang tagal ko na dito sa loob.
Wala talaga kasi akong planong lumabas eh, nahihiya ako.

Tawagan ko kaya si Maddison! Oo nga, ganun na nga...

"Hindi sapat ang iyong load para....toot* toot* toot*

Wala akong load, P*t*ng *n*...bakit ngayon pa, na kailangang kailangan kita. Lagot na talaga ako nito eh...

"Miss, miss tapos na po ba kayo diyan?, lumabas na po kayo. Gagamit pa si Lolo ng C.R."

Wala na akong choice kundi ang lumabas at itago ng sobrang sobra ang mukha. Ayaw kong may makakita pa ng mukha ko, dagdag kakahiyan pa ulit.

"Ma-kiki-ra-an pp-o" yukong yuko na talaga ako, sobrang sikip pa dito. Puro lalaki pa, lord, kahit ngayon lang po. Takpan niyo naman po tong mukha ko.

Buti't nakalabas na ako ng C.R kaya tumakbo na ako para
makabalik na sa sasakyan.

Sa pagtakbo ko ay may nakabangga akong tao.

"Sorry po" 0-0 Di ko na dineretso ang pagharap sa nakabangga ko kasi alam ko kung sino siya at alam ko ring tinitignan niya ako ngayon.
Bakit ngayon na lord? Di ko naman siya miss masyado lord eh.
"A-a-be?" Kilala niya parin ba ako?...

"O-oyy, haha, ii-kaw pa-la yan?Lo-long time no se-see?"
Nagkandauntal utal na ako ng sobra sobra, eh kasi naman eh.
"Long time no see" Ano kayang ginagawa niya dito. Nakauwi na ba siya? Ba balik na ba siya dito. Ang dami kong katanungan sa isip ko na hindi ko alam kung masasagot.

" Oyy, Ang tagal mong bumalik ah, inaantay ka na nila sa sasakyan. Ang bagal mo talagang maglakad.Haha"

Binalikan ako ni Fred dahil siguro, sobrang tagal kong bumalik. Nakakahiya tuloy sa kaniya.

"Hahaha, Oyy. Libre lait day ba ngayon? Linalait mo ako ah. Ang sama mo!"
sinapak ko nga sa kanyang braso, nakakahiya tuloy kay Bret.
ANO? Nahihiya ako? No N-oo!!

"Ahhhhm, Abe, aalis ka na? "
Dahil siguro di na namin si napapansin ay nagsalita nalang siya. Bakit ba kasi di nalang niya tinikom yang bibig niya, nalipat tuloy ang tingin ni Fred sa kanya, Baka e chismis niya to mamaya kila Maddison. Kilala pa naman ni Fred si Bret kasi nakekwento ko to sa kanila noon eh.
Ewan ko lang kung kilala ba ni Bret si Fred.
" Oo eh, sige ah,Babye...Tayo na Fred" Di ko na inintay ang sagot niya at dali dali kinuha ang braso ni Fred sabay hila palabas. Jusko po, tulungan niyo po itong puso ko. Hindi ko alam,kung masaya ba ako dahil nakita ko siya muli o maging malungkot kasi ewan ko. Wala naman sigurong dahilan para magalit si sakin diba? Pero di nga ba siya nagalit nung iniwan ko siya? I did it on purpose naman eh. Dahil rin naman sakanya yun. So why bother?

"Bakit ang tagal mo dun Abe? Nagrosaryo ka pa ba? Naku huh, tigilan mo ako! "
Galit na si Maddison, kasi naman eh. Di ko kaya kasalanan, kasalanan ka yun ng CR...

"Kasi ano eh, na gl-glue ka-si yung pp-pwet ko sa b-bowl. Oo yun nga, dba Fred?"
Sumabay ka sa palusot ko Fred. Lagot ka talaga sakin.

Madala ka sa tingin Fred
-_-
"FRED.TINATANONG.KA.NIYA, sumagot ka!"  Madala ka din sa salita ko Fred, Ayaw kong malaman nila na nagkita kami ni Bret. Baka maghysterical sila dito sa sobrang kilig.

Understand that? OO, KILIG kasi GWAPO RAW SI BRET!
Gwapo ba yun? Di kaya.
Sabi  nga nila nung nalaman nila na tinigil ko na ang relasyon namin ni Bret ay bakit ko daw ba ginawa yun, sinayang ko lang daw si Bret, balikan ko daw siya.

Edi sakanila na si Bret, di na naman kami eh. Pero joke lang, malalagot talaga sakin kung may magkakagusto sa kaniya except nalang sa mga kaibigan ko. Pero kasi iba noon eh,at iba ngayon.
Noon,akin siya buong buo. Ngayon, wala kahit patay na kuko man lang hindi akin.
Di ko parin kayang magmove on, unless kung sasabihin na niya mismo sa harap ko na hindi na niya ako mahal. Kailangan kaya mangyayari yun 3 years na oh, para naman makapagsimula na ako ng bagong life. Gusto ko ng e let go tong nararamdaman ko. Hindi ako magiging totaly free kung di ko to masasabi sa kaniya, kailangan ko ng hint kung kailangan na ba talaga. Alam kong may asawa na siya pero kasi eh. Ewan ko, nahihirapan ako. Ayaw kong maging masama, siguro masaya na siya sa buhay niya. Di ko na siya guguluhin. Ayaw kong makasira ng relasyon dahil alam ko kung ano ang pakiramdam nun.

Siguro kung magkikita kaming muli ay itatago ko nalang tong nararamdaman ko kasi di nato kailangan eh.
Kung masaya siya, magiging masaya na rin ako. Yun nalang dapat ang gagawin ko. Huwag ng umasa kung matagal ng walang pag-asa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Darkest LightWhere stories live. Discover now