Chapter 1: Royalties GC

39 2 0
                                    

Chapter 1: Royalties GC

Napahawak ako sa noo ko ng mauntog ako sa bintana nitong bus. Shet ang sakit. Tiningnan ko ang tabi ko ngunit wala dito si Lola. Tiningnan ko ang harapan ng makitang nakahinto pala tong bus. Napasandal na lang ako sa kinauupuan ko ng maalala kong nakatulog ako sa byahe. Bakasyon ngayon at pupunta kami sa bahay ng Tita ko sa Manila at dun muna magbabakasyon.

Pero walangya mga pre! Ang init ata dito? Aircon tong bus ng Victory ah.

Nakita ko naman pumasok si Lola at lumapit sa akin dala dala ang supot ng barbeque at 2 shake.

"Icenne, oh ito. Baba muna tayo at nasiraan daw tong bus. Susmaryosep! Akala ko pa naman Di nasisiraan ang Victory. Oh siya eto na." Abot ni lola sa pinamili niya. Tumango na lang ako at tumingin sa bintana. "Dito na lang muna ako, la." Sambit ko at mukhang naintindihan naman niya. Lumabas muna si Lola dahil sa mainit talaga dito sa loob. Dahil nahahighblood ako sa init ay binuksan ko na lang ang phone ko at nag-open sa Facebook.

May ginawa kasi akong group sa Facebook since active naman ako lagi. 'Campus Royalties' pa ang pangalan nitong group page na ginawa ko at pang trip trip lang naman gaya ng ibang tao pero sila pati feelings trip trip lang din. Mga gago.😤

Pag open ko sa messages ay agad kong binuksan ang ginawa kong gc. Naisipan kong magmessage since boring naman.

CAMPUS ROYALTIES GC

Heartless Creator: Hey
Someone's property: Hi Icenne!
Sophia: Hi Icenne! Long time! Hahaha
Jerald: Hi miss creator!

Napabuntong hininga na lang ako sa sunod sunod na reply sa gc ng biglang umandar ang bus. Mukhang naayos na ah.

Sunod sunod na din ang pagpasok ng mga tao dito sa loob habang ang konduktor ay tinatawag ang ibang pasahero. Di ko naman naman na nasa tabi ko na pala si Lola. Agad agad ko namang in-off ang phone ko.

"Mga alas siyete ng gabi tayo makakarating sa Manila." Sabi ni Lola at napatingin ako sa relo ko. 12:30 pa lang ng tanghali. Mukhang mahaba habang byahe to ah!

Tumango na lang ulit ako kay Lola. Hindi sa pipi ako pero Di ko talaga ugaling magsalita. Sumandal na lang ako sa upuan at pinikit ang mata. Bahala na pag uwi. Gisingin na lang ako ni Lola.

•••

Lantang lanta ako ng pumasok sa bahay ni Tita Arlene. Langya ang byahe 8:30pm kami nakarating. Aba! Sinungaling na ba si Lola? Luh. Napaupo ako sa sofa habang hawak hawak ang bagahe namin.

"Nay, Icenne kain na para makapagpahinga na kayo mamaya." Sabi ni Tito Gerry, asawa ni Tita Arlene habang abala sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa.

"Sige po Tito, maya na lang po ako. Ilalagay ko lang po tong bagahe sa taas." Sabi ko na lang dahil Wala pa naman akong ganang kumain. Tumango na lang si Tito at umakyat na ako sa taas para makapagpalit at maapagpahinga.

Hawak ko ngayon ang phone ko habang nakahilata sa kama. Binuksan ko na naman ang Facebook ko at tumambad ang notifs, friend request sa account ko. Wow lang ang cute ko talaga. Hahaha.

Nag scroll na lang ako sa mga post sa group page na ginawa ko. Napapatawa na lang ako sa iba't ibang post.

Reina Manansala
5 minutes ago

Hai poe guiz! Newbie poe aq d2 sxa group.

36 like this post.
View comments
Andrea Lopez aKo dIn pOe nEwBiE aqoeeh. HAHAHAHAHAHAHA

Arjay Medina Aqoeeh pOew ay Gwapooow HAHAHAHAHAHAHA

Sheena Ligaya MASYADO NAMANG IMMATURE ANG MGA NAGCOMMENT. IWELCOME NIYO NA LANG KAYA SIYA! TYAKA KUNG AYAW NIYO ANG PAGTYPE NIYA EDI WAG PANSININ!

Umiling na lang ako at hininto ang pagbabasa. Tama nga naman yung comment. Dumaan din naman tayo sa jeje days natin. Pero eto namang mga taong nakamove on na sa jeje days eh pinagtatawanan na lang ang mga hindi pa relate o mga jeje.

Niclick ko na ang messages at makikipag usap sa members ng gc. Nandito din kasi ang mga kaibigan ko eh. Kasama sila sa naadd ng mga taong tumulong para dumami ang members sa group page.

CAMPUS ROYALTIES GC

Camilla: hi poeh guiz!!!

Seen by everyone✔
6:52pm

Camilla: HIIIIIII?! yuh0o?! Pur0 poeh kau seen.huhuhu

Seen by everyone✔
7:48pm

Tamo nga naman. Ganito nga talaga sa Facebook, di ka papansin masyado kahit ilang messages pa minsan.

Heartless Creator: Hey? Ang boring masyado. Jokes? Patawanin niyo ko.
Sophie: Sige sige eto. Knock knock? HAHAHAHAHA

Tamo nauna tawa bago jokes. Hay nako.

Heartless Creator: Who's there?
Arjay Gwapo: Husder?
Kenneth: what?
Adrian: Wag na. Shut up.😂
Shasca: Ano yun ate?😂

Sarap ibalibag ng mga to. Kanina puro seen tapos ang tahimik. Mga hangal talaga.

Sophie: Tiger pating leon kambing HAHAHAHAHAHA
Arjay Gwapo: Who?
Shasca: Ayan na naman siya😂
Kenneth: HAHAHAHAHAHAHA NATAWA AKO GRABE!!
Shasca: Gago wala pa! HAHAHAHAHAHA

Hinintay ko na lang ang sunod na reply ni Sophie.

Sophie: Kailaaaan? Kailan mo pa mapapansin ang aking lihim? Tiger pating leon kambing Di mo pa rin pansiiin🎶🎶

Napahiya na lang ako sa corny na knock knock ni Sophie. Woah. May future siya ah. Hahaha. Naramdaman ko tuloy yung pagod ko sa byahe Hays. Makapagpahinga nga muna.

Heartless Creator: Btw, I'm tired guys, goodnight.

In-off ko na ang phone ko at nagdesisyong matulog. Okay, bukas na bukas kailangan ko pang mag add ng members sa group para masaya, right?

•••

A/N:

Ieedit ko pa to. So here after 2 years okay? Pft. Woah. Long quiz sucks. Mukhang matatagalan na naman to. Magrereview pa ako skl. It's already 1:51am. Night.

Facebook: LOVE ON!Where stories live. Discover now