CHAPTER ONE: Kahit Isang Sulyap Sa Bintana

27 0 0
                                    

CHAPTER ONE: Kahit Isang Sulyap Sa Bintana…

>>>>>>FLASHBACK<<<<<<

********9:30PM********

Tulala lang ako habang tinititigan ang orasan. (0____0)

Hinitintay kong mag 9:30pm. Napansin ako ni mama kaya agad niya akong pinuna.

“Nak…kahit anong gawin mong titig diyan hindi pa rin yan magbabago orasan pa rin yan.” saad ni mama sa akin habang hinahanda niya ang mga pinggan sa lamesa.

“Ma…. (bumuntong hininga ako at inalis na ang tingin sa orasan namin).

“Iniisip mo si Erom nak?” tanong ni mama sa akin nung inilagay niya ang mga ulam sa lamesa.

“Ma…kasi po kanina nag-away kami…ka-kasi po si Erom hindi nya sinabi sa akin na aalis na pala sila eh. Para po naman pong hindi kami magbestfriend L”

“Nak… siguro may dahilan naman si--”

Hindi na natapos ni mama ang kanyang sasabihin ng bigla kaming napatingin sa may pinto. May nagdoorbell…

(SINO KAYA ANG NAGDOORBEL??? Pagtataka kong nasambit sa aking sarili)

(O________O)???

****DING DONG****

Sinilip ni mama sa may bintana kung sino ang nagdoorbel sa may gate.

“Nak… si Erom…” saad ni mama sa akin.

“Si E-erom…” malungkot kong saad kay mama.

“Ate???...ano labasin mo na.” pang-aasar ni Mikko sa akin.

Pero napansin ni mama na wala akong ganang tumayo sa kinauupuan ko at tila walang naririnig habang hinahati ko ng tinidor ang aking ulam.

Napansin ni mama ang kawalan ko ng gana kaya lumabas siya ng pinto para buksan ang pinto ng gate at kausapin si Erom.

Na-curious ako kaya naisip kong sumilip sa may bintana ng aming bahay.

Hindi ko marinig ang usapan nila mama dahil nga malayo ako sa kanila at sound proof glass ang bintana namin kaya kahit may mga nagsisigawan sa labas ng aming bahay ay hindi namin kaagad-agad naririnig.

Nakita ko na nalungkot ang mukha ni Erom ng makausap niya si mama. Pero, laking gulat ko ng lumipat ang kanyang mga mata sa direksyon kung saan ako nakasilip.

Nakita ko na ngumiti siya pero, tinabing ko kaagad ang kurtina at hindi na sumilip ulit.

Biglang bimilis ang tibok ng puso ko sa sobrang pagkabigla.

Napasandal ako sa may pader malapit sa may kurtina dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko at unti-unti akong bumuntong hininga.

(Nakita kaya ako ni Erom na sinisilip ko siya dito mula sa bintana?)

(O///O)  BLUSHINGGG…

Naramdaman ko ang pag iinit ng aking pisngi.

(Pero kita kong ngumiti siya, nung napatingin siya sa may bintana).

Akma ko sanang sisilipin ulit sila mama sa may bintana ng bigla kong narinig ang isang boses…

“Umalis na si Erom…hindi mo na kailangan pang sumilip ulit diyan sa may bintana…”

Nagulat ako sa aking narinig ano??? Ano daw??? (“Umalis na si Erom…hindi mo na kailangan pang sumilip ulit diyan sa may bintana…”)

OMG!!!  (O///O)

5 beses ko atang inulit sa isip ko ang salita ni mama bago ko pa naisip na nakita nga talaga ako ni Erom na nakasilip kanina sa may bintana.

“M-ma…hi-hindi ko po siya si-sinisilip sa b-bintana…” nauutal kong palusot kay mama.

“Wehhhh… kunwari ka pa ate…liars go to hell…kita kaya kita ate…” sabat ni Mikko na may halong pang-aasar.

“Mikko…tumigil ka nga hindi ko…” hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng biglang nagsalita si mama.

“Mai…wag mo ng itanggi nakita ka rin naman ni Erom at sinabi niya sa akin na nakatingin ka sa amin kanina pero bigla mo daw tinabing yung kurtina nung napatingin daw siya sayo…”

Sobra akong namula sa aking narinig.

(KAHIYAAAAAAAAA!!!!)(>////<)

Saad ko sa aking sarili. Sa sobrang kahiyaan hindi ko maiangat ang aking mukha upang tingnan si mama, baka kasi mapansin nila ang pamumula ng mukha ko.

“Tsss….si Erom talaga nakakainis.” bulong ko.

“Nak…nagtatampo ka pa din ba kay Erom?”

Napatingin ako kay mama nag marinig ko ang kanyang sinabi.

“Eh…ma…k-kasi po s-si--” nauutal kong sambit kay mama wala akong maisip na isasagot pagkatapos ng mga nangyari, kaya umupo na lang ako at yumuko sa aking upuan.

“Nak…ang mabuti pa kausapin mo na si Erom gusto mo bang malungkot ang bestfriend mo sa pag alis niya?”

Napaisip ako saglit (kung sa bagay tama din si mama ito na lang ang huling araw na makakapag-usap kaming dalawa ng best friend ko) napailing na lang ako sa tanong ni mama. =(.

“Eh…ano pa ba ang tinatanga mo diyan ate…puntahan mo na si kuya Erom…” pang-aasar na namang singit ni Mikko sa usapan namin ni mama.

Tumingin ako kay mama at nginitian niya ako. Ngumiti din ako at niyakap si mama.

“Thanks Ma…”

(^_____^ )

(Tumingin naman ako kay Mikko at ginulo ang buhok nito) “pupuntahan ko na po sya kahit kaylan talaga may pagka-CHEESE ka Mikko.”

“Ha?...ano yun ate?”

Ngumiti ako kay Mikko at kinindatan lang siya sabay sabing….

(^___~)

-----Cheese…..short for CHEESEMOSO----

“Ate…….” asar na saad ni Mikko sa akin habang nakatingin siya sa akin na papalabas pa lang ng pinto.

(---___---)

Natutuwa talaga ako pag ganyan ang mukha ni Mikko pag naaasar ko siya.

“Sige po Ma….” paalam ko kay mama.

“Bye! Ate umamin ka na din sa kanya ha…” pang-aasar na sigaw ni Mikko sa akin ng makalabas ako ng pinto.

MAI POV’S:

Sira talaga si Mikko umamin?...(>_____<) haha best friend lang kami ni Erom at hanggang dun na lang yun hanggang dun na lang kasi eh…sayang ang friendship namin kung aamin pa ako sa kanya at tsaka wala din namang pupuntahan ang more on best friend relationship dahil hanggang kaibigan lang naman ang tingin sa akin ni Erom tska mahirap namang umasa masaya na ako na minamahal siya ng palihim.

(A/N: JEROME ANG TOTOONG PANGALAN NI EROM. EROM LANG ANG TAWAG NI MAI SA KANYA DAHIL NAKASANAYAN NIYA NANG ITAWAG IYON KAY JEROME)

LOST MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon