CHAPTER SEVEN: The Dream

3 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN: The Dream 

 

*** Ang pikon talo (Mikko the great bully) ***

 

 

 

 

MAI POV’s

                Ang tagal ko ding hinintay ang araw na ito, sa wakas natapos na din ang aking pagbibilang. Miss na miss ko na ang aking BEST FRIEND. Magkikita na kami ni Erom. Kahit na matagal na ring panahon ang lumipas hindi pa rin nagbago ang naramdaman ko sa para sa kanya at ngayong malaki na kami sana may lakas na ako ng loob na sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

                “Erom…” pagtataka kong tawag sa kanya.

                Kanina ko pa siyang hinahanap, naikot ko na yata ang buong playground sa kakahanap ko sa kanya pero hindi ko pa din siya makita. Hanggang may nahuli ang aking mata, isang lalaki ang nakaupo sa swing nakatalikod siya sa akin.

                “E-Erom??? I-ikaw ba yan???” pagtataka kong tawag sa kanya.

                Unti-unti kong hinakbang ang aking paa palapit sa kanya ng biglang…

                “Mai…anak…gising nananaginip ka.” saad ni mama sa akin habang marahan niya akong niyuyugyog.

                Minulat ko ang aking mga mata. Nakatulog pala ako. Panaginip lang pala ang lalaking iyon. Napansin ako ni mama.

                “Mai…ayos ka lang?” saad ulit ni mama.

                “O-opo…mama a-ayos lang po ako.” mautal-utal kong sagot sa kanya.

                Hindi ko alam kong bakit pero nakakaramdam ako ng kaba dahil siguro sa lalaking nasa panaginip ko. Sino kaya siya?

LOST MEMORIESDonde viven las historias. Descúbrelo ahora