Wag kang ano jan

3 0 0
                                    

Oo. Umibig ka. Siya na naman may kasalanan.

Oo. Umasa ka. Siya na naman may kasalanan.

Oo. Umiyak ka. Siya na naman may kasalanan.

Oo. Naiwan ka. Siya na naman may kasalanan.

Buti na lang at may'siya' para sisihin.

Buti na lang at may 'siya' para awayin.

Buti na lang at may 'siya' para isumpa.

Buti na lang at may 'siya' para hindi ikaw.

Siya na nananahimik lang sa sulok.

Siya na kinausap mo at nakipagclose ka.

Siya na mabait sa lahat.

Siya na inibig mo.

Siya na sinabihan mo ng problema.

Siya na katext mo magdamag.

Siya na kausap mo palagi.

Siya na inibig mo.

Siya na nanlilibre sayo.

Siya na nagpapangiti sayo.

Siya na sumasama sayo.

Siya na inibig mo.

Siya na mabait pala sa lahat.

Siya na kaibigan pala ng lahat.

Siya na katext pala ng lahat.

Siya na umibig sa kanya.

Buti na lang at may 'siya' na sisisihin sa gabing puno ng luha.

Buti na lang at may 'siya' na isusumpa ng mga kaibigan mong kampi sayo.

Buti na lang at may 'siya' na aawayin mo dahil paasa.

Buti na lang at may 'siya' na inibig mo.

Naisip mo ba kung ano ka sa kanya?

Naisip mo ba kung sino ka sa kanya?

Naisip mo ba kung paano ka sa kanya?

Naisip mo ba? Hindi siguro.

Hindi ka niya pinaasa.

Ikaw ang umasa.

Hindi ka niya sinaktan.

Sinaktan mo ang sarili mo.

Siya at ikaw, mga salitang hindi pwedeng magsama.

Luha at ngiti, mga salitang hindi pwedeng sabay madama.

Aral at landi, mga salitang hindi pwedeng ipagsabay,

Siya at ang 'siya' niya, mga salitang bagay.

Ikaw ang umasa.

Ikaw ang nasaktan.

Ikaw ang lumuha.

Ikaw ang umibig.

Sobrang layo ng 'siya' at ikaw.

Huwag ipilit pag sobrang layo.

Oo. Masakit. Wala e, umibig ka.

Puso mo yan, wag mo 'siyang' idamay. Nananahimik siya!

Wag kang ano jan!

Collection of PoemsWhere stories live. Discover now