Single Mom: chapter 6

5.9K 133 3
                                    

Chapter 6

____________________________

[ G A B R I E L]

~~

Ngayong araw gaganapin ang operasyon Kay Jessica.  Lahat kami ay nandito, even my parents.

Yes, nandito sila. Alam nila ang relasyon ko kay jess noon, botong boto sila dahil mabait si jess. Hindi ko siya naipakilala dahil nasa business trip non sila.

Kaya no'ng umuwi sila ay sobra nilang saya. Dahil sinabi ko na sa paguwi nila makikilala ang future wife ko. But, paguwe nila ay ang araw naman na iniwan ko si jes.

Nagalit non sakin si mom, hindi nila ako masydo kinakausap. Hindi ko sila masisisi dahil kasalanan ko naman talaga.

Pero nung nalaman nila ang dahilan ko, na naikwento pala ni sam ay labis ang tuwa nila, na proud daw sila sakin.

Ngayon. Ooperahan siya. Wala kaming ibang dalangin kun'di ang maging maayos ang operasyon.

'Babe lumaban ka. Gusto ka nang mameet ni mom.'   bulong ko sa sarili ko.

Inikot ko ang paningin ko. Lahat ng nagmamahal sa kan'ya ay nandito.  Lahat ay tahimik na nagdadasal.

••|

Napatayo kaming lahat ng lumabas ang doktor.

"Kamusta dok?"  tanong ni tita.

"The operation is...
Success. "Nakangiting sambit nito.  Napaiyak sila,  kahit ako ay pasimpleng pumatak ang luha na agad ko rin namang pinunasan.

" Maraming nagmamahal sa kanya at naghihintay. Kaya lumaban siyakahit na kaunti nalang ang t'yansa lumaban pa rin siya.  Congratulations.  You can visit her once na matransfer siya sa kanyang room.  Excuse."

Thankyou!

Niyakap ako ni mommy. 

"Goodluck son,  i know na hinintay mo ang araw na ito." sabi ni mom. Ngumiti lang ako.  Yes,  matagal talaga. At sa ngayon ang pag gising niya naman ang hihintayin ko.

Hinintay muna namin na mailipat siya. Para mabisita na namin siya.

Nakaupo ako nang biglang Tumabi sakin ang dad ni jes.

"Ijo, salamat sa pagmamahal na binigay mo sa anak ko. Salamat, kasi ako dapat--kami dapat ang unang nagbigay non sa kanya. Pero hindi, mas pinili namin na itaboy siya palayo Kaysa ang alagaan.  Kaya ijo, pinapaubaya ko na ang pangangalaga mo sa anak ko." sabi niya. Medyo naguluhan ako.  May pinahihiwatig ba siya?

Bigla siyang tumawa.

"Haha ibig ko ay pwede mo na siyang pakasalan , dalhin sa altar at pangakuan sa harap ng simbahanBinibigyan na kita ng basbasAng kailangan mo nalang ay proposal at ang sagot niya.  Kung kailangan mo ng tulong andito lang ak--"
Naputol ang sinasabi ni tito ng may biglang sumigaw.

"Syempre pati kamiSabihan mo lang kami kung kailan ang plano." nakangiting saad ni jake.

Paano ba yan? May basbas na ako
.kaya gumising kana d'yan jes. Dahil paluluhain kita sa tuwa.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[ J E S S I C A. ]

NARAMDAMAN ko ang marahang paghaplos sa buhok ko.  Kaya naman dahan dahan kong iminulat ang mata ko,  at nakita ko si mommy na lumuluha.

Inikot ko rin ang paningin ko.  Nasan ako?  Puro puti,  may dextrox etc.  Nasa hospital ako.  Ano bang nangyari?

"Anak jes?  Okay ka na ba? May masakit ba sayo? " sunod sunod na tanong ni mom.

Umiling lang ako bilang sagot .

"Anak?  Sorry.  Sorry sa lahat ng nagawa ko.  Patawarin mo sana ako.  Nagsisisi na ako sa mga nagawa ko sayo.  Sorry anak." saka siya umiyak. 

Hinagod ko naman ang likod niya.

"Okay na mom,  pinapatawad ko na po kayo.  Alam ko naman na may dahilan kayo kaya niyo nagawa yun. "

Sabi ko.  Oo,  mahirap magpatawad.  Pero bakit ang diyos,  ang dami dami na nating kasalanan pero paulit ulit niya pa rin tayong pinapatawad.  Ako pa kaya?  Diba?

"Jessica." napalingon ako at nakita ko si ate at kuya.

"Ate. Kuya. "Agad naman akong dinamba ni ate,  napangiwi ako sa sakit.

"Janine,  be careful." suway ni mom.

"Ay sorry.  Namiss lang kitaIniwan mo ako. " nakasimangot na sabi niya.

"Ang arte mo janine. Tabi ngaAko naman namiss ko ang baby ko e." sabi niya at marahan akong niyakap.

'Kaya lang may bago na akong baby e'

Nanlaki ang mata ko dahil sa binulong niya.

"Haha.  Your face.  Yes,  baby may gf na si kuya." sabi niya. 

Huh?  May gf na?

"Sino naman ang malas na babaeng yun? "Sabi ko.  Napangiwi naman si kuya.

"Anong malasswerte kaya. Mamaya nandito na yun."sagot niya saka ngumisi.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si dad , si nikki,  ang parents niya at ang kambal.

Grabe namisss ko ang kambal.

Agad naman silang sumampa sa kama.

"Be careful mga apo, baka masaktan si mommy. "Paalala ni mom.

"Jessie.  Gaga ka,  namiss kita. " saka ako niyakap ni nikki.  Namiss ko rin ang bruhang to.

Napatingin ako sa loob.. Nandito na silang lahat.  Pero bakit may kulang? 

Bakit ganon?  Konektado na ba ang buhay ko sa kaniya? Bakit pakiramdam ko,  kapag wala siya kulang ako.  Hindi ako kumpleto, may nawawala sa parte ng katawan ko,  at yun ay ang puso ko.  *sigh*

"Bunso may hinahanap ka ba?" biglang sabi ni kuya.  Inirapan ko naman ito.

Nakakainis siya. Hindi niya man lang ako mabisita? Tss.  Asa ka pa e may fiancee na yun.

"Haha...H'wag kang magalala bunsoMahal ka non. " umirap lang ako saka binalingan ang kambal..

Pero narinig ko ang tawa nilang lahat.

Tss.. Nakakainis.

__________________________

Single Mom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon