Single Mom: chapter 1

7.9K 185 9
                                    

Girl: Jessica Fortalejo
Boy: Gabriel Sandoval _____=__=___________________________

[ J E S S I C A ]



PAGSAKAY ni nikki sa kotse ay panay ang lingon niya sa'kin. Sinusuri niya ako kung hindi ko ba talaga kilala yun.
"Sino yong mga yun? Kilala mo yun alam ko." sabi niya habang nakatingin sa daan. Napabuntong hininga nalang ako.

"Kuya ko yung isa, tapos yung isa naman ay ama nitong kambal." *screeetch* Muntik akong masubsob ng biglang pumreno si nikki.

"Nikki. Ano ka ba? Papatayin mo ba kami? " sigaw ko. Inirapan niya lang ako saka muling pinaandar ang kotse.

"Yung kamabal hindi. Pero ikaw?. Siguro." sabi niya. Hindi ko ito pinansin. "Isa na pala doon ang tatay nang kambal , hindi mo manlang sinabi. Tapos may kuya ka pala hindi mo man lang nakwento." sambit niya. Hindi ako umimik. Simula kasi ng umalis ako sa bahay ay hindi ko na binanggit pa ang pamilya ko. Hindi ko rin kinkwento kay nikki na may magulang at kapatid pa ako. "Sorry. Hindi ka naman kasi nagtatanong e." sagot ko. Ipinarada niya ang kotse sa tapat ng apartment ko.. "Wow. Kailangan talaga na magtanong pa ako?" tanong niya. Oo nga. Kailangan ba? Siguro. Para naman di ako magmukhang tanga na panay ang kwento hindi naman pala siya interesado. Diba? Binuksan niya ang pinto at pumasok sa kwarto para ilapag si Gabby(girl) sumunod ako sa kanya para ilapag si (jerry). Pagkalapag namin ay lumabas na kami. Grabe ang bigat ni jerry. "Oh ? Ano. Wala ka bang balak magkwento? Akala ko magkaibigan na tayo? Bakit ka naglilihim? " nakasimangot niyang sagot. Ngumiti naman ako at saka lumapit sa kanya.

"Bukas ko ikekwento. Pahinga ako bukas, diba? Punta ka nalang dito. Magpahinga kana alam ko na pagod ka. " sabi ko. Naginat inat naman siya. "Grabe ang bigat ng anak mo. Hindi ko kerry. Siya, una na ako ha? Bukas ha? " sabi niya saka bumeso sakin. Nagwave lang naman ako sa kanya.

* Pinuntahan ko ang kambal. 3 taon na sila. Lumalaki na sila, at alam ko na darating ang araw na maghahanap sila ng ama. Pero sa ngayon di ko muna iisipin yun. Lumapit ako sa dalawa at saka sila hinalikan sa noo.. "Goodnight babies. "

^^^^^

KINABUKASAN.

"Mama. Si jerry po inaaway ako. ' kasalukuyan akong naggagawa ng breakfast ng sumigaw ang anak ko. Napailing nalang ako ng makita na busy sa panunuod si jerry. Habang si gabby ay naglalaro. Ganyan lagi si gab. Sa tuwing di siya pinapansin ng kambal niya ay nagsusumbong ito ng hindi totoo. "Shh. Halina na kayo. Magbreakfast na dito." agad naman silang sumunod. "Kain ng kain ha? "

*ding dong*

Napatingin ako sa wall clock. 'Huh? Alas otso lang aa? Bakit ang aga ata ni nikki. Naglakad ako papunta sa pinto at. "Nikki ang aga--K-kuya. " Oo. Si kuya jake nga at hindi si nikki. "Can i come in?" Sabi niya. "Ah. Eh. Pasok po." sabi ko saka nilakihan ang bukas ng pinto. "Upo ka po. Ahm, ano pong gusto niyo? Juice? Tubig? O kape?" tanong ko. "Mama. Tapos na po ako." napatingin ako sa anak ko.

"Ha? Naubos mo na ba?" "Hindi po. Busog na po ako e." sagot niya. Tapos tumingin siya kay kuya.

"Ma, sino po siya?" tanong ni gab saka siya tumuro. "Ah. Ano a-amo . Boss ko nak." sagot ko. Nakita kong lumakad siya kay kuya.. "Hi po. Ako po si gabby fortalejo. Ikaw po?" tanong pa nito. Umupo naman si kuya para mapantayan si gabby.

"Ako si jake. Tito jake." sabi niya. "Tito?" sabi ng anak ko at humawak pa sa baba niya. "Yes." Sabi ni kuya saka tumayo. "Pwede ba tayong magusap? " tanong niya. "Ah. Sige. Baby gab, doon ka muna kay kuya."

"Sige po" sabi niya at tumakbo sa kusina. "Bakit hindi kapa umuwi sa bahay?? "

"Eto ang bahay ko." 'Hinahanap ka ni mommy." sabi niya na ikinatawa ko. "Hahahaha.. Baka nakakalimutan mo kuya? Patay na ang mommy ko nung isilang niya ako. So, paano ako magkakamommy?" sagot ko. "Pero jess, Nagsisisi na si mom." "Wala akong pake. Huli na para magsisi siya. Pinagtabuyan niya ako nung mga panahong kailangan ko siya. Nung mga panahong kailangan ko ng isang ina. Nung panahon pakiramdam ko wasak na wasak na ako. Kaya h'wag mo akong pauwiin. Dahil ito ang tahanan ko. " sabi ko. "Nasa hospital si janine. Gusto ka niyang makita. Kung galit ka kay mom, please kalimutan mo muna. Gusto ka makita ni janine." sabi niya saka lumabas. Si ate janine? Ang taong itinuring akong kapatid na parang totoo. Napaupo nalang ako. Bakit ganon? Kung kailan huli na saka palang pagsisisihan? Bakit kasi hndi agad nila marialize sa una ang pagkakamali nila? "Mama. Umiiyak ka na naman po." sabi ni gab. "Here mom, take this."sabi ni jerry. Habang inaabot ang panyo. Pero niyakap ko sila. Si jerry na may pagkasnob pero caring. At si gabby na makulit pero sweet. Silang dalawa ang bumuo sakin 3 years ago. Sila ang nagbalik ng kulay sa buhay ko ng iwan nila ako. Sila lang. "Sh.. Mom, tama na. Mahihirapan ka na naman po huminga e." sabi ni jerry. Napangiti naman ako. Ang swerte ko sa kanila. . Lumayo ako sa kanila saka pinunasan ang luha ko. "Salamat babies." sabi ko na ikinasimangot nila. "Jess? " napatigil ako ng marinig si nikki. "Oh niks? Pasok. Nahiya ka pa talaga e. " saad ko. Nakadungaw lang kasi sa loob ang ulo niya. "May gustong kumausap sayo." sabi niya saka nilakihan ang pagkakabukas ng pinto, at doon pumasok ang lalaking nangiwan sakin three years ago, ang lalaking ginawa lang akong rebound. Pero hanggang ngayon mahal ko parin. Walang iba kundi si GABRIEL SANDOVAL.

________

Single Mom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon