MAHAL KITA PERO MAS MAHAL KO SILA

6 0 0
                                    

Mahal Kita Pero Mas Mahal Ko Sila
Ni:Jeraicca Keith L. Facturanan

Sabi ng iba, kapag nagmahal ka kailangan mong ipaglaban. Sabi naman ng iba kapag mahal mo talaga kailangan mo ng bitawan.
Naalala ko pa nung panahon na nakita kita,panahong hindi sinasadya , panahon na nakaramdam ako ng tuwa at panahon na tumibok ang puso ko bigla. Naging magkaibigan,nagkamabutihan at nauwi sa magka-ibigan. Naging Masaya tayo, ikaw at ako parang hindi na mapaglayo. Naalala ko rin yung mga panahon na nangako tayo sa isa't isa na kahitb anong problema papanindigan yung salitang kapit pa, pangako na kahit anong mangyari walang sukuan pareho man tayong mahirapan dapat walang iwanan.Pero mahal pasensiya, pasensya dahil yang mga bagay na yan ay magiging isa na lamang na alaala.Kaya ngayon palang hihingi na ako ng pasensiya.Pasensiya dahil ngayon naiipit ako sa sitwasyon na gusto kitang ipaglaban pero di ko alam kung sa anong paraan dahil pamilya ko ang aking kalaban.at kahit na na gumawa man ako ng paraan na manatili ang ating pagmamahalan alam ko sa sarili ko na sa umpisa pa lang isa na akong talunan. Kaya mahal pasensya,dahil di ko nagawang tuparin yung pangakong sabay natin ginawa,pasensiya dahil di ko nagawang ipaglaban ka, at pasensiya kung bibitawan na kita.bibitawan kita hindi dahil sa may mahal na akong iba.bibitawan kita dahil tutol ang aking pamilya. Tutol sila magkaroon ako ng nobyo dahil sa bata pa ako. Bata pa na dapat pag-aaral ang inuuna.Nung una nagalit ako ng sinabi nilang hiwalayan kita pero habang tumatagal naisip ko na tama sila. Oo inaamin ko na mahal kita pero sana maunawaan mo na mas mahal ko sila.mas mahal ko sila at di ko kayang mawala sila. Dahil alam ko sa sarili ko na di ko alam kung ano ang gagawin ko, kung mabubuhay ba ako sa mundo na to kung wala sila.
Gusto kong malaman mo na hindi ako malaking kawalan. Gusto ko rin na malaman mo na darating yung babaeng kaya kang mahalin ng buo,babaeng handa kang ipaglaban at babaeng kahit ilang beses ng nasaktan hinding hindi ka pa rin iiwan.
Tatapusin ko na tong tula na to kagaya ng pagtapos ko sa salitang tayo pero bago ko gawin yun uulitin ko. Mahal kita ngunit mas mahal ko sila mas mahal ko ang aking pamilya at simula ngayon Malaya ka na.

MAHAL KITA PERO MAS MAHAL KO SILATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon