naaalala mo pa ba ang gabing naka upo lang tayo sa veranda at yakap yakap mo ako?
umiiyak ka at paulit ulit mong sinasabi na ayaw mo na.
wala akong ibang ginawa kundi ang magpayakap na lang at pakinggan ang mga hinanakit mo.
wala akong pakialam if mabasa na ako ng luha mo, basta gusto ko lang malaman mo na andito lang ako, na mahal kita.
"sana tao ka na lang, baby" sabi mo.
oo, sana nga tao na lang ako.
para ako yung magtatanggol sayo at magpupunas ng luha mo .
pero anong magagawa ko,
isa lang akong aso.
BINABASA MO ANG
Drabbles & Short Stories
Short Storycompilation ng mga drabbles and short stories^w^