SECOND. Palagi na lang akong second.
..sa mga contests na sinasalihan ko.
..sa honor list ng class namin.
..sa mga kaibigan ko.
..at sa paningin ng parents ko, minsan nga mas mababa pa sa second.
Kahit kailan, hindi ko naramdaman na naging first ako, na naging priority ako ng kahit sino. Minsan, iniisip ko na maybe, para sa kanila, hindi ako nagiexist.
Sa bawat lugar na pinupuntahan ko, palagi akong nao-OP. Sa school, palagi akong mag-isa. Meron din naman akong mga kaibigan, pero tulad nga ng sinabi ko, may mas importanteng bagay silang pinaprioroitize. Sa mga party na pinagdadalhan sa akin ng mga magulang ko, hindi ako nagfifit-in. Puro business yung pinaguusapan, puro matatanda pa ang nandoon, wala akon kaedad na makakausap, kaya lagi na lang ako sa isang sulok at naghihintay na matapos ang party at maka uwi kami.
Parati na lang ganito. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang pakikitungo nila sa akin. Minsan, habang nakatingin ako sa salamin, iniexamine ko kung anong mali sa akin, pero wala naman akong makita. Tao rin naman ako tulad nila.
Akala ko, hindi na magbabago. Akala ko, tatanda na lang akong ganito. Pero mali ako. Isang araw, may nakilala ako at pinadama niya sa akin na importante rin ako na mahal niya ako. Itinuring niya ako na parang prinsesa, lagi siyang andyan, lagi niya akong sinasamahan, lagi niya akong pinapasaya. Hindi ko na nararamdaman na pangalawa ako. Hindi ko na nararamdaman na out of place ako. I am really thankful that I met Him.
I met Christ.
I met my savior.
BINABASA MO ANG
Drabbles & Short Stories
Short Storycompilation ng mga drabbles and short stories^w^