iii

34 1 0
                                    

As she walks down the aisle, kitang kita ko ang mga ngiti sa mga labi niya kahit na natatabunan ng belo ang kanyang mukha.

Pinagmasdan ko lang siya mula sa buhok niyang kulot at naka lugay, sa mga mata niyang mapupungay, sa ilong niya, sa labi, sa leeg, sa lahat, perfect!

Ang ganda lang talaga ng babaeng mahal ko, at mas lalo pa siyang gumanda dahil suot niya ang wedding gown na siya mismo ang nag design.

Kasabay sa tumutugtog na musika and pagmartsa niya papunta sa akin,

kasama niya rin yung mga magulang niya na abot tenga rin ang mga ngiti at naluluha pa ang mga mata.

Ako naman, eto, naghihintay.

Naka tux na kulay puti at nakaabang na makarating siya sa kinaroroonan ko.

Matagal nang nakaplano ang kasalan na 'to. Ilang buwan rin ito pinaghandaan.

At eto na nga, eto na ang araw na hinihintay namin.

nang sa wakas at nakarating na siya, nag beso siya sa mga magulang niya at lumapit sa akin.

inoffer ko sa kanya ang aking braso at pinulupot naman niya ang kamay niya rito. 

"ang ganda mo" bulong ko sa kanya. 

hinampas naman niya ako ng mahina sa braso, "heh! Bolero" sabi niya nang nakangiti.

Pinagpatuloy namin ang paglalakad papuntang altar.

Nang nakarating na kami, inabot ko na ang kamay niya sa lalaking kanina pang naghihintay,

sa lalaking mahal niya, sa lalaking mapapangasawa niya.

"ingatan mo ang bestfriend ko ha" sabi ko sabay tapik sa kanyang balikat.

"oo naman, bestman" sagot naman ng lalaki.

pagkatapos nun, pumunta na ako sa upuan ko at pinagmasdan ang babaeng mahal kong pinapangako ang pangakong matagal ko nang pinapangarap.. sa iba.

Drabbles & Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon