#3- Contest

18 4 0
                                    

"Uy Beshy tignan mo oh! contest para sa mga Architecture students, gagawa daw ng Floor Plan" biglang sabi ni Ella habang binabasa namin ang mga nakalagay sa bulletin broad.

"Hmm nako tinatamad ako" sabi ko sa kanya at natawa.

"beshy! omg sumali kana dali, tara ililista ko na name mo, ang galing galing mong mag design e, tapos hindi mo gagamitin" Sabi niya habang pinipit ako na sumali, napaka supportive talaga ng kaibigan ko.

"Haha oo na po, kinukonsensya pa'ko e" sabi ko habang natatawa kay Ella.

"Yehey! ililista ko na name mo ah" napatango nalang ako kay Ella at ayun nag mamadaling tumakbo sa mga naglilista ng pangalan ang gaga, natawa nalang ako.

Ako nga pala si Wendy Perez graduating Architecture student dito sa University.

NANDITO ako ngayon sa hallway papunta sa library. tatapusin ko kase ung Floor plan na ipapasa ko sa Elimination contest e.

nakarating na'ko sa library. Nilingon ko ang paligid. lahat ng lamesa puno. may mga estudyante.

Shet! pa'no na'ko niyan. malapit ng mag 5pm , hanggang 5 pm nalang yung pasahan ng plates sa Elimination.

Kailangan ko na tong tapusin.

nilingon ko ulit ang buong library, lahat puno may mga estudyante.

Pero!

meron isang table na isang estudyante lang ang naka upo. Hmm maki share nalang kaya ko table sa kanya? bulong ko sa sarili ko

no choice! lumapit na'ko.

"A-ahm Kuya, pwedi pong maki share ng table may gagawin lang 'po ako" sabi  ko sa kuyang gumagawa din ng Floor plan? omg. kalaban ko pala to.

Lumingon siya sakin.

"Sure" sagot niya sa'kin at ngumiti. Gosh ang gwapo niya.

"Thanks po" pag kasabi ko nun ay umupo nako sa kaharap niyang umupuan.

Tinignan ko yung ginagawa niyang Floor plan, maganda din yung designs niya. Omg malapit na siyang matapos ako uumpisahan ko pa'lang.

Tumingin ako sa orasan. 4:25pm na. jusme! gagawa na'ko.

Nilabas ko na yung Tracing paper 'ko at nag mamadaling nag drawing.

habang gumagawa napansin 'kong tumitingin sa'kin yung Kuyang gumagawa din ng floor plan. No! nangongopya siya ng designs . Joke

baka napansin niya lang na sasali din ako sa contest haha.

Yes! After a years tapos na'ko! nagbubunying bulong ko sa sarili ko. Buburahin ko nalang yung mga sulat ng lapis.

Erase dito, Erase dun.

Erase dito.

Erase dun.

Erase di---

LoveStruck (ONE SHOT COLLECTIONS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon