Isa ito sa mga importante at pinaka mahalagang araw ng buhay ko, na hindi ko makakalimutan.
Hindi ko alam kung magiging masaya ba'ko o matutuwa. Sapagkat naghahalo ang lahat ng emosyong nararamdaman ko ngayon habang nakikita ko ang babaeng pinaka importante sa buhay ko, ang babaeng nagbigay kulay ng mundo ko, nagpapasaya sa akin sa tuwing nalulungkot ako, at higit sa lahat ang babaeng mahal na mahal ko na naglalakad ngayon papunta sa akin at sa Altar.
Hindi ko mapigilang maluha habang nakikita siyang naglalakad ngayon papunta sa altar, suot ang wedding dress na suot niya habang may hawak na bulaklak, napangiti ako na iisiping ang ganda ganda niya talaga habang suot ang damit na ngayon niya lang magagamit.
Biglang nag slow mo, ang mga sandali na titigan ko siya, at alalahanin ang una naming pagkikita.
Napangiti ako nabalikan ang mga sandaling iyon, Magbestfriend tayo nung Freshman palang tayong nag-aaral sa University.
Nagkita tayo noon sa enrollment nung 1st year college tayo, Sapagkat nanghiram ka sa akin ng ballpen n'on. Nakakatawa ngang isipin dahil kung hindi ka nanghiram sakin ng ballpen ay hindi tayo magkakakilala.
Ang saya ko noon dahil nagkaron ako ng bestfriend na katulad mo.
Naalala ko rin yung unang nakita ko ang mga ngiti mong nagpa bagal ng takbo ng mundo ko, nagpa slow mo ng paligid ika nga nila, at nagpabilis ng tibok ng puso ko habang tinitignan ang ngiti mong kay saya.
Ito yung panahong namasyal tayo sa Amusement park, nakakatawa lang dahil kaya pala sobrang saya mo noon dahil first time mong makapunta ng amusement park.
Hindi ko maiwasan mapangiti habang inaalala ang mga sandaling iyon.
Ikaw ang babaeng nagpapasaya sakin sa tuwing malungkot ako, naalala ko pa noon sobrang lungkot ko nun dahil nag away kami ni Daddy at nag bulakbol ako ng 2nd sem nung 3rd year college tayo. At ikaw ang laging nasa tabi ko, pinapangiti mo ako at ikaw ang nagbalik sakin kung sino ako ngayon.
At ang mga thesis at mga projects na sabay nating ginawa, ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon , ikaw ng naghubog sakin kung bakit ako naging mabuting tao.
Yung mga oras na umiiyak ka dahil nakipag break sa'yo ang ex boyfriend mo, at nandito ako upang i comport ka bilang bestfriend mo, at iparamdam sayo na importante kang babae sa buhay ko na nandito lang ako lagi para sa'yo.
Mahal na mahal kita Jasmin.
Sa tuwing malungkot ako pinapasaya mo ako. kaya sobrang minahal kita.
Hanggang sa mag graduate tayo ng college, sabay nating hinarap ang mundo.
At nagkaroon ng sari sariling buhay pero hindi parin mawawala ang bonding natin sa isat isa kahit ma busy tayo sa mga kanya-kanya nating trabaho.
You are my love of my life Jasmin, mahal na mahal kita at handa kong gawin ang lahat para lang maging masaya ka.
Kahit na ang kapalit nito ay aking kalungkutan.
Habang inaalala ang lahat ng aming pinagsamahan, bigla akong nakaramdam ng panghihinayang.
Sana noon palang sinabi ko na sayo, sana hindi ako naging duwag.
Bigla akong naluha at halong saya sapagkat, ngayong araw ay mababago na ang buhay mo, ang higit sa lahat magiging masaya kana.
Nasa altar na si Jasmin, ang babaeng mahal ko. habang inaalalayan ng lalaking makakasama niya habang buhay.
Hindi ko mapigilang maluha habang nakikita ko siyang masayang masaya kasama ang lalaking mapapang-asawa niya.
Sana ingatan mo ang babaeng iyan, dahil siya ang buhay ko, at hindi ko kayang makita siyang masaktan at umiyak.
Handa kong gawin lahat maging masaya ka lang.
I love you Best, Sana hindi ako naging duwag ipagtapat sayo ang lahat ng nararamdaman ko, na hindi natakot na piliin ang pagmamahal ko sa'yo at isugal ang pagkakaibigan natin, sana ngayon ako ang kasama mong humarap sa altar , sana ako ang lalaking makakasama mo habang buhay, pero hindi ako. Dahil naging duwag ako sa nararamdaman ko sa'yo.
Ngayon, Ang araw ng Wedding day ng aking bestfriend. Ang araw na hindi ko malilimutan, at biglang bumuhos ang mga luha ko.
ENDS.
-------------
Sana hindi ako naging duwag ipagtapat sayo ang lahat ng nararamdaman ko, na hindi natakot na piliin ang pagmamahal ko sa'yo at isugal ang pagkakaibigan natin, sana ngayon ako ang kasama mong humarap sa altar , sana ako ang lalaking makakasama mo habang buhay, pero hindi ako. Dahil naging duwag ako sa nararamdaman ko sa'yo.
-WEDDING DAY.AUTHOR'S NOTE
Thanks for reading guyseu. hihi
PS: Inspire by Jollibee
BINABASA MO ANG
LoveStruck (ONE SHOT COLLECTIONS)
Short StoryMahilig kabang mag basa ng One shot stories? Kung ganon ito ang tamang book collection of stories na para sa'yo! Ito ay koleksyon ng mga iba't ibang kwento ng Pag-ibig. Pag-ibig? Nagparanas sa'yo kung pa'no maging masaya, masabik, magparaya, mabigo...