Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

CP1:Rumor has it

664K 10.8K 1.8K
                                        

Umaga pa lamang ay maririnig na ang sigawan ng mga studyante. Ang iba'y nagtatakbuhan,nagpapanik at hindi magkandaugaga sa kanilang nasaksihan. Ito ay dahil sa natagpuang bangkay sa isa sa mga lumang classroom sa paaralan. Hindi makilala kung sino ang studyante dahil sa mga naglalakihang sugat sa mukha kanyang mukha. Dumating ang punong-guro ng paaralan sa nasabing classroom. Agad nagtaasan ang kanyang mga balahibo matapos makita ang karumal-dumal na sitwasyon ng babae. Sinalubong siya ng malansang amoy ng dugo, at mga pader na puno ng mga pulang marka ng kamay ng biktima. Punong-puno ang uniporme ng biktima ng natuyong dugo mula sa mga nagkalat na saksak sa kanyang balingkinitang katawan. Lumapit ang isa sa mga school janitor sa punong-guro't iniabot ang isang kapirasong papel. Napakunot ang kanyang noo't sinubukang basahin ang nakasulat dito. Hindi niya masyadong maaninag ang mga letra dahil sa dugong natuyo sa papel. Itinapat niya ang papel sa liwanag at nagbasakaling malinawan. Mariin siyang napalunok nang mabasa niya ang nasakasulat rito na "I'm coming from hell to get you". Kahit na kinakabahan, hindi siya nagpakita ng kahit bakas ng kahinaan sa tapat ng mga studyante.

Mariing lumunok ang punong-guro't sinaway ang mga nanonood sa kanila. "Oh ano pang tinitingin-tingin niyo riyan? Hindi ba't may mga klase pa kayo?!" Masungit na sita ng principal habang nanggigigil na nilulukot ang papel. Nagmadaling kumilos ang mga studyante't tumungo na sa kani-kanilang mga klase. Naiwan sa tapat ng lumang classroom si Erika at ang kanyang bestfriend na si Arsela.

"Tara na Erika! Naturingang class president ka ng section natin tapos malelate ka. Halika na, wala rin naman tayong mapapala rito eh, baka mapagalitan pa tayo niyan." Bulong ni Arsela kay Erika.

"Sige. Tara na nga." Tugon ni Erika. Papunta na sana ang magkaibigan sa kanilang classroom, ngunit napansin niyang pinagbubulungan sila ng mga nadadaanan nilang studyante. Hindi napigilan ni Erika ang kanyang sarili nang marinig niya ang panlalait sa kanila . Napatigil si Erika nang marinig niya na isinisi sa kanilang seksyon ang pagkamatay ng babae sa lumang classroom.

"Walang kinalaman ang section namin sa pagkamatay niya." Buong-lakas na sigaw ni Erika.

"Huwag mo na lang silang patulan. Mga trying-hard lang kasi yang mga 'yan." Pagpipigil ni Arsela sa kaklase.

Pagdating ng dalawa sa classroom, sumalubong sa kanila ang kanilang mga kaklase na para bang mga batang nagsusumbong sa kanilang magulang. Imbis na pakinggan, dumiretso lang siyang pumunta sa harapan habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaklase. Ramdam sa mga mata ng dalaga ang inis at pagkayamot sa ibang section. Ang mga kabatch din nila ang rason kung bakit sumikat ang sixth class sa mga chismis na kagaya nito.

"Guys, seriously, I need you to always remember this. The opinions of the people around you will only matter if you'll entertain it." Wika ni Erika. Nagsitayuan ang iba sa mga studyante at pinalakpakan ang dalaga.

"Go Erika! Push mo 'yan!" Pagchicheer ni Pau.

"Oo nga! Love, love, love lang tayo rito sa seksyon natin." Dagdag ni Cathrine.

"Shut up! Hindi kita kausap." Pambabara ni Pau. Tumingin siya kay Cathrine at bumelat. Tinawanan lang siya ni Cathrine at ngumiti.

"Ajaaaa! Ajaaaa!" Sigaw ni Zoey habang itinataas-baba ang kanyang ang kanyang stuffed toy na palagi niyang bitbit.

"Go guys!" Napatingin ang mga babaeng kaseksyon niya nang tumayo si Zack Ethan Rovick Oriztta o mas kilala sa pangalanag Zero. Siya ang isa sa mga tinitilian ng mga kababaihan sa paaralan dahil matalino na, gwapo pa.

Natahimik ang magkakaklase nang biglang padamog naglakad si Kyle papunta sa harapan. Kilala ang dalaga sa buong campus bilang isang threat. Napakapalaban niyang babae at walang sinasanto pagdating sa pakikipag-away. As long na alam niya na siya ang tama, hindi siya aatras.

"Erika. Please naman, huwag ka ngang tanga? Hindi mo ba alam na tayo ang laman ng usapan sa buong school? Alam niyo, kung ayaw niyong masira image niyo, umalis na kayo sa section na 'to." Pagpraprangka ng dalaga sa kaklase ng may napakataray na tono. Hinihintay niya sumagot si Erika pero mukhang tuluyan nang natahimik ang dalaga. "Wow, so much for your fighting spirit, aye?" Sarcastic niyang bulong sa dalaga't tumungo palabas ng silid. Sinubukan siyang pigilan ni Eugene ngunit hindi siya nagtagumpay. Dumiretso siya sa banyo ng girls at nagkulong. Hindi natiis ni Jacob ang mga nangyari kaya agad niyang sinundan si Kyle para tawagin.

"Kyle? I know you're there. Bumalik na tayo sa classroom at baka maguidance ka pa. Alam mo namang labag sa school rules ang pagcucutting classes." Mahinahong paalala ni Jacob habang kinakatok ang pintuan ng banyo.

"Leave me alone!" Pasigaw na sagot ni Kyle.

"Sige ka, Ikaw din. Gusto mo bang mas lalong masira ang image mo at ang pangalan ng section natin? Alam mo namang hindi na pwedeng magpatransfer ng section 'di ba?" Mahinahong sagot ni Jacob. Ilang sandali lamang ay agad lumabas si Kyle sa banyo at hinarap si Jacob.

"Pangalan ng section natin? Matagal ng sira iyan, pero kung image ko ang nakasalalay, ibang usapan na." Bulong ng dalaga sa binata. Inirapan niya muna ang kaklase't binangga para mauna siyang makabalik sa classroom.

Nagpatuloy ang kanilang araw sa paaralan na parang isang ordinaryong araw lamang sa paaralan, kahit na mayroong mga pulis na nag-iimbestiga sa kabilang building. Bago pa man matapos ang araw, isang anunsyo ang kanilang natanggap mula sa punong-guro. "Students, please be informed that the taking of class pictures will be held tomorrow." Nabuhayan bigla ang mga studyante matapos marinig ang anunsyo. Lahat ay excited sa kanilang class picture taking day bukas.

# # #

Matagumpayang ginawa ko kahapon. Wala man lang nakapansin at nagsuspect sa'kin. Walanaman akong pakielam kung sisihin ang section namin sa nangyari, dahil kabilangnaman talaga ko sa sixth class. Go Erika! Patunayan mo na hindi totoo angsinasabi nila. I'll be more than happy to play along. Tignan mo nga naman, bukasna pala ang kuhaan ng class picture. That's my cue! I'm so excited kung sinoang makakaligtas at kung sino ang hindi. Let the games begin!    

Class PictureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon