Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

CP5:Marionette

317K 5.6K 1.1K
                                        

Tuluyan nang nilamon ng takot ang mga studyante ng pang-anim na seksyon. Unti-unting nasisira ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kawalan ng tiwala sa bawat isa. Hindi maiwasan ng iba na pag-usapan ang pagkamatay ni Jacob, lalo na't sariwa pa sa kanilang lahat ang sinapit ng binata.

"I can't believe Jacob's dead. Nawala siya nang parang bula, and the sad part is, wala kong nagawa." Malumbay na bulong ni Grace kay Maki. Nagbuntong-hininga lamang si Maki't tinapik-tapik sa likuran ang dalaga. Bago magsimula ang klase, dumiretso si Xyza sa harapan at umupo sa teacher's table.

"I think I know someone who can help us out..." Suggest ng dalaga habang may ngumunguya ng bubblegum.

"Sino?" Mahinahong tanong ni Tiffany kay Xyza.

"Well, let's just say that he's in a secret organization in our school. Bali-balita sa ibang class, he was the last person who conversed with Bianca before siya mawala." Paliwanag ni Xyza.

"Isn't it too risky?" Nag-aalalang tanong ni Zoey kay Xyza. Nilapitan lang siya ng dalaga't ginulo-gulo ang kanyang buhok.

"But we're already in a risky situation darling. Ngayon pa ba tayo titigil sumugal?" Mapanlinlang na sagot ni Xyza. Lahat ay napaisip kung tama ba ang suhestiyon ng dalaga maliban kay Melcy't Resha.

"This is ridiculous, Miss Morgan. How can you effin say that we're safe in this--- this plan of yours?!" Pagcriticize ni Melcy sa plano ng kaklase. "Hmm, you know what? Nevermind. We're not going to entrust our lives with a popular delinquent kid who only knows how to flirt." Nakahalukipkip na tugon ni Melcy na agad ding sinang-ayunan ni Resha.

"Xyza, I think it'll be best if manatili na lang tayo sa mga dorms natin mamaya." Malumanay na dagdag ng dalaga.

Imbis na magalit, nginitian lang sila ni Xyza't tinawanan. "Whatever. Do what you guys want, and I'll do what I want, alright? Erika, wouldn't it be helpful if we're going to act instead of doing nothing?! Or... will you wait for more students in our class to die?" Tanong ng dalaga habang tinitignan ang nakayuko nilang kaklaseng si Erika. Nagbuntong-hininga muna siya't pilit na ngumiti.

"Maybe, she's right. Kailangan nating kumilos bago tayo maunahan ng kung sino mang gumagawa sa atin nito. So, what's your plan?" Tanong ni Erika sa dalaga. Hindi makapaniwala si Melcy na kinampihan ni Erika si Xyza. Gustuhin man niyang umalis, hindi niya magawa dahil sa takot na siya ang sumunod na mabiktima.

"Alright, listen up people. Tonight, we're going to their turf to meet him. Prepare all of your possible questions for later. I'll meet you guys at the back of the Academic building later." Paliwanag ni Xyza sa mga kaklase bago bumalik sa kanyang upuan. Matapos ang kanilang pag-uusap ay ang siyang pagdating ng kanilang adviser.

Paliwanag ni Xyza sa mga kaklase bago bumalik sa kanyang upuan. Matapos ang kanilang pag-uusap ay ang siyang pagdating ng kanilang adviser. Bago magsimula, inilahad ng guro ang kanyang pagkalungkot sa mga nangyayari sa kanila. Hindi niya na rin mapigilang ikwento ang malamig na pakikitungo ng iba niyang kapwa-guro sa kanya. Sa kabila ng lahat, pinaalalahanan niya ang kanyang mga studyante na palaging maging positibo sa lahat ng bagay. Alam niya na hindi magtatagal ay makikita rin nila ang inaasam-asam nilang kasagutan sa lahat.

Lumipas ang kanilang araw na katulad ng ordinary nilang araw sa ekswelahan. Matapos ang kanilang klase, narinig nila ang malakas na tunog ng school bell; hudyat na tapos na ang kanilang klase. Isa-isang lumabas ang mga studyante't dumiretso sa kani-kanilang mga dorm upang paghandaan ang kanilang lakad mamaya. Piniling magpaiwan ni Erika sa classroom para tulungan ang kanilang guro maglinis. Bukod sa pag-aayos, naisipan din ni Erika na pagandahin ang kanilang classroom sa pamamagitan ng pagdidikit ng makukulay na disenyo sa apat na pader ng kwarto. Hapon na nang matapos sila sa kanilang ginagawa, kaya naman nauna nang magpaalam ang guro sa kanyang studyante.

Class PictureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon