Walang ganang pumasok ang mga studyante sa kanilang classroom. Lahat ay tahimik na pinapakiramdaman ang bawat isa. Marahang pumasok sa kwarto ang kanilang guro. Bakas sa mukha niya ang pagkalungkot sa nangyari. Gustuhin niya mang pagalitan ang mga studyante dahil sa nangyari kagabi, hindi niya magawa. Sa tingin niya'y mas kailangan ng mga bata ang suporta niya ngayon kaysa ang pagdidisiplina. Minsan, naiisip niyang huwag lang pumasok sa klase niya dahil sa takot, pero hindi niya magawa. Tila ba mayroong pumipigil sa kanya na huwag sumuko. Sa kabila ng lahat, hindi siya nagpakita ng kahinaan at siniumlan na ang kanyang pagtuturo.
Mag-aalas'dose na ng hapon nang matapos ang kanilang klase. Idinismiss na rin ng guro ang klase para sa lunch break ng mga studyante. Isang grupo lamang silang kumain, katulad ng plinaplano ni Erika. Nagkawatak-watak na lamang sila nang fifteen minutes na lamang ang natitira sa kanilang break bago ang kanilang P.E. class.
Nagdesisyon ang si Cameron at Arsela sa hallway ng Academic building. Hindi nila maikaila na sila ang nagiging usapan tuwing nakikita sila ng ibang mga studyante. Pababa na sila ng hagdanan nang makita nila si Ms. Gomez. Tahimik lamang ang guro't tila may malalim na iniisip. Binati nila ito ngunit hindi sila nito pinansin at nagpatuloy lamang sa kanyang paglalakad.
"Okay lang ba si Ms. Gomez?" Tanong ni Cameron sa kanyang katabi habang sinusundan ng tingin ang papalayong guro.
"Hindi siguro... grabe no? Iniisa-isa na talaga tayo." Malumbay na tugon ni Arsela.
"Miski ako gulong-gulo na rin. Marami tayo pero hindi tayo makalaban sa killer na 'yan! Minsan nga napapaiisip ako kung anong rason niya't bakit niya 'to ginagawa sa'tin." Wika ng binata.
"Huwag na kayo masyado mag-isip. Mukhang may ginagawa nanaman silang aksyon dito e." Singit ni Tyrone sa mga kasama. Nagbuntong-hininga lang si Cameron at napayuko.
"Sana nga." Sagot ng binata. Mula sa kalayuan, nilapitan sila ng beasts upang sabay-sabay na pumunta sa gymnasium para sa kanilang P.E. class. Papunta na sana sila nang biglang napahinto si Arsela sa kanyang paglalakad. Napansin niya ang isa sa LCD TV sa hallway na black and white lamang ito't parang nawawala-wala ang graphics. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makakita siya ng anino ng tao sa screen. Napaatras din siya nang makarinig ng tatlong sigaw ng tulong mula sa monitor ng TV.
"Arsela! Bilisan mo, malelate na tayo!" Sigaw ni Pau sa kaklase. Agad napatingin si Arsela kay Pau at nakitang kumakaway-kaway ito sa kanya. Bahagya siyang ngumiti't kumarapas ng takbo patungo sa direksyon ng dalaga.
Magkakasama ang buong sixth section na nanood ng laban ng basketball ng ibang seksyon. Kahit na gustuhin nilang sumali, hindi nila magawa dahil ayaw ng karamihan. Masaya silang nanood kahit na mayroong pinagdadaanan. Kahit na papaano, natakpan ng matatamis na ngiti ang kanilang kalungkutan.
Matapos ang isang oras, piniling nilang mag-paiwan para magpulong. Umupo sila ng maayos sa bleacher seats habang pinapakinggan si Erika. Sa gitna ng kanyang pagsasalita, nagulat sila nang mamatay ang ilaw sa buong gymnasium. Lingon ng lingon si Erika't pilit na pinapakiramdaman ang kanyang paligid. Natahimik silang lahat nang makitang bumukas ang malaking TV screen na nakalagay sa pader ng gymnasium. Agad nilang binuksan ang kanilang mga academic phones upang magsilbi nilang liwanag. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Erika, alam niyang kailangan nilang kumilos ng mabilis. Inutusan niya ang beasts upang pumunta sa switch room ng gym upang buksan ang ilaw. Ang grupo naman nila Cameron ang inutusan niya upang hanapin ang kanilang adviser upang humingi ng tulong.
Ilang sandali pa'y nakita nila sina Grace at Maki sa screen. Una nilang napansin ang sira-sira't duguang uniporme ng dalawa. Hindi magkandaugaga si Grace at walang humpay na sumisigaw ng tulong. Sa kanyang tabi naman nakaupo si Maki. Sinusubukan ng binata pakalmahin ang dalaga habang humahanap ng paraan para sila'y makatakas.
BINABASA MO ANG
Class Picture
TerrorThe rumored curse of the 6th section is real, and the students of St. Venille High's current senior batch are paying for their ignorance with their lives. Can anyone find a way to break the curse before it's too late--or will history repeat itself o...
Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte