1: Grief

1.3K 62 59
                                    

1:  GRIEF

A/N: Contains violence and coarse content.

****
" Congratulations Babe." He kissed my cheek that caused my face to turn red.

"Salamat Jack.This is the happiest day of my life." I smiled.

Mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit. Nakaupo kami sa couch ng condo ng pinakamamahal kong boyfriend na si Jack. I'm happy that finally! Graduate na ako sa highschool.  Nakaraos rin kahit ulila na sa mga magulang dahil nasa tabi ko lagi si Jack at sumusuporta sakin.

" So anong course ang kukunin mo?" Tanong niya.
" course? What do you mean?"

" For college--teka nga. Don't tell me wala kang balak mag college. "

Oh oh. Galit ba siya? Wala naman kasi talaga akong balak mag college eh. Di ko na kakayanin yun noh. Financial problems pa lang.
I smiled sweetly hoping na mawala ang kunot sa noo niya.

" Pakasal na lang kaya tayo." Sabi ko.

Tiningnan niya ako ng matagal na parang naghahanap siya ng mali sa sinabi ko.

" Alam mo bang wala ka pa sa tamang edad hah? As much as I want you to become my wife, we shouldn't rush things Scarlett. Now. I want you to decide on what course you'll be taking up because no matter what happens you're going to college. Understood?"

Nag pout ako. Ayaw niya akong pakasalan. Huhuhu.
" hindi ko na kakayanin ang college Jack. Saan pa ako kukuha ng pera? Alangan naman umasa na naman ako sayo?"

" Bakit hindi? I'm your boyfriend at wala akong pakialam kong mamulubi ako. You need to take up college."

Natutunaw ang puso ko sa mga sinasabi niya. Napangiti ako ng malapad.

" Don't smile like that Scarlett." Nakita kong napaiwas siya ng tingin. Sadyang malaki talaga ang tama niya sakin. Hahaha. Conceited ba masyado?

" Hindi talaga kita mapipigilan dyan sa gusto mo noh?"tanong ko.

" Hindi na." Sabi niya.
Sabi ko na eh. Di na naman ako mananalo sa kanya.
Di ko namalayan nagpout na naman ako.

" Come here." Naramdaman kong inangat niya ang chin ko kaya napatitig ako sa mata niya. Then he lowered his lips to mine for a kiss.

" I love you Scarlett." Sabi niya nung humiwalay siya. I love him more.

" Talaga? Then quit the gang." Sabi ko ng seryoso. Nasabi ko na bang gangster ang boyfriend kong to? At isa yun sa dahilan kong bakit di ako mapakali sa tuwing uuwi siya na may pasa sa mukha.
Napalayo siya ng tuluyan sa'kin dahil dun kaya napasimangot ako. Alam kong ayaw niya. Naging buhay na niya yun. Ang ayaw ko lang ang lagi akong nag aalala tuwing umuuwi siyang may pasa kahit na sabihin niyang siya ang pinakamatinik at pinakakinatatakutang gangster. Di ko pa rin mapigilang mag alala. Naalala ko yung one time na nakatanggap ako ng death threat dun sa mga taong gustong patayin si Jack at yun yung time na lumipat kami dito sa condo na 'to, malayo sa banta nila. Pero hindi pa rin ako mapanatag kapag naiisip kong merong mga taong gusto siyang patayin. Hindi ko na kakayaning mawalan pa ng minamahal.

Napayuko ako dahil sa naging reaction niya. That was just a try malay mo pumayag siya.

Tumayo ako." Magbibihis lang ako." Sabi ko saka pumasok na sa kwarto.
Nakasuot pa ako ng dress, yung suot ko nung graduation ceremony kanina. Dapat nag cecelebrate kami eh. Bakit ko pa kasi kailangang sabihin yun? Hayyy..

Lalabas na sana ako ulit nung biglang pumasok si Jack at parang takot siya.
" Jack? Ok ka lang?" Nag aalala kong tanong. Nakarinig ako ng malakas na kalabog ng pinto sa labas ng kwarto. Ano yun?

The Mafia Boss' LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon