Part II

14 0 0
                                    



Maaga akong nagising ngayon. Bakit? Di ko rin alam. Pagbaba ko may nakahanda ng pagkain. Si mama umalis na. Naghilamos muna ako ng mukha pagkatapos ay kumain na.

Habang kumakain, naisip ko na naman yung dare namin ng mga di ko malaman kung bestfriends ko ba talaga oh ano eh. Grabe sila magpahirap saken. Hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na paraan kung paano ako magkakaboyfriend. Jusko 23 days nalang magva-Valentines na. Mukhang mangungutang talaga ako kay mama. Magtitipid na naman tuloy ako para makabayad pag nagkataon.

Natigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko. Si Kiefer nagtext.

"Good Morning Jade :)."

Taray may papa-smiling face si koya mo. Agad naman akong nagreply.

"GoodMorning din Kiefer. Breakfast tayo!"

"Ayy kumakain ka? Sige mamaya nalang. Tapusin mo muna yan. Text mo nalang ako pagkatapos mo. Pakabusog ka Jade ah! Damihan mo kain para tumaba ka naman. Hehe xD."

Grabe siya ! Di naman ako sobrang payat na yung tipong para nalang buto yung katawan tapos nilagyan ng balat.

"Hoii! Grabe 'to! Hahaha pero okay lang tapos na din naman ako kumain eh. Kanina pa nga ako kumakain eh."- pagsisinungaling ko. Wala lang baka kasi di na magtext eh pag tinapos ko yung pag-uusap namin eh.

"Ahh. Ganon ba? Oh sige ano nang ginagawa mo?"

"Wala nakaupo lang. Nag-iisip ng kung anu-ano."

"Di ka ba napapagod Jade?"

"Ha? Bakit naman ako mapapagod eh nakaupo nga lang ako."- nagtataka kong tanong. Humithit ata to si Kiefer eh.

"Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko eh <3. Hahhahaha baka kiligin ka diyan ah."

Pagkabasa ko nung text niya natahimik ako agad. Kinilig ako mga te! Gusto kong magtatalon sa kilig. Gusto kong manghampas kaso wala akong katabi. Sayang.

"Korni mo po."-reply ko kahit ang totoo kilig na kilig ako. Para na kong natatae dito dahil sa pagpipigil ng kilig.

"Hahhaha weh? Baka nga nagpipigil ka lang ng kilig diyan eh."

Omayghad ! Mind reader ba to? Di ako na-inform. Habang di ko maisip kung anong irereply sa kanya parang bigla nalang may nag-udyok saken na tanungin si Kiefer kung may girlfriend na ba siya. Ang tagal na namin magkausap pero di ko alam kung may girlfriend na ba siya.

"Kiefer may girlfriend ka na ba?"

"Ha? Bt mo natanong? Pero wala akong girlfriend."

Pagkasabi niya nun bigla akong nabuhayan. Parang gusto kong sumigaw ng YES WALA SIYANG GIRLFRIEND! Tapos magtatatalon. Then may naisip akong bright idea. Para matapos na ang paghihirap kong maghanap ng boyfriend. Sana lang pumayag siya.

"Kiefer kasi may problema ako."

"Ha ano yun?"

And then there. I told him everything. From the dare thingy hanggang sa mga consequences na gagawin ko pag di ko nagawa yung dare.

"Anong gagawin ko Jade?"

"Kiefer pwede ka bang magpanggap as my boyfriend? Please?"

"Wait. Hanggang kelan?"

"Kahit hanggang a week after valentines lang para medyo matagal."

"Eh pano yun pag tapos na."

"Pag tapos na gagawa nalang ako ng kwento kung bakit tayo nagbreak. Basta ako ng bahala dun."

A Two Weeks ContractWhere stories live. Discover now