Part III

11 0 0
                                    

A/N: pasingit lang po sandali. So last part na po!!! First of all thank you sa mga nagbasa at magbabasa pa lang. I know that I'm not really a good writer pero I've try hard para matapos po ito ng maayos. Actually nadelete pa nga kanina yung naunang part three ng hindi ko pa napa-publish kaya nakakaiyak po talaga. Hindi ko na po alam kung ano yung mga sinulat ko dun. But still sana po magustuhan niyo ito. Sana kahit paano ay naantig ang inyong puso. Maraming salamat po ulit.

PART III

Ilang araw na ba akong ganito? Yung palaging lutang at laging malalim ang iniisip? Hindi ko na rin alam. Ang alam ko lang nasasaktan Ako sa hindi ko ring malamang dahilan.

May kung anong naiisip ako minsan na parang sinasabing kasalanan ni Kiefer kung bakit ako nasasaktan ngayon. Pero alam ko sa sarili ko na hindi niya iyon kasalanan. Wala nga siyang alam na nahulog na pala ako sa kanya at kaya ako nasasaktan dahil hindi naman niya ako sinalo. Pero hindi ko naman siya masisisi. Ako ang may mali. Hindi ko pinigilan ang puso kong mahulog sa kanya. Pero hindi naman natin mapipigilan ang puso diba? Napaka unfair ng puso natin kung tutuusin kasi nakakaya niyang magmahal sa taong alam niyang hindi naman siya kayang mahalin. Napaka martir niya kasi kahit nasasaktan na siya patuloy pa rin ang pagmamahal niya sa taong hindi naman kayang suklian ang pagmamahal na ginagawa niya.

Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit ba ako nasasaktan. Hindi naman ako dapat masaktan kasi ako naglagay sa sarili ko sa sitwasyong ito. Pero hindi ko maiwasan kapag naiisip ko palang na after nitong pagpapanggap namin ay liligawan niya na yung babaeng gusto niya.

Iyon ang pinakamasakit na salita ang narinig ko sa kanya.

Akala ko may pag-asa na matuloy ang pagpapanggap namin at maging totoo na. Pero wala, pagkatapos nito liligawan niya na yung babae.

Malamang mawawalan na rin siya ng time sa akin kasi magiging busy siya sa panliligaw niya. Sabagay, bakit nga ba niya ako paglalaanan ng oras eh kaibigan lang naman ako. Syempre mas uunahin niya yung liligawan niya diba.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hayysss.

----------------------------------------------

Valentines Day na. Nakakainis! Dapat pala hindi nalang ako pumasok ngayon. Pagpasok ko palang ng school nag-announce na yung principal na pwede daw ang mga outsiders sa school ngayon at wala ding klase dahil nagpakalat ng ibat-ibang booths ang school organizers para sa mga estudyante.

Nung malaman nung tatlo na ganoon ang ganap sa school ngayon, ayon kanya-kanyang takbo sila at pinuntahan ang mga jowa nila at magpapakasal daw sila dahil may marriage booth din ngayon.

Dumiretso na lang ako sa school garden at doon magpalipas ng oras. Hanggang 3 o'clock lang daw kami ngayon. Umupo ako sa ilalim ng puno at doon pinagmamasdan ang mga masasayang couples.

Napaisip naman ako bigla.

Kung dito kaya nag-aaral si Kiefer kahit fake lang relationship namin aayain niya kaya ako sa marriage booth para magpakasal?

Malabong mangyare. Napangiti nalang ako sa mga naiisip ko.

Nagsorry sa akin si Kiefer kanina dahil hindi matutuloy yung date namin kasi may practice daw sila. Naintindihan ko naman dahil malapit na ang laban nila.

Sino ba naman ako diba?

Pinagmamasdan ko yung tatlo kong mga kaibigan. Sabay-sabay silang nagpakasal. Nakakatuwa naman silang tingnan dahil makikita sa mga mata nila ang kasiyahan. Ako kaya? kailan ako magiging masaya?.

Natigil ako sa pag-iisip ng magtext si Kiefer.

"Hi Jade. San ka?"

Agad naman akong nagreply.

A Two Weeks ContractWhere stories live. Discover now