Part I

34 0 0
                                    


ARKIIIIIIIIIIII!!

Jusko naman ke aga-aga mambulabog ng tatlong 'to. Kahit tamad na tamad akong bumangon sa kinahihigaan ko eh bumangon na ko dahil hindi na rin naman ako makakatulog kasi hindi sila titigil hanggang 'di ako lumalabas ng kwarto ko.

Nakasimangot kong binuksan ang malapit ng makalas naming pintuan dahil sa lakas ng katok nitong mga 'to.

"Ano na naman? Ang aga niyo mangbulabog! 'Di ba talaga uso sa inyo tanghali na pumunta dito?"- singhal ko sa kanila.

"Kasi naman Arki try mo din tumingin sa orasan minsan ha?"- Juliet

"Oo nga malelate na tayo sa ating first subject mamshie"- Carl- obviously he's a gay.

"Bakit? Ako nalang ba hinihintay niyo? Wala pa din naman si Angie ah! Tsaka anong malelate? Alas sa-- shit! Malelate na nga tayo!"- ako at nagmamadaling pumasok sa banyo naming pang isang tao lang ang kasya. Yung tipong 1 meter lang yung width.

After 10 minutes natapos na 'kong maligo. Dumiretso na agad ako sa kwarto para magbihis. Jusko naman napasarap na naman ang tulog ko at 'di ko narinig yung alarm ko. Pagtapos magbihis ay bumaba na agad ako. Wala ng suklay suklay.

"Tara na mga te! 20 minutes nalang meron tayo para bumyahe."- ako at nagmamadaling sinuot yung sapatos ko.

Nagmadali na kaming tatlo pumunta sa sakayan ng jeep at kamalas-malasan nga naman eh punuan pa 'yung mga jeep.

"Aish! Nako naman! Kasi naman Arki eh! Hagardo na tuloy kami ni Juliet ng dahil sayo."- naiiritang sabi ni Carl samantalang si Juliet busy sa pagcecellphone. Leche! Mahablot sana 'yung cellphone niya. Hehhee Joke lang po.

"Aba! Kasalanan ko bang napasarap ang tulog ko at late nagising? Kasalanan 'to nu'ng alarm clock ko! Di niya ko ginising kainis!"- sabi ko habang nag-titingin pa rin ng mga jeep.

"Ayy wow! Kawawang alarm clock. Nasisi pa ni gaga."-bulong ulit ni Carl. Di ko na siya pinansin dahil nakakita na ko ng maluwag na jeep.

"Che! Tara na!"

Mabuti na lang at walang traffic dahil panigurado hindi na kami makakapasok ng first subject. Ayaw kasi ng prof namin ng late.

Pagdating namin ng classroom nakita ko na agad si Angie katabi 'yung boyfriend niya. Kaya pala hindi kasama ng dalawang to pumunta sa bahay dahil nauna na.

Umupo na kaming tatlo at mabuti nalang wala pa 'yung prof namin . Woooh! Grabe napagod ako tumakbo.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin yung prof namin. Aba! Nagmadali akong maligo. Hindi na nga ako nagsabon para makaabot sa klase niya tapos 'di siya papasok? Syempre joke lang yung hindi nagsabon.

Magla-lunch na wala pa din. Absent talaga siguro. Hayssss naman talaga! Gantong di ako nag-almusal pinag-iinit ng prof na yan ang ulo ko. Pumasok ako para may matutunan tapos aabsent siya.

Nagbell na para sa lunch. Nagmadali na kong magligpit ng gamit para makakain na kami dahil nagugutom na talaga ako. Pero nakakapeste talaga. Aba itong mga 'to kasama na agad mga lalake nila. Edi sila na may boyfriend diba? Buti pa si Carl may Boyfriend kainis!

"Oh sige. Mabubusog tayo ng ganyan lang ang ginagawa niyo no?-" sarkastiko kong sabi.

"Bitter talaga neto ni Arkisha. Tara na nga guys kain na tayo."- Angie

At sabay sabay na silang tumayo. Maglalakad na sana sila ng bigla akong magsalita.

"Teka nga! Sinong may sabing kasama kayo aber?"-sabay turo ko dun sa tatlong lalaki na boyfriend nitong mga to.

A Two Weeks ContractWhere stories live. Discover now