Chapter 1

7 2 0
                                    

Syrint Point Of View:

".....ISANG bangkay natagpuang palutang lutang sa aplaya ng Sampaloc Lake. Hanggang ngayon ay hindi parin nakikilala ang biktima. Kapansin - pansin din ang itsura nito, kulubot ang balat na tila sinipsip lahat ng dugo, nakaluwa ang mga mata, ayon sa mga otoridad ilang araw na itong walang buhay base sa naaagnas nitong katawan..."

Pinatay ko ang TV matapos mapanood ang walang kwentang balitang iyon. Bagay lang iyon sa kanya. Kulang pa ang dinanas ng taong iyon kumpara sa sakit at hirap na naramdaman ng mga babaeng ginahasa niya.

Isa na namang walang kabuluhang araw ang sasayangin ko. Sabado ngayon, kung normal lang akong kabataan malamang ay nag lulundag na ako sa tuwa at hindi na mag kandaugaga sa mga lugar na pwedeng galaan ng barkada, pero hindi. Hindi ako normal at lalo nang wala akong barkada o kung sinuman sa aking tabi.

Hindi ka pa ba sanay Syrint? Labing anim na taon ka nang nabubuhay mag isa..

Napatawa nalang ako nang mapakla sa mga iniisip ko. Nagtungo ako sa loob ng banyo at naghilamos ng mukha. Napatitig ako sa lumang salamin na narito. Actually, lahat naman ng kasangkapan dito sa bahay ni Lola ay luma na katulad nalang nitong banyong puro agiw at sapot ng gagamba ang loob. Kubetang manilaw-nilaw na, wala ring shower dito at tanging timba at gripo lang na paminsan minsa'y hindi pa gumagana.

Ano lahat nalang ba papansin mo Syrint?

Napailing nalang ako sa aking sarili at nagsimula nang mag ayos. Pababa palang ako ng hagdan rinig na rinig ko na ang kalansing ng mga pinggan at kubyertos marahil ay galing sa kusina siguro ay nauna nang kumain si Lolo't Lola at hindi na ako hinintay pa...

"Kailang ka nga ba nila hinintay Syrint?" Ang tanging naibulong ko sa aking sarili at tuluyan nang pumasok sa loob.

"Magandang umaga po lolo lola" Lumapit ako at nagmano sa kanila. Labag man sa kalooban ay inabot pa rin nila ang kanilang kamay.

Tahimik kong tinungo ang aking upuan. Si Lolo ang siyang nakaupo sa kabisera. Sa kanan naman niya ay si Lola samantalang dalawang pagitan ang layo ko sa kanila. Hindi gaanong malaki ang kusina. Sapat na ito para sa isang pamilya, May lamesa at anim na upuan na tila pinaglumuan na ng panahon. Marami ring nakasabit na larawan na hanggang ngayon ay hindi ko parin matukoy kung ano ang ibigsabihin. Walang nagsasalita, katulad ng aking kinamulatan simula noong ako ay wala pang muwang hanggang ngayon ay ganon pa rin. Hindi ako malapit sa Lolo't Lola ko siguro dahil na rin hindi maganda ang pakikitungo nila sakin.

Wala na akong magulang. Bata pa lang ako nang mawala sila at simula noon inampon na ako nina Lola. Hindi naman talaga ganito kalamig ang pakikitungo nila sakin pero sa di malamang dahilan bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin.

"Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay" Isang malaki at malamig na tinig ang aking narinig, Si Lolo.

"Hindi naman po talaga ako lumalabas ng bahay" Gusto ko mang manahimik at ayaw ko mang sumagot ay hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili.

"Aba't! Bastos ka talagang bata ka!" Dinuro-duro ako ni Lola ng tinidor na gamit niya.

"Pasalamat ka at pinapatuloy ka pa namin, pinapakain at pinapag aral!" Ang walang katapusang lintanya niya na sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos ay lagi kong nakikinig.

Kailanman ay 'di nila ako tinuring na apo. Sinisisi parin nila ako sa pagkamatay nila. Nakakawalang gana ang ganitong buhay.

Nakakalungkot mag isa.

"Tapos na po ako." Tumango ako at walang lingong likod na lumabas ng kusina at nagtungo sa natatanging kaibigan na meron ako, sa kanya.

"Siya lang nakakaintindi sakin, Siya lang nakakapagpasaya sakin. Totoo nga kayang ako ang may kinalaman kung bakit parang bulang bigla siyang nawala? Bakit ba hanggang ngayon hindi mo pa rin siya maipakita? Ilang alay pa ba ang kailangan mo?"

Nandito ako sa attic, Kung saan nakatago ang munti kong kaibigan. Nadiskubre ko siya nang ako'y maliit pa lamang. Nakakaya niyang gawin ang lahat para sa akin maliban sa isa at iyon ang paghahanap sa kanya.

"Mukhang kailangan mo nanaman ng pagkain munting kaibigan. Do you want to taste some old blood? Don't worry you'd still enjoy it , I promise." Ngumiti ako sa kanya at nakita ko ang imahe ng babaeng walang kabuhay-buhay ang mata, Ang aking sarili.

The Cursed MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon