"You may go. But next time Ms. Ajes do remember that I don't tolerate that kind of scene especially in my class. Are we clear?" Tanong ni Ma'am-ster Lee sakin gamit ang kanyang napakatinis na boses.
"Yes Ma'am, I'm sorry 'bout earlier" Paumanhin ko. Tanging tango lang ang sinagot niya sakin at ibinaling na ulit ang atensyon niya sa pagkikilay psh.
Lumabas na ako sa Fuckulty room upang umuwi na. Napadaan ako sa oval. Kitang- kita ko ang paghihilahan ng dilim at liwanag. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin. Napakapayapa. Ang sandaling ito ay napalayo sa kung anong aking nararamdaman. Kung pwede lang manatiling ganito ang lahat. Kung pwede lang.
Mag isa akong naglalakad. Mabato ang daan marahil siguro sa bitak bitak na kalsada. Nakatira kami sa maliit purok na matatagpuan sa probinsya ng Laguna. Maraming puno ng niyog dahil isa ito sa pangunahing pinagkukunan ng hanap buhay. Tanging mga huni ng kuliglig ang aking nakikinig. Nang may bigla akong natanaw sa may kakahuyan malapit sa bungad ng aming baranggay. Mga nagkukumpulang kulisap. Hindi ko alam kung bakit pero naaakit akong lapitan sila...
"Huwag mo nang subukan pa" Isang kamay ang pumigil sa akin nang tangka kong pupuntahan ang mga kulisap, nang lingunin ko ay isang kamay ng matanda, puti ang buhok, nakabalabal ang isang itim na tela at may hawak na kahoy na nagsisilbing baston niya, napansin ko rin ang kakaibang mga simbolong nakaukit doon.
"A-aray! Lola nasasaktan ho ako!" Mahigpit ang pagkakapit niya sa akin, ramdam ko ang kuko niya na bumabaon sa aking braso.
"Ano ho bang problema niyo?! Bitawan niyo ho ako!" Masama ang pagkakatingin ng nanlilisik niyang mata. Mababatid sa kanyang tingin ang pagbabanta at takot ngunit bakit?
"Magsisimula na. Ikaw ang puno't bunga ng lahat! Kasalanan mo lahat!" Nakawala ako sa kanyang kapit! Lumayo ako sa kaniya at handa nang tumakbo...
"Unborn child
Made by mistake
Will suffer in pain
For everyone sake.Their sacrifice will just go to waste
As everything become in haste
Havoc will soon started
As the curse itself will granted."Nagsimula siyang bumigkas ng mga salita na hindi ko mawari ang ibigsabihin. Maaari na akong tumakbo at iwan na ang matanda pero may parte sa akin na gusto pang pakinggan ang kanyang sinasambit. Nagugulumihanan man ako ngunit alam kong ang mga salitang kanyang sinasambit ay may kaugnayan sa akin.
"The mess made by the first
Can't be fix cause it's curse
This is a prodigy
It has no remedy"Hindi ko alam kung namamalik mata ako pero nakita kong umilaw ang mga simbolong nakaukit sa kanyang baston. Matapos masambit ng matandang babae ang mga huling kataga ay tuluyan na akong tumakbo at lumisan. Hindi ko kaya. May kung ano sa loob ko ang kumirot habang pinakikinggan siya.
Nakatulala ako nang makarating sa bahay ni Lola. Hindi parin mawaksi sa aking isip ang nangyari kani-kanina lamang. Hanggang ngayon ay nakikinig ko pa rin ang mga katagang binigkas ng matanda. Inaamin kong nagkaroon ito sakin ng malaking epekto kahit na naguguluhan pa rin ako. Hindi ko lang talaga malaman kung saang lupalop nanggaling ang matandang iyon? Bakit niya ako pinigilang pumasok sa bungad ng kagubatan? Anong ibigsabihin ng pag ilaw ng mga nakaukit sa kanyang baston? At higit sa lahat anong ibigsabihin ng mga salitang binigkas niya?
Ang mga katanungang iyan ang tumatakbo sa aking isipan habang ako ay nakahiga at nalulunod sa sarili kong tanikala. Tahimik ang buong bahay ni Lola. Marahil ay nagsiuwian na ang mga taong nakikiramay 'raw'. Nakarinig ako ng pag iyak. Dala ng kuryosidad ay tinungo ko ang pinagmumulan ng tinig. Dinala ako ng aking mga paa sa daan patungong attic. Mukhang alam ko na.
Hindi na ako nag aksaya ng oras at umakyat ng patungo sa kaniya. Katulad ng dati puro usok ang unang bumungad sa akin. Mukhang hindi nanaman siya makapaghintay. Humarap ako sa kaniya. Nakita ko ang imahe ng isang babaeng may maamong mukha. Bilugan ang mga mata, maliit na mga labi, at may matamis na ngiti habang my mga butil ng luha na malayang pumapatak sa kanyang pisngi.
"Siya ba? Aww, I pity that pretty face. Soon It'll just go to waste."
Kasabay ng paghalakhak naming dalawa ang unti-unting pagdilim ng aking mga mata....
"It's killing time...."
BINABASA MO ANG
The Cursed Mirror
FantasyMirror, Mirror on the wall Who's going to die among them all?