"..CONDOLENCE Iha"Ngiti lang ang iginawad ko kay Aling Belen matapos niyang sabihin ang kanyang pakikiramay. Puno ang bahay ni Lolo't Lola ng mga tao sa baranggay na ni minsan ay di ko pa nakita na kasundo nila. Kataka- takang dumalo sila dito at nakikiramay pa. Mga pakitang tao tsk.
Inilibot ko ang aking paningin sa labas ng hardin ni lola. Punong -puno ng ilaw at bulaklak ang labas ng bahay. Sa bandang kaliwa ay naroroon at nag iingay ang grupo ni Mang Igo at naglalaro ng baraha. Sa kabilang dako naman ay puro mga nagchichismisang matatanda na minsan nang nakaaway ni Lola dahil lang sa mali nilang paratang sa kanya. Nahagip din ng mata ko si Lola sa sulok malapit sa kabaong ni Lolo. Nakatulala ito at tila wala sa ulirat. Napagdesisyunan kong lumapit sa kinaroroonan niya.
"Lola gusto mo po ba munang mag pahinga?" Hindi siya tumingin sakin. Oo, Hindi niya pa ako kailanman tiningnan na wari ba ay isa akong nakadidiring nilalang.
"Umalis ka sa harapan kong salot ka!" Itinapon niya sakin ang larawan ni Lolo na kanina pa niya kipkip.
"Ikaw nanaman ang may kasalanan nito Katulad ng ginawa mo sa kanila!" Hindi pa siya nakuntento sa pagbato sa akin at hinampas pa niya ako nang hawak niyang baston. Gusto ko man'g manlaban ay 'di ko na ginawa, Lola ko pa rin siya kahit na anong mangyari. Naiintindihan ko na masakit ang pag kawala ni Lolo pero mas masakit yata na ikaw ang mapagbintangan ng pagkamatay nito.
Imbes na manatili sa bahay at makipagplastikan sa mga tao na nakikiramay 'KUNO' ay naisip ko nalang na pumasok sa eskwelahan.
Wala rin namang bago. Sa bahay man o sa School puro plastik din ang mga tao.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Walang pakialam sa kung anong nangyayari sa aking paligid. May kanya-kanya nanamang mundo ang aking mga kaklase. May nag dadaldalan, may nag haharutan at may mga tahimik lang ding katulad ko.
"Syrint... Tulungan mo ako" Bigla akong kinilabutan nang may bumulong sa kanan kong tenga. Isang malamig, malalim at galing sa hukay na boses ang aking narinig
"Syrint tulungan mo kami...
Tuungan mo kami.....
Tulungan mo kami...." Paulit-ulit. Mga umiiyak na bata. Mga nag mamakaawang tinig. Ayaw nilang tumigil.
"TAMA NA! TIGILAN NIYO AKO!" Natumba ang upuan ko nang dagli akong tumayo. Halos lahat ng pares ng mata ay tumingin sa aking direksyon.
"May problema ba Ms. Ajes?" Tanong ni Ms. Lee na hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala. I was too preoccupied that I didn't notice that they already starting our lesson and I just interrupted it great ! not. Fuck those voices! because of them I will endure two fucking hours in FUCKulty room. Yey! Tsk.
"None Ma'am, I was just thinking of something" Sagot ko kay Ma'am-ster Lee. Isa siya sa mga terror kong teacher dito sa Sigma HighSchool. 'Kilay is life' ang motto niya sa buhay. Laging nakasimangot at may nanlilisik na mata. Palibhasa matandang dalaga psh.
Kahit ganito ako may pakialam pa rin naman ako sa pag aaral ko. Kailangan kong makatapos para mahanap ko siya. Yun lamang ang tanging dahilan kung bakit ako nabubuhay.
"I will do my very fucking best just to find you kuya. Even if it means dealing with death" Mga katagang nakatatak na sa aking isip habang binabagtas ko ang daan patungo sa malaimpyernong FUCKulty na yon. Two fucking boring hours to go tsk. Great .
BINABASA MO ANG
The Cursed Mirror
FantasyMirror, Mirror on the wall Who's going to die among them all?