Prologue

1 0 0
                                    

People always define love on their on way.

Love is blind.
Love is kind.
Love conquers all.
Love is everything.

May pinaghuhugutan ba ang mga tao ngayon? Kasi lahat ng maririnig mo, Love, love, love. Paano nalang sa mga taong hindi pa naiinlove?

For me? Love? HAHAHAHA Itatawa ko nalang ito.

Ewan ko ba. Sa tuwing naririnig ko itong salitang to naiinis ako. Sa tuwing lalabas ito sa bibig ng mga tao, naaasar ako. Madalas nga, nakasuot ako ng headphone sa tuwing paguusapan nila yan sa tabi ko. To ignore them. Bakit? Nangaasar ba sila?

Maraming masasayang tao kapag nagmamahal sila. At karamihan din, maraming umiiyak kapag nasaktan sila. At kapag nawala ito sa kanila. Naaawa ako sa tuwing nakikita ko silang nasasaktan. Masyado silang nagiging tanga e. Masyado silang nagpapatukso sa pag-ibig na yan.

Wala namang ginawang masama sakin yang love na yan e. Pero ewan ba. Galit na galit ako sa tuwing naririnig ko ito. Sukang-suka ako.

Siguro masasabi niyo ngayong bitter ako. Bitter na kung bitter basta ayoko sa love na yan. Ayoko!

Ano nga ba yang love na yan? Hanggang ngayon kasi hindi ko pa talaga alam kung ano ang tunay na kahulugan nito. Ano ang purpose nito satin? Ever since kasing ipinanganak ako sa mundong ibabaw, hindi ko pa nararanasang magmahal.

NO BOYFRIEND SINCE BIRTH kumbaga. Dahil hinding-hindi ko pa nararanasang maligawan. I don't know what's the feeling of being inlove. I don't know what is love. At wala akong balak alamin to.


Sa dinami-dami ng mga lalaking dumadaan sa hallway ng school namin araw araw, wala ni isa ang nilingon ako at pinansin.

Kung ikukumpara mo ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanila, HAHAHAHA matutuwa ka ng sobra. Dahil walang wala ako sa kanila. Walang wala! Katiting lang ata nila ako.

Sino nga ba naman ako para mapansin nila? Sino nga ba naman ako para magustuhan at mahalin nila? Para nga akong invisible kung ituring e. Hindi nageexist.

Napakalungkot ng buhay na to. At unti unti kong narerealize, napakagulong buhay ito.

Bakit nga ba ako binigyan ng ganitong buhay? May galit ba sa akin ang Maykapal? O pinaparusahan nya lang ako?

Pero mali e! Hindi ko dapat iniisip ito. Kung ano man ang mayroong buhay ako ngayon, dapat ipagpasalamat ko iyon. Hindi dapat ako magsisi o magreklamo sa ibinigay Niyang buhay.







Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, Malalaman ko ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. At hindi ko aakalain na handa akong baguhin ang sarili ko para sa taong gusto ko. Para sa taong mahal ko. Nakakatawa hindi ba? Kaya kong magbago.

Pero magiging masaya nga ba ako sa mangyayaring pagbabago ng buhay ko? Na mawala ang nakasanayan ko? Na mabago ang pananaw ko.




Dito magsisimula ang story ng buhay ko. Ito ay kung ano nga ba ang magagawa ng tunay na pag-ibig sa buhay mo.

What Love Can DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon