"Hoy! Gian! Gumising ka na diyan! Malelate ka na." kanina ko pa naririnig ang boses ni mommy na ginigising ako pero sa inaantok pa ako kaya tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
*buggg*
"Aray! Ano ba?! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan m---" nilingon ko sya, napatingin ako sa mukha niya.
'Shit ang gwapo niya!' Sabi ko sa isip ko.
Lalapit siya akin. Omg! Malapit na ang mukha namin sa isa't isa. Hahalikan nya ba ako? Unti pang lumapit ang mukha namin nang...
"Shit! Ang lamig!" Panaginip lang pala.
Nilingon ko yung tumatawa, si kuya binuhusan ako ng napakalamig na tubig.
"Anong nakakatawa?!" Galit kong sabi.
"Kanina ka pa namin ginigising, ayaw mo pa ring tumayo" sabi ni kuya.
"Umalis ka nga dito, maliligo nako!" Umalis na nga si kuya sa kwarto ko.
Pagtingin ko sa orasan, alas 7 na. Isang oras nalang at magsisimula ang class ko. First day ito kaya dapat hindi ako malate.
Binilisan kong maligo at hindi na nagayos ng katawan pa. Bumaba ako agad. Bumungad sakin sila mommy, daddy at kuya na nakaupo sa dining area, tahimik na kumakain.
Nang umupo ako. Akma naman nang tatayo si dad.
"I lose my appetite! Papasok nako" sabi ni dad sa seryosong tono.
Ewan ba. Ang laki ng galit niya sa akin. Parang hindi niya ako tunay na anak.
Naaalala ko pa dati..
*Flashback*
After 4 years
"Dad. First honor ako" laking pagmamalaki ko sa kanya sabay abot ng medal ko.
Pero wala siyang naging reaksiyon sa kanyang mukha kundi patuloy pa rin sa pagbabasa ng diyaryo.
"Richard, be proud of your daughter" sabi ni mom kay dad.
"Aalis nako!" Sabi lang niya. "Ano bang problema mo Chard ha? Hindi ka ba namamangha sa anak mo? She's so intelligent" Sagot ni mom. Napatigil si dad.
"Mamangha? Hahaha" tumawa siya ng malakas. "Tignan mo nga yang anak mo, pinandidirihan ng tao dahil sa itsura niya. Nakakahiya siya. Parang hindi natin siya anak Emily. Ano nalang sasabihin sa atin ng mga tao pag nalaman nilang ganyan ang anak natin? Isang malaking kahihiyan Emily" tumuloy na sa paglalakad si dad.
Naiyak nalang ako na parang bata sa tabi ni mom
*End of flashback*
Pinipigilan kong umagos yung luha ko sa harap nila mom kaya tumayo nako. Kahit na gutom pa ako, tumayo nako para hindi nila iyon makita.
"My, aalis na po ako!" Saka humalik kay mommy.
"Hindi ka ba sasabay sa kuya mo?" Sabay na tinignan si kuya. "Mommm!" Halata sa tono ng pananalita ni kuya na ayaw niya akong kasabay.
"Hindi my, mauuna na ako. Maglalakad nalang ako, malapit lang naman yung school e" sagot ko. "Sige anak, magingat ka" umalis nalang ako agad.
Naglakad nalang ako papuntang school. Malapit lang naman e, walking distance lang. Mga 15 mins mo sigurong lalakarin. Nalakad ko na rin kasi yun nung nagpaenroll ako.
Hindi ako sumakay sa kotse namin kasi ramdam kong ayaw rin akong kasabay ni kuya sa school. Nahihiya siguro siya.
Pano ba naman kasi, sikat si kuya sa school na yun. Natatakot siguro siyang malaman ng lahat na kapatid nya ako.
BINABASA MO ANG
What Love Can Do
Ficção AdolescenteThis is a story of a girl who didn't expect to fall inlove with a person. Love that changed her entire life. See what love can do.