Aerin's POV
Papasok na ako sa school at nasa gate palang ako ng may salabungin ako ni.... Ervin. Aish.
"Are you ready?" tanong nito saakin. Alam ko ibig sabihin nito.
Y-yun nga! Yung acting namin na I'm his fake girlfriend. Pero di ko alam kung ready na nga ako.. "Ah, kasi..."
"Kasi? Nahihirapan ka?" tanong nito.
Oo? Pwede? Biglaan naman kasi sya eh. Aish. Di ko kasi alam ang mag act na maging girlfriend at. NBSB ako noh...
"Ervin, di ko naman kasi alam paano mag act na maging girlfriend mo eh.. NBSB kasi ako. Kaya di ko alam gagawin ko.." nahihiyang sabi ko rito..
"NBSB? No Boobs Since Birth?"
O_____O
Hinampas ko ito sa dibdib. "Sira! No Boyfriend Since Birth!"
"Ahh Boyfriend pala yun? Haha! Yun naman pala. Just act that we were really a couple." sabi pa nito.
Sweet? Di ko maimagine na ang sweet ko sa taong kinaiinisan ko sa buong buhay ko. Bitter pa naman ako.
"But how? Ugh!! Ervin, kung pwede lang ba sana na iba nalang. Di tulad ko. Di ko talaga alam---" di na ako natapos nang kunin nito ang bag ko at hinawakan na ako sa kamay. "Too late."
"Lets go, Babe!" malakas nitong sabi. At may mga istudyante pa dito.
O______O
Teka. Ano daw?!! BABE?!! Nanlalaki na talaga mga mata ko. Hanggang sa akbayan naman ako nito.
Pinipilit ko nalang ngumiti tulad nya. Pero kainis. Paano ako ngingiti kung ganyan mga tingin saakin ng mga babaeng schoolmates namin. At baka fangirl nya pa?!
Patay ako. "Hayaan mo nalang sila. Akong bahala.." bulong nito saakin. At napatanong nalang ako dahan dahan.
Papasok na kami sa loob ng may naka salubong kami. "Yo bro! Ano nanaman yan?" tanong nito. Sino kasi itong ma gilagid at ang amerikano na ito? Sorry ah.. Nakalimutan ko na sila eh..
"Bro. Girlfriend ko nga pala." pakikilala ni Ervin saakin sakanya.
"Haha! Bro? Seryoso? Halos lahat naman kasi ng mga babae, girlfriend mo eh.. Katawa ka bro." sabi nung mukhang amerikano. Marunong pala syang mag tagalog? Akalain ko ba yun?
"Tch. Lets go, Babe. Male-late pa tayo sa mga ito." pagsusungit nito sa mga yon at umalis na nga kami.
Napatingin naman ako sakanila na kitang kita ko sa mata nila na gulat na gulat naman sila. Ano ba ibig sabihin non?
"Ervin naman. Ginaganyan mo mga kaibigan mo." sabi ko rito.
"Hayaan mo. Mas gwapo naman ako sakanila." seryosong sabi nito at pumasok na nga kami sa loob ng classroom.
-_____-
Pagkapasok namin ay lahat ng mga babaeng studyante dito ay gulat na gulat na makatingin saamin.
Oh bakit---
O_____O
Oo nga pala. Umalis na ako sa pagkaka-akbay saakin ni Ervin. "Oh bakit, Babe?"
O_____O
Babe! Babe! Babe!
"Pwede ba mamaya nalang. Pinagtitinginan na tayo eh.!" bulong ko rito at umupo na nga sa pwesto ko.

BINABASA MO ANG
Destined With The Play Boy [ON GOING]
Teen FictionAerin Jean Gonzales. Kalog Maarte. May pagka taray At ayaw sa mga playboy, fvck boy, at bad boy. Pero nang makilala nya ang isang PLAY BOY na si Ervin Verzon. Nahulog ang loob nito. Dahilan sa pagbago ng buhay nito. Kaya nya ba'ng mahal...