Sinisipag ako mag update even tho walang nagbabasa. Lol. HAHAHAHA.
-GwapongOtor
—————
Maxine's P.O.V."Class dismiss"
Sa wakaaaaass! Tapos na rin paghihirap ko.
"Gals? San tayo ngayon?" Tanong ko sakanila.
By the way, magkaklase kaming lima.
"Uhh. Im sorry guys, but I can't----"
"Dahil kay Clyde? Alam na namin" di pa natatapos si Sofia sa pagsasalita, pinutol ko na siya. Tas bigla siyang ngumisi "Gotta go!"
Clyde Shin. Ang boyfriend-slash-Fiancè ni Sofia. Laki din sa mayamang pamilya. Tho, kami naman lahat dito sa Meteor University, mayayaman. Arranged marriaged lang sila pero who knows? Na fall din pala sila sa isa't-isa. Kala mo talaga perfect couple na sila, but you're wrong. Like the other couples here, nag-aaway din sila. Na umabot na sa point na malapit na nila sukuan ang isa't-isa.
Teka? Bat ko ba stinostory sainyo love life nila? Aba.
Basta ganun. Complicated sila kumbaga. Pero sila ang pinaka sikat na Couple dito sa M.U.
Ang weird ng name ng school namin no? Meteor University. Sa University kasi na ito ginanap yung palabas na "Meteor Garden". Naaalala niyo pa ba yun? Sila San Chai? Dao Ming Si? Lhei? Di ko alam kung tama ba? Hehe. Basta yun.
At meron na rin daw bumagsak na Meteor dito. Duon sa garden. Ang pagkaibihan lang, walang F4 sa paaralang ito. Hehe.
Kung magturo nalang kaya ako ng History diba? Oha oha.
Teka? San na sila? Uwah! T^T iniwan nila ako. Ansama talaga.Pumunta ako sa lockers room para kunin yung Ipod ko, mag sasound trip nalang ako. San na ba yung locker ko? Ayun.
Binuksan ko locker ko at.. "NO"
Sht. Ano ba to? Huhuhu. May isang pirasong papel na nakasabit sa pintuan ng locker ko. Natatakot nako sa NO na yan ha! Sino ba may pakana nito? Argh!
Kinuha ko yung papel at tinapon sa trash bin. Letche yan.
Ano nga uli yung kukunin ko dito? Ah tama. Yung Ipod ko pala.
Pagsara ko nung locker ko, napansin ko agad na may nakamasid sakin.
*sniff* *sniff*
May naamoy akong kakaiba. Umatras ako ng konti at lumingon sa likod ko.
Wala namang tao.
Pagharap k--- "UWAAAHH! LETCHE! PAPATAYIN MO BA AKO?! HA?!" Gulat na sigaw ko sabay ng paghawak ko sa dibdib ko.
Bigla niyang tinakpan bibig ko at dinala ako sa janitor's room kung saan katabi lang ng locker ko.
"Hey" panimula ko.
Walang sumagot. Grr.
"Hello Mr.?"
No response. Srsly?
"Marunong ka ba mag---"
"No" sht. Biglang tumayo balahibo ko. Wala pa naman akong makita dahil sa dilim.
"Pwede wag ka manakot? Kasi sa totoo lang natatakot na ak----"
"No"
"Letche kaaa! Ayoko na" bigla kong naramdaman na may humila sa kamay ko.
"Ano kailangan mo?"
Pero walang sumagot. Ano pa bang aasahan ko? -_____-
"Anong pangalan mo?" Tanong ko.
"Yes"
*facepalm*
Pigilan niyo ko! Angry na ako! Grr. Papatulan ko na talaga tong lalaking to.
Aalis na sana ako ng "My name is Yes, Miss. Short term for Yander Ezequiel Sword"
Woah. I was like "REALLY?!"
Ang cool ng name niya.
"If im not mistaken, you must be Maxine Kaela Buenavista?" Oh c'mmon. Stalker ko ba 'to?

YOU ARE READING
Forever Exist
Teen FictionWalang Forever. Kadalasan bukang bibig ng mga taong bitter. Sa istoryang ito, puno ng pagmamahal ang mararamdaman mo. Pano na kaya? Lalo ka bang magiging bitter o lilipat ka sa grupong May Forever?