Complicated 24

4.1K 64 6
                                    

Tumakbo si Travis palabas ng classroom nadapa pa siya, Buti na lang at sinundan siya ni Karl kaya ayun nakatayo siya. Medyo tanga rin itong si Travis kung nakakamatay lang ang pagiging tanga patay na siya.

“Ayos ka lang Travis?”tanong ni Marie na kakasunod lang kasama si Tricia sa dalawa, Tumango lang si Travis sabay naglakad na sila ni Karl. Napansin naman ni Tricia at Karl ang cold treatment ni Travis kay Marie pero ganito na lang ito mag-alala at the same time. Magulo at Unpredictable kumbaga parang si Ryan lang ng got to believe.

Sa kabilang dako naiwan naman sina Kyle, Si Cheska at ang limang ugok sa classroom habang nilalagay sa kahon ang mga smartphones at dadalhin nila ito sa Office para doon ma-retrieve ng mga students.

  

“Kilala ni Travis ang nagpakalat ng video ni Marie?”patangang tanong ni Dexter sa kanila na katatapos lang kumain ng kupnudles niyang bulalo.

  

“Buhay ka pa pala? Akala ko nalunod ka na sa kupnudles mo eh.”asar sa kanya ni Tsumi, Pinagsisipa na lang siya ni Dexter at tumalsik pa ang sapatos nito. Natamaan si Cedrick sa noo ng lumipad na sapatos, Napatayo siya sa asar at sinakal si Dexter.

“Nananahimik ako sa tabi tapos biglang eepal yang sapatos mo!”asar na sabi ni Cedrick kay Dexter habang sinasakal ito. Pinipigilan naman ng mga ugok ang dalawa na magsakalan.

  

“Ahck!! Bhick thack!”hirap na sabi ni Dexter kay Cedrick dahil sa pagkakasakal nito sa kanya. Nagiging kulay bayolet na rin ang mukha nito sa higpit ng sakal ni Cedrick sa kanya.

“Pucha! Si Barney!”sabi ni Tsumi at pinagtuturo si Dexter na kulay bayolet na, Inawat na nila Jake si Cedrick sa pagsakal sa kaibigan nila.

  

“Tama na Ced! Kulay violet na si Dexter ayaw mo namang mangitim at mamatay yan di ba?”sabi ni Jake kay Cedrick at binitawan na ni Cedrick ang leeg ni Dexter na pulang-pula ang mukha.

“Bwisit ang sakit ng noo ko ah.”sabi ni Cedrick at hinimas ang noo niya saka umupo sa tabi. Si Cheska naman napa-iling na lang sa pinag-gagawa ng mga loko.

  

“Sige po Miss Cheska mauna na po ako.”sabi ni Kyle at tumango naman si Cheska saka lumabas na si Kyle. Si Jake naman lalapitan na sana si Cheska para lambingin ang asawa kaya lang may dumating na epal.

“Cheska!! Uuwi ka na ba? Sabay na tayo.”excited na sabi ni Erin kay Cheska nanlaki naman ang mata ni Cheska at natigilan ang lima sa sinabi ni Erin.

  

“A-Ah.. Teka.. Kayong lima? Hindi pa ba kayo uuwi?”sabi ni Cheska at pinanlakihan ng mata ang lima. Umalis naman ng sabay ang lima saka sumunod si Erin at Cheska.

“Grabe nakakapagod gumawa ng Lesson Plan bukas, May surprise test din ako sa mga students ko sa susunod na araw.”sabi ni Erin kay Cheska at inabot nito sa kanya ang bag niya at gamit mula sa Faculty Room.

  

“Nga pala Erin hindi ako makakapasok bukas, Kasal kasi ng kapatid ko kaya okay lang ba kung ikaw muna bahala sa mga students ko bukas.”sabi ni Cheska kay Erin, Kasal na kasi bukas ni Krisha at ni Dave kaya hindi makakapasok si Cheska ewan niya lang si Jake.

Cause it's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon