Complicated 43

2K 59 9
                                    

Nakabusangot si Cheska habang nakatitig sa pinto ng Hospital room niya. Gabi na pero wala pa rin si Jake, Naaasar na siya. Napansin naman ni Krisha ang busangot na mukha ni Cheska kaya naman nilapitan niya ito.

“May problema ka ba? Bakit kanina ka pa nakabusangot?”tanong ni Krisha at bumuntong hininga si Cheska bago umiling. Nagkibit-balikat si Krisha saka bumalik sa sofa para ipagpatuloy ang panonood sa portable dvd na dinala kanina ni Tsumi at Dexter para kay Cheska. 

Napakagat ng labi si Cheska at hindi na niya napigilan ang sarili. “Nakakaasar kasi si Jake!”

Mabilis na napalingon si Krisha kay Cheska na ngayon ay namumula ang pisngi na umiwas ng tingin. Natawa si Krisha habang pinagmamasdan ang namumulang pisngi ni Cheska. 

“Oh bakit ka naman naaasar sa kanya? Miss mo na siya?”matawa-tawang biro ni Krisha kay Cheska at umiling si Cheska na sinimangutan si Krisha.

“Eh kasi naman, Nangako siya na babalik siya ng hapon. Anong oras na oh?”parang bata na nagmamaktol na sabi ni Cheska kay Krisha, Natigilan naman si Krisha. 

“Hindi ko ba nasabi sa iyo kanina?”tanong ni Krisha kaya naman napakunot ang noo ni Cheska dahil walang sinasabi sa kanya si Krisha.

“Ha? Anong-” 

“Sorry! Nakalimutan ko ata..”pagpapaumanhin ni Krisha. “Hindi makakapunta si Jake ngayon. Tatlong araw siyang mawawala dahil nagkaroon ng problema sa trabaho. May aasikasuhin lang daw siya, Tumawag sa akin si mama kanina para sabihin iyon.”

“Eh bakit hindi man lang siya tumawag na hindi siya uuwi at tatlong araw siyang mawawala? Wala naman siyang kwenta eh.”asar na sabi ni Cheska at nagtalukbong na lang ng kumot. Namumula si Cheska sa inis at sa hiya sa ilalim ng kumot, Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang asar niya kay Jake sa hindi nito pagdating at pagtupad ng pangako. 

Bumuntong hininga naman si Krisha sa inasal bigla ni Cheska. “Cheska inintindihin mo na lang si Jake, Stop being selfish.

Pinikit na lang ni Cheska ng mariin ang mata niya nang marinig niya iyon kay Krisha. Basta ang alam niya naaasar siya kay Jake kung sakaling boyfriend niya nga ito, Makikipag-break siya kapag nagpakita ito ulit sa kanya. 

“Sir Jake tubig po.”alok ni Elle kay Jake nang matapos ang isang meeting na iyon. Kailangan nilang ma-settle ang lahat dahil sa muntik ng aberya sa site. Baka kasi umurong ang mga investors dahil muntik ng magkaroon ng kapalpakan.

“Hindi ayos lang, Sino yung huling ka-meeting natin ngayong araw?”tanong ni Jake habang tinitignan ang mga papers na inabot ng secretary ng papa ni Jake na kasama nila ngayon na naglalakad papalabas ng Hotel kung saan naganap ang meeting. 

“Meeting with Mr. Tuangco po Sir Jake.”sagot ng secretary ng papa ni Jake sa tanong niya. Nagtatango si Jake habang si Elle naman kinakalikot ang phone niya at kunot ang noo. Natawa naman si Jake ng makita niya ang ganoong lagay ni Elle.

“Oh anong mukha ‘yan?”tanong ni Jake lalo na ng makasakay sila sa sasakyan. Napabuntong hininga si Elle at inayos ang mukha niya. 

“Yung boyfriend ko po kasi..”bulalas niya at umiling na lang saka muling kinalikot ang phone. Napatango na lang si Jake at muling ibinalik ang tingin sa mga papel.

Natapos naman ng matiwasay ang meeting nila at agad na dumiretso sa tutuluyan nilang Hotel. Magpapahinga na sana si Jake nang maalala niya si Cheska, Hindi siya nakapag-paalam dito kanina na hindi siya makakarating. 

Cause it's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon