Part 3

31.9K 859 94
                                    


DINAMPOT NI Winry ang nag-iingay na cellphone nang hindi inaalis ang kanyang tingin sa mga resibo na tina-tally. "Hello?"

"Hello. May I speak with Miss Winry Acosta please?"

"Yes, this is Winry speaking. Who's on the line?"

"Good morning, Miss Acosta. This is Neiji Villaraza of Mobliz Limited. I'm calling for the Stallion Shampoo promo. And I'm happy to inform you that you've been chosen as the raffle winner."

Napatayo si Winry at malakas na napamura. Naitakip pa niya ang kamay sa kanyang bibig nang ma-realize kung ano ang kanyang sinabi. "Ah—I'm sorry, Sir. I'm so sorry. Nagulat lang ako. Hindi ko kasi talaga ito inaasahan. Nakalimutan ko na nga ang tungkol sa raffle promo na iyon—wait, really? Nanalo talaga ako?" Walang sagot mula sa kabilang linya. Lagot! Binabaan na yata siya ng telepono. "Hello? Hello? Hell—"

"I'm still here."

Malakas siyang napabuntunghininga. "Sorry talaga sa lumabas sa bibig ko kanina. Ah, may iba pa ba kayong sasabihin, Sir?"

"Marami pa sana. Kaya lang nakalimutan ko na nang bigla kang sumigaw. Anyway, we will let someone fetch you tomorrow night at eight at your residence. We already have your address so there's nothing to worry about. Goodluck and congratulations again."

The line was cut even before she could say thank you. Pero okay lang. Masaya siya. Masayang masaya. Doon lang din niya napansin na nakatingin na sa kanya ang lahat ng customer at tauhan niya sa restaurant na iyon. May pagtataka sa mukha ng mga ito. Ngumisi lang siya.

"I won!" sigaw niya. "I won! I won! Ako! Ako ang makaka-date ng isa sa Stallion boys!"

Binati siya ng mga tao roon, karamihan ay babae, at halos lahat ay nagparating ng pagka-inggit sa kapalaran niya. Winry knew there was probably no one in the country right now who doesn't know about the Stallion Shampoo. Nor the men from that commercial. At lahat marahil ng babae sa Pilipinas ngayon ay namakyaw ng naturang produkto para lang magbakasakaling suwertehin na manalo at maka-date ang isa sa mga lalaking iyon. Iyon lang ang tanging explanation na alam ni Winry kung bakit halos lahat ng kababaihan doon ngayon ay parang gusto siyang batuhin ng plato at tray.

Pero balewala sa kanya ang masasamang balak ng mga ito. Basta siya, masaya. Masayang-masayang-masaya!

"Kayo na muna ang bahala rito, ha?" wika niya sa mga tauhan na nasa bandang cashier counter. "Bibili pa ako ng gown para sa date ko bukas. Magpapa-parlor din ako at bibisita kay Dra. Pie Calayan."

"Calayan? Magpaparetoke kayo, Ma'm? Maganda na kayo, ah."

Ngumisi lang siya. Of course she knew she was pretty enough. Binibiro lang naman niya ang mga ito para hindi gaanong mahirapan na tanggapin ang katotohanang siya ang nanalo sa contest na iyon.

"A, basta. Mauuna na ako sa inyo. Sige, bye."

"Goodluck, Ma'm."

"Ang swerte mo talaga, Ma'm. Pauwi ng souvenir, ha? Kahit isang Stallion boy lang, solb na ako."

"Oo bah." The image of the guy from a few nights ago came to her mind again. Puwera 'yun. "Kapag may naghanap sa akin, sabihin nyo hanapin na lang uli ako pagakatapos ng tatlong araw."

"Tatlong araw?"

"Sigurado kasing aabutin ng tatlong bago ako tuluyang mahimasmasan sa suwerteng dumapo sa akin ngayon. At bukas ng gabi." Ngisi-ngisi lang si Winry nang damputin ang kanyang shoulder bag at nagmamadaling lumabas ng restaurant.

Ano ba ang uunahin niyang gawin? Magpa-parlor, magpa-facial, bumili ng damit, o magsukat ng wedding gown?

Tinawanan lang niya ang huling kabaliwan.

Stallion Riding Club 6: Neiji Villaraza (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon