Part 6

31.2K 720 36
                                    

"HIJA, I'M so glad you came!"

"Hello, 'La." Niyakap ni Winry ang kanyang lola at hinalikan sa pisngi ang kanyang lola na sumalubong sa kanyag pagdating. "Sabi sa inyo matutuloy na ako, eh."

"I'm so glad you did. We miss you so much, hija," wika ng kanyang lolo.

Niyakap niya sa magkabilagn braso ang dalawang matanda. "Huwag na ninyo akong kunsensiyahin. Nahalikan ko na naman kayo, di ba? Hindi pa ba ninyo ako patatawarin?"

"Ikaw na lang ang nag-iisa naming apo dito sa Pilipinas, itatakwil ka pa ba namin?" madramang wika ng kanyang lola. "Pero sana ay mas dumalas ang pagdalaw mong ito."

"Titingnan natin, 'La." Hinalikan niya uli ito sa noo. "Ano ba ang makakain dito? Nagugutom na ako. Oh, na-miss ko rin ang mga luto mo, 'Lo."

"Nagluto ako ng paborito mong sinigang na baboy."

"Patatabain nyo na naman ako nito, eh."

Sabay-sabay na silang nagtungo sa komedor. Ang mga ito na lang ang natitirang alaala sa kanya ng kanyang ama. Ang mga kamag-anak kasi ni Winry sa father side ay kung saan-saan nang bahagi ng mundo naninirahan. Kunsabagay, pati naman ang mga lolo at lola niyang ito ay madalas na lumalabas ng bansa sa pag-aasikaso ng mga negosyo ng mga ito. Pero naibahagi na ng mga ito ang mga iyon sa iba pa nilang mga anak bilang pamana. And since her father was already dead, sa kanya na ipinasa ng mga lolo niya ang pamana para sa kanyang ama. Na hindi naman niya naasikaso dahil may sarili rin siyang negosyo. Kaya ang ginawa ng mga ito ay pina-liquidate ang mga partikular na assets na iyon at saka isalin sa bank account niya.

She's secured financially for life. Pero pakiramdam ni Winry ay may bahagi pa rin ng puso niya na hindi mapupunan ng kahit anong materyal na kayamanan.

"Napansin kong nakapag-ani na kayo ng palay, 'Lo. Pero parang hindi pa yata kayo naghahanda para sa bagong pagtatanim."

"A, iyon ba? Hindi na talaga kami magtatanim sa ngayon. Balak kasi naming ibenta ang malaking bahagi ng lupain natin dito."

"Ibebenta?"

"Matanda na ako, Winry. Hindi ko na kayang subaybayan ang ganito kalaking lupain. Huwag kang mag-alala. Magtitira pa naman ako pero 'yung sa kaya ko na lang i-supervise. Naipaalam ko na ito sa mga tauhan natin. At sa tingin ko, tinanggap na rin nila iyon."

"Pero bakit, 'Lo? Mahal na mahal ninyo ang lupain ninyong ito, hindi ba?"

"Oo, kaya nga sinisiguro kong pahahalagahan din ng bagong magmamay-ari nito ang lupaing ito, pati na rin ang pangangalaga sa mga tauhan nating matagal ng nagsilbi rito sa hacienda."

"Huwag kang mag-alala, apo. Alam ng lolo mo ang kanyang ginagawa."

"Unless, of course, magbago ang isip mo at magdesisyon kang i-take over itong hacienda."

"Ernesto, hayan ka na naman. Sinabi na sa iyong hayaan mo na ang apo natin sa gusto niyang gawin. She wasn't born to be like you, you know. May sarili siyang buhay."

"Nagbabakasakali lang naman ako."

Lalo tuloy na-miss ni Winry ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ama. Iyon kasi ang alam niyang papalit dapat sa lolo niya sa pag-aasikaso ng mga lupain nila kung hindi lang nasangkot ito at ang kanyang ina sa isang vehicular accident pitong taon na ang nakakalipas kung saan sabay na binawian ng buhay ang mga ito. Her father always told her the things he wanted to do with their vast land. Gusto sana niyang panatilihin sa kanilang pamilya ang lupaing iyon. Pero ano naman ang gagawin niya kung wala naman siyang alam sa pagpapatakbo ng isang malaking hacienda? Nasa Maynila ang buhay at puso niya. At ilang beses din naman siyang sinabihan ng kanyang ama noon na huwag siyang patatali sa pangarap ng ibang tao. Kaya ngayon ay sinusunod niya ang kanyang gusto at wala pa naman siyang pinagsisisihan.

Stallion Riding Club 6: Neiji Villaraza (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon