Chapter 15

971 25 3
                                    

Were not A, Were Meant to B 

(Traffic ka ba sa EDSA?? coz I can't move on!) 

~Yeshua POV

Haha grabe!! Ang saya! Ang sarap ng feeling... 

Ang sarap ng feeling maging inlove :)

Parang ayoko ng umuwi samin sa totoo lang e,

parang mas gusto ko pa ngang makasama nalang siya palagi.

haayyy buhay pagibig nga naman.

Pagkarating ko ng bahay nagmano kagad ako kay dadi at sinabing.

"Dad, sorry ginabi po ko"

Napangiti muna si dadi at sabay nagbiro.

"Kaya ka ginabi dahil sa babae no?"

"Haha, opo dad hinatid ko lang yung kaibigan ko kasi di siya nasundo ng service niya"

"Haha sabi na nga ba e..balang araw ipakilala mo sakin yan a"

"Naku dad! Di ko nga po alam kung may pagasa ako dun o wala e..

pano ko po ba malalaman kung mahal niya ako?"

"Unang una anak.. eto ang pinakatatandaan mo.  

Hindi mo malalaman kung gaano ka kamahal ng isang tao

kung mataas lagi ang ineexpect mo sa kanya..

ibig sabihin kailangan mong maappreciate ang bawat ginagawa niya sayo."

"Mmm...appreciated naman po lagi ang mga ginagawa niya e..

ang saya ko nga po lagi pag kasama ko siya,ang mga bagay nga po na hindi kinakatuwaan at nginingitiian ay ikinasasaya ko! Grabe talaga haha"

"Ganyan talaga ang buhay pagibig anak..

(sabay hawak sa balikat ko)..

pero tandaan mo ang love may karelasyon din..

at ito ang hurt..

Dahil pag nagmahal ka hindi mo maiiwasang hindi ka masaktan."

"Opo nga dad e.

Saka pag ipapakilala ko na po sainyo tong babae na kinukwento ko ipagluto niyo po kami ng masarap ah :)"

"Oo naman, kailan ba hindi naging masarap ang luto ko?? Hehe nakakain kana ba?"

"Opo dad nakakain na po ako..sige po aakyat nako sa kwarto ko"

"Sige lover boy" biro ni dad sakin.

Nginitian ko nalang siya at diretso kagad ako sa kwarto ko.

Pagkapasok ko ng kwarto tinext ko kagad si Minah.

"Gudeve BABY!! Haha nakauwe nko...pasbi kay mama YeYe da best luto nya :)"

Maya maya ay nagreply agad siya..

"BABY ka dyan..ikw nga DAMULAG e :p"

"Haha ok lng :p..parang meant to be na tayo nun BABY-DAMULAG haha"

"Asa kpa Yeshua :p..haha"

Awwwww...

eto talaga ang mahirap sa mga babae e..

minsan talagang hindi masyado showy hindi mo maintindihan kung ano ang gusto nilang iparating..

kaya mahirap malaman kung mahal nila ang isang tao o hindi..

Pero Feeling ko sa mga galaw at pananalita ni Minah..

MAHAL niya ko. 

Were Not A, Were Meant to B (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon