TDKQ: 25

15.2K 297 8
                                    

Chapter 25: Train Her Special Magic

Nasa infirmary kami ngayon ni Anthonie, Ivan at ni Traves. Bakas sa mukha ni Anthonie ang pag-aalala sa kasintahan. Habang si Traves naman ay hinahagkan ang kamay ng kaniyang kapatid.

Si Traves naman ay as usual na naka poker-face.

*Tok! Tok!*

Lumapit ako sa pintuan at sinilip kung sino iyon. Si Ivana kaya binuksan ko ang pintuan.

"Ah..eh.. g-gusto ko lang sana na ibigay sa mga phropecies ang mga prutas na dala ko" saad ni Ivana.

"Pasok ka muna Ive (pronunciation: Ayv)" tumango siya at pumasok. Pinatong niya ang basket sa lamesa.

Ivana's P. O. V

Kilala niyo naman ako diba?

Those who skip chapter 23

I am Ivana Maxzell.

Naka tingin lang ako sa tatlong babae na naka higa then I looked at Franxine and then Ivan.

Napangiti naman ako.

I still have a mission to finish.

"A-Ano a-aalis muna ako" saad ko at tumango na lang sila lumabas ako ng pintuan at nagteleport.

Franxine's P. O. V

Magdamag akong nagbantay kay Hanna,Cheskah at kay Anna kaya napagdesisyonan ko na umuwi muna sa dorm. Nakakapanibago dahil walang maingay dito sa dorm.

Humiga na lang ako sa kama. Dumalaw naman agad ang antok at banayag na ipinikit ko ang aking mga mata at sa isang iglap ay nakatulog na ako.

"Franxine" ayan nanaman sila nanaman.

"B-Bakit niyo ako tinawag? Or should I say pumasok kayo sa panaginip ko?" Saad ko sa kanila.

"We need to train your Special magic" saad ni Aqua.

"Ano ba ang ibis sabihin ng Special magic?" Tanong ko.

"Sa isang Elemental Guardians ay may tatlong kapangyarihan or should I say mahika. Ang unang kapangyarihan/mahika ay ang elements: ayun ang pangunahing magic while ang dalawa pang natitira ay tinatawag na special magic. Pero naiiba ka Franxine. Hindi lang tatlo ang mahika mo. Marami pa" saad ni Liatana.

Tumango na lang ako.

"Ngayon ang oras para sanayin ka dahil magaganap na" saad naman ni Terra.

"Anong magaganap na? Tsaka ako sasanayin niyo para magamit ang Special magic ko? Kulang tayo sa oras!" Bulyaw ko.

"Ahaha! Nakakatawa ka talaga Franxine! Everything is possible! Sa bawat minuto sa oras ng Redaya ay katumbas ng isang oras dito. Tsaka para saan pa kung tatawagin kaming Goddesses kung hindi namin kayang gawin ang mga impossible?"  Tawang sagot ni Aira at Liatana.

-______- napa poker face na lang ako.

"Ani simulan na natin?" Saad ni Aira at tumango ako.

"Ang unang hahasain natin ay ang kakagahan mong necromacy" -Terra.

Necromancy? Kaya ko bumuhay ng patay?!

"Simulan natin sa..." pinutol ni Terra ang sasabihin niya nang hawakan ni Terra ang isang puno at natuyo ito at nalanta.

"I-try mong i-restore ang buhay ng puno na ito" hinawakan ko ang puno but nothing happen.

"Concentrate Franxine!" Sigaw niya kaya nabigla ako at hinawakan ang puno at laking gulat ko nang nabuhay ulit ito.

"Magaling Franxine! Ngayon tao naman ang bubuhayin mo" malademonyong nakangisi at nakatingin si Terra kay Fyra.

"Gagx!" Sigaw ni Fyra.

Eh? Tama ba ang narinig ko? Nagmuta si Fyra?!

"Ahaha! Alam kong nagtataka ka ngayon kung bakit nagmura si Fyra. Hindi porket na Goddesses kami ay mababait na talaga kami may pagka immature lang yung mga kasama ko" -Aqua.

"Huwaaaaw! Parang siya hindi aa?!" -Fyra, Liatana, Terra at Aira

"EH DI KULANGOT NG KALABAW!" Saad ni Aqua sabay pout.

Nahiya naman ako kay Goddess Aqua! Tinalo pa ang patong bingot! Ehehe joke.

"So! Just like what I said before this time ay bubuhayin mo ang patay! At ikaw Fyra ang magiging Demo!" Saad ni Terra pero tiningnan lang ng masama ni Fyra si Terra habang yung ibang Goddesses ay nagpipigil ng tawa.

"Huwag kang mag-alala Fyra necromancy naman ang special magic ni Franxine kaya walang problema unless. . . Natatakot ka" naka smirk na ngayon si Terra na mukhang kinainisan ni Fyra.

"I'm not scared Terra!" Sigaw ni Fyra at nag palabas ng matulis na parang sibat pero gawa sa apoy iniangat niya ito at iniharap ang dulo ng sibat sa kanya at ikinumpas niya ang kamay niya at bumulusok at tumusok ang apoy na sibat sa dibdib ni Fyra napaluhod si Fyra at napahiga sa Damuhan.

"Okay! Ngayon ay patay na talaga si Fyra i-try mong buhayin siya kapag hindi mo siya nabuhay isusunod kita sa kanya" hinawakan ko siya sa dibdid at nag-ilaw ang mga kamay ko. Humihilom ang mga sugat ni Fyra at unti-unti niyang iminumulat ang kanyang mga mata. Tumayo si Fyra at lumapit kay Terra at . . . Sinampal?!

"Txnginx mo kang babae ka! Alam mo bang nakita ko ang Goddess ng Underworld?! Buti na lang at mabait yun sa akin kundi todas na ang kaluluwa ko!" Sigaw ni Fyra. Tumawa na lang si Terra.

Lumapit sa akin si Aira.

"Ngayon naman ay hahasain natin ang kakayahan mo sa paggamit ng portal para sa nakaraan,Kasalukuyan at hinaharap"  -Aira.

Tumango naman ako.

"Itaas mo ang kamay mo at bigkasin ang Engkantasyon na sasabihin ko. Makinig kang mabuti at paniguraduhin mong makakabisado mo ang engkantasyon at masasabi mo ng maayos" -Aira.

Itinaas ko nga ang kamay ko.

"Heleya fortalimo operania oz"

Ginaya ko ang sinabi ni Aira.

"Heleya fortalimo operania oz"
Pagkasabi ko ng engkantasyon ay may malaking bilog ang lumitaw sa harapan ko.

"Magaling! Nagawa mo na. Mag tatagal lang ang portal na ito kung anong oras ang gusto mo. Maiisara mo lang ito kapag nagbigkas ka pa ng isang engkantasyon para sa pagsara ng Portal" itinaas niya ang kanyang kamay ay nagbigkas ng Engkantasyon.

"Heleya fortalimo klosafirno  ox! Ngayon Franxine ikaw naman ang magbanggit"

"Heleya fortalimo klosafirno ox!"  Sigaw ko at biglang nawala ang portal.

"Magaling Franxine! Maaaring ka ng magising pero babala lang magsisimula ng umulan ng nyibeng dugo"

Pagkasabi noon ni Aira ay inimulat ko agad ang mga mata ko. Tiningnan ko ang orasan ko at 7:30 a.m na pala. Anong oras nga pala ako natulog kagabi?

Tumingin ako sa kalangitan at ang kulay ng langit ay pula at maya-maya'y unti-unti nang umuulan ng nyibeng dugo at

Magsisimula na ang pangalawang digmaan. . .













A/N:

R. I. P
Sa utak kong sumabog ahahaha. Tsaka grabeeeee! Sabog na nga utak ko sasabog pa sa digmaan 'kuno'

At yung mga naka bold letters diyan ay gawa gawa lingguwahe ko lang iyan kaya huwag niyong didibdibin may likod pa kayo ahahaha!

THANK YOU SA PAGBABASA!

The Demon King's Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon