Shemarie Joy Capiral
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
* ' ' Gamitin mong inspirasyon ang mahal mo para maging matalino,
maganda o gwapo, at magaling sa lahat ng larangan para mas mapansin nya ' '
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
araw- araw nalang e gumigising ako ng 4am
para lang mag-ayos, oo, almost 3 hours akong nag-aayos,
7am pa pasok namen, madalas mas maaga pa sa 4am ang gising ko.
Nag aayos at nagpapaganda ako para lang mapansin nya
at nagrereview ng everyday lesson
para lang magpaimpress sa kanya
kaso wa epek guys.
matalino rin sya, ay karamihan naman pala ng mga nasa room namen e matalino
pero sya kasi deans lister kagaya ko, kaya nga ang hirap
talaga para saken na mapansin nya.
May mga nanliligaw nga saken at halos pinagtutulakan nako ng
dalawang kaibigan ko na magboyfriend kaso
siya lang talaga gusto ko.
Ang martir ko whaha .
.
.
.
Alam nyo ba yung #NaChichay?
haha jusko, dinaig ko panga si chichay, sya nilagpasan lang ni joaquin
e ako? ginawa ko na yata lahat wala paden,
ang masaklap pa, nasa iisang room lang kame
kahit isang kumusta ka wala e.
Anak ng pusang galang destiny to,
di man lang kame pagnungguin tulad ng mga nasa movie at teleserye tapos
mahuhulog yung dala ko tapos pupulutin namen at magkakahawakan kame ng kamay.
sige lang shemarie, mag imagine ka lang. Hopia talaga ang lola nyo.
Ako yung tipo ng babaeng laging nakasmile, syempre para mapansin na rin nya.
Asa pa shemarie!
ano bayan lagi ko nalang kinakausap sarili ko.
Eto naman kasing lalaking to!
pag ako nainis hahalikan ko nato,
syempre joke yun baka makulong pako,
child abuse, e kasi baby face siya. pero magka age lang kame.
destiny nato! Pupush ko to. Push naten no guys?
-Shemarie