Pumasok na kami sa loob ng orphanage ni ella lagi namin tong ginagawa pag wala kaming training sa volleyball! Project naming magkakaibigan na itayo ang amponan na ito! at dahil narin ay mahilig ako sa mga bata. Phenoms Orphanage ang pinangalan namin dito. Pag may mga friendly games na nagaganap naglalaro kami tapos yung pera na maiipon i dodonate namin dito.
Alyssa! Ella! .' bati sa amin ni Manang Anna na siyang ngangalaga sa mga bata dito.
Magandang umaga po auntie Anna!.' sabay sabi namin ni ella.
Magandang umaga rin! pasensya na at hindi pa kasi ako tapos sa pag lalagay ng pagkain. 'sabi ni manang anna.
Tulongan ko napo kayo manang.' sambit ko.
Sige besh! tulongan muna si manang anna! ako na bahala sa mga bata.
Tumango nalang ako kay ella at tumongo na kami ni manang anna sa may playground ng mga bata. Tinulongan ko si manang anna na mag prepara ng mga snacks ng mga bata.
Ay! nako ly. Sandali lang kukunin ko muna ang mga straw ng juices sa loob ha? ,'sabi ni manang ana.
Cge po manang. ' ngising sagot ko sakanya.
Habang nag aayos ako ng pagkain biglang may yumakap sakin sa likod amoy palang alam ko na.
I miss you po.' sabi niya.
Oy! bitaw ka nga! nag aayos ako oh! .' sagot ko pero deep inside gusto ko pa talagang nakayakap siya sa akin.
Bumitaw naman siya at tinulungan ako mag sara sa mga lunch pack.
Bakit dimo sinasagot tawag ko? 'sabi niya.
Huh? lowbat eeh! 'sagot ko naman.
Grabe! di uso mag charge Ly? 'sabi niya.
Napagod ako eeh! kaya nakalimutan ko .' sagot ko habang patuloy na nag aayos sa mga snacks. Habang siya naman ay napatigil at humarap sa akin na naka pout.
So di naako importante sayo ganon? .' sabi nya habang naka pout parin.
Bakit ba ang cute ng lalaking to pag nagpapout! kung alam mo lang sana kung gaano ka kaimportante sakin.
Hoy! Kiefer? wag kangang Oa okay? looooobat nga ako eeh! 'sagot ko naman habang tumatawa.
Nabigla nalang ako ng bigla niya akong yakapin. Diko mapigilang mapapikit sa sinabi niya.
Nag alala lang naman po ako sa iyo. ' sabi niya.
Ayaaaaaan! Jusko wag PDA mga brad ang Yuyuuuuuck nyo! 'busangot na sabi ni ella habang binibigay sakin ang straw.
Ikaw ang yuck ella! na miss ko lang tong bespren ko no' sagot ni kiefer habang naka akbay sa akin. Dahil sa sinabi niya tumingin ako ella.
Araaaaaaay! ang sakit non beeeees! sakit dito oh.' sagot ni ella habang turo ng turo sa dibdib niya.
Problema mo donya? .' sabi ko habang tinataasan ko siya ng kilay. Ang loka tumawa lang .
Ang sakit kasi ikaw lang namiss ni kiefer!! ako hindi? 'tawang sabi niya.
Nakooo ella! pagkain lang naman na miss mo eeh. 'sagot ni kiefer! sasagot pa sana si ella pero pinutol kona baka san pa ito patungo ang usapan na ito.
Tumigil naman sila at nag tulungan na kaming ibigay ang mga snacks sa mga bata.
Ateeeeee Alyssa! 'sigaw ni chacha isa sa mga bata dito na ulila na.
Chacha! nako kamusta kana .' tanong ko habang nakayakap siya sa akin
okay naman po. 'sagot niya at kumalas na sapagka yakap sakin.
Chacha makuliiiiit.' sigaw ni kiefer habang lumalapit sa kinaroroonan namin ni chacha at binuhat niya ito.
Kuya! di na naman po ako makulit no 'sabi ni chacha.
talaga ba? .' sabi naman ni kiefer.
Tawa lang ako ng tawa sa kanila kasi si Chacha may ketchup ng spaghetti sa baba kaya pinunasan ko ito habang karga karga siya ni kiefer.
Salamat po! ate Lyy. 'ngising sabi ni Chacha
Ay! wooow! pwede na! pwedeng pwede na.! ayan oh! pamilya na kayo tingnan.' tawang sabi ni ella. Kaya binaba na ni kiefer si Chacha at tumakbo papunta kay ella.
ate ells? pwede po ba ganon? magiging mommy ko si ate ly at daddy si kuya kief? .'tanong ni chacha. at ang lokong donya sumagot naman.
ay oo naman cha! .' magiging family kayo! kaso di sila mag jowa eeh! BESTFRIEND lang sila.' sagot ni ella at talagang diniin yung bestfriend na word. Bumalik naman si chacha samin at nagtanong.
ate ly? dapat mag jowa po kayo ni kuya kief. pero anopo ba yung jowa? 'inosenting tanong ni chacha.
Ay nako! cha ! yan yung mag boyfriend girlfriend yung babae at lalaki .. mag sasama sila habang buhay pero bago yan liligawan muna nung lalaki ang babae. 'sabi naman ni ella.
Kuya kief? ligawan nyo napo si ate Ly para mag jowa na kayo.' sabi ni chacha habang yinuyogyog ang kamay ni kiefer. piste talaga to si ella ee! nagkaka akwardan na dito.
Umupo si kiefer para makapantay niya si chacha.
Chacha! ganito kass... pinutol ko ang sasabihin ni kiefer at ako na ang tumoloy.
Ganito kasi yan Cha? dikasi basta basta ang mga ganyang bagay? kaya kalimutan mo nalang yan okay? wag kang maniwala kay ate ella okay. ' pangaral ko kay chacha. at tinaasan ng kilay si ella.
Ate? pwde din naman kita magiging mommy sa future diba? basta dimo ako iiwan? ' sabi ni ella. kaya umupo ako ta tumago sa kanya.
PROMISE po yan ha? 'dagdag niya.
Oo! PROMISE yan! tara na! ubusin na natin yung pagkain mo doon.'sagot ko habang tumayo at iniwan na namin sila kiefer at ella doon.
Maghapon kaming nakilaro sa mga bata don. hanggang sa nag gabi na at kailangan na naming umuwi.
Bes? sabay ka nalang kay kiefer ha? may dadaanan pa kasi ako eeh! .'sabi ni ella habang sumasakay sa kotse niya
Sapakin kita jan! umalis na yun nooh! di nga manlang nagpa alam! pero cge mag tataxi nalang ako 'sagot ko habang si ella may ningitian sa may likod ko.
Oy! kiefer? kaw na bahala okay? mauna na ako! ihatid mo yan sa bahay nmin ng maayos.
Opo donya! .' sigaw naman ni kiefer sa likod.
pano bayan besh? si kiefer na okay.? byeeee.' at biglang pinaharorot ang kanyang sasakyan! langya talaga yung babaeng yun.
Tara na? 'sabi ni kiefer
Akala koba umalis kana? .' sagot ko.
Di nman pwede na iwan ko bespren ko rito no.' tawang sagot niya.
Tsss. okay fine tara na? 'sabi ko habang pumapasok sa kotse niya.
Nabalot ng katahimikan sa loob ng sasakyan. kaya magsasalita na sana ako kaso naunahan niya ako.
Dinner tayo? 'sabi niya.
Libre mo? 'sagot ko.
Tumawa lang ang loko at dina nagsalita. Bwesit din to eeh!
BINABASA MO ANG
Hopeless
Short StoryHearing the words "He likes her" feels like I've just been shot right in the heart.