Notebook

6.7K 51 1
                                    

Naglalakad ako ngayon sa hallway as usual. Pagdating ko sa room namin agad kong nilabas ang mga gamit ko at sinimulang gumawa ng assignment na nakalimutan kong gawin kagabi. Habang nagsusulat , napapakanta ako nung Kimi Ga Suki by Shimizu Shota .

" Kimi ga suki , ichiban taisetsu na hito . Hmmn . " napatingin naman ako sa orasan at nakitang malapit na palang mag start ang first class ko kaya nagsimula na akong magligpit nang bigla akong tawagin ng kasama ko sa bukatsu ( club ) .

" Ayaaa! " hinihingal nitong sigaw. Agad naman akong napatayo at lumapit rito .

" doushita no? ( ano meron? ) " tanong ko . Nakahawak parin ang isa nitong kamay sa tuhod niya .

" Chotto saa, sensei yonderu yo. ( Ano kasi , tinatawag ka ni Ma'am ) " tumango naman ako sakanya at dumiretso sa Teacher's Room .

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa Room . Nakita ko namang madaming nagkukumpulan na guro sa gilid , mostly babae na teacher . Mukhang may pinaguusapan silang kung ano dahil sa itsura nila . Lumapit ako sa Club Teacher ko . Pero bago pa man ako makalapit nang tuluyan merong nakakuha ng atensyon ko. Yung Notebook ko. Agad akong nataranta at akmang kukunin na sana iyon ng may biglang humablot rito . Tinignan ko kung kaninong kamay yun at nakitang sa Club Teacher ko pala. Nakatingin ito sakin ng blanko . Agad naman akong kinabahan. Alam na kaya nila? Kinakabahang isip ko . Nakahinga naman ako ng maluwag nang ngumiti sakin ang teacher ko.

" Kore wo kyoushitsu ni wasurechatta yo . ( Nakalimutan mo ito sa classroom ) " nakakalokong ngiti nitong sabi sabay abot sakin ng notebook ko. Agad ko naman itong kinuha at dahan dahang binuksan ang notebook. Wag sana please kinakabahan parin ako . Agad naman akong namula sa nakita ko .

Unang bukas mo palang makikita mo na yung mga doodles ko about kay Masaki . Yung crush ko first year palang. Mga MASH ko ng mga pangalan at kung ano anong drawings . Agad ko namang sinara ito at nagpasalamat tsaka ako lumabas ng Room .

Binuksan ko ulit yung notebook at napangiti sa nakita . Nakakahiya man yung kanina pero atleast safe parin ang sikreto ko. Napatingin ako sa relo ko at nagbilang

5..4..3..2..

and 1 .

" Ahhhhhhh!! " rinig kong sigaw ni Nami sa sakit . I smiled a devilish smile at naglakad pabalik ng classroom ko hawak hawak ang Notebook ko sabay mark ng x sa pangalan niya.

One Shot Stories | xoxoshrhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon